Day Dream 1

76 4 24
                                    


"Alam mo ba friend, narinig ko kanina sa isa sa mga kaibigan ni Rio na may gusto raw sa'yo si Rio aaaAaaaHhhhh!!!" kahit kailan talaga napaka-ingay ng bestfriend ko na 'to.

"Ano ka ba! 'Wag ka ngang maingay, baka may makarinig sa'yo" suway ko sa kanya. Lagi na lang ganito ang eksena naming dalawa, siya 'yong magiingay tapos ako 'yong magsasaway. Hayss.

"Ano naman ngayon? Totoo naman eh! Narinig ko talaga kanina! Tinutukso pa nga nila si Rio sa'yo---Oh! Anjan pala si Rio" agad naman akong napalingon sa likod ko kung saan siya nakatingin. Takte! Bakit ba ang pogi ng kupal na 'to?!

Agad akong tumayo at naglakad palayo sa kanila, hindi ko rin alam kung bakit ako umalis eh. Basta bigla na lang akong tumayo at umalis, may sariling isip ata ang mga paa ko.

Tinatawag ako ng best friend ko pero hindi ko 'yon pinapansin, alam ko kasing kasama niya pa si---

"Hanggang kailan mo balak tumakbo palayo sa'kin?" k-kingina? S-shit?! Si Rio...hinawakan ni Rio ang kamay ko. Shit!!!!

"H-hindi naman. A-ano kasi...m-may kailangan lang akong p-puntahan, kaya umalis kaagad ako" paliwanag ko, pero shit?! Mas lalong sumama ang itsura niya. aaaAaahhHhh

"Sa susunod na tumakbo ka pa palayo, akin---"
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

"Hoy! Ano 'yan?" tae siZ! Kaboses 'yon ni Dragona---este ni Mrs. Hernandez. 'Yong guidance counselor namin. Paktay na.

Agad akong binitawan ni Rio, tsaka sabay naming hinarap si Mrs. Hernandez, pati si Zake saka si Kharyle ay napatingin na rin kay Ma'am.

"Mr. Buenaventura, ano na namang kaguluhan ang ginagawa mo? Nambu-bully ka na naman ba?!" galit na sigaw niya kay Rio. Gusto ko sanang ipagtanggol si Rio, pero natatakot ako kay Mrs. Hernandez.

"No,  ma'am. Naguusap lang po kami ni Silvanna, may nakalimutan po akong sabihin sa kanya kaya hinabol ko po siya" sagot nito. Nagsisinungaling siya diba? O white lies lang?

Mukhang nakumbinse ni Rio si Mrs. Hernandez kasi tumango-tango ito. Nakahinga naman kami pare-pareho ng maluwag dahil tuluyan na kaming nilagpasan nito.

"Bae, t-tara na. M-may klase pa tayo diba?" nauutal na saad ni Kharyle.

"A-ah oo, sige una na kami" sagot ko na lang tsaka nagmadaling maglakad palayo.

•••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••

"Sheeems!!! Alam mo ba na nakasabay ko si Zake tsaka sa Rio?"

"Oh talaga? You're so swerte girl!"

"OMG! Talaga?! How lucky you are"

"Yeah yeah, you're so lucky"

Kaliwa't kanan ang ingay sa hallway ng building namin tuwing umagga, pa'no ba namang hindi kung dito laging dumadaan si Rio at Zake. Halos matunaw na nga ako kapag makita ko si Rio, lalo na kapag nahuhuli ko siyang nakatingin sa'kin. Hindi ako assumera okay, sinasabi ko lang ang totoo, sinasabi ko lang kung anong nakikita ko.

Ngayon, another kilig na naman ang mararamdaman ko. Dahil malayo pa lang ay kilala ko na ang lakad ni Rio, gustuhin ko mang makita ang paglalakad niya palapit sa'min ay mas pinili ko na lang na pumasok sa loob ng classroom. Baka kase maging marsh mallow ako do'n sa sorbang panlalambot, at matunaw na para bang ice cream dahil sa sobrang hot niya.

Nasa loob ang kaibigan ko na si Haledrix. Siya lang naman ang matino kong nakakausap maliban sa best friend ko, kaya naisip kong siya na lang ang kausapin ko. Busy siya sa pagbabasa ng libro pero wala akong pakealam, gusto ko lang mawala sa isip ko si Rio.

"Uy, Hale. Kamusta?" bati ko rito. Ibinaba niya ang libro niya at ngumiti sa'kin, buti na lang talaga hindi siya snob katulad ng iba. Approachable siyang tao, 'di kaya ng iba na feeling artista, mukha namang alipunga.

"Hi, ayos lang naman ako. Ikaw ba? Ang aga mo ata ngayon?" sunod-sunod na tanong niya.

"Ah eh, hehehe ayos lang din naman ako. Oo, kailangan nang pumasok ng maaga para hindi malate" sagot ko sabay kamot sa batok, at huli na nang ma-realize ko na never pa pala akong nalate. Potek!

"Eh, hindi ka pa naman talaga---" hindi na natuloy ni Hale ang dapat niyang sasabihin nang biglang umalingawngaw ang isang pamilyar na boses sa buong classroom.

"SILVANNA QUINTO!!!"

Agad naman akong napatayo at nanatiling nakatalikod. Shemay siz! Si Rio kasi 'yong sumigaw eh, at galit yata siya.

"Humarap ka sa'kin!" agad naman akong humarap sa kanya pero nakayuko ako, ayokong Makita ang itsura niya.

"Who gives you permission to talk to other man!" gagi! Alangan naman siya lang ang kakausapin ko diba--- "Gusto ko ako lang ang kakausapin mo! Ako lang at wala ng iba! Naiintindihan mo?!" aba! Magaling. Oo crush ko siya pero hindi naman ata tama 'yong gaganyan-ganyan siya sa'kin tapos iiwanan niya akong umaasa.

"Hoy ikaw! Hindi porket crush kita ganyan ka na! Baka nakakalimutan mong ni hindi mo man lang ko kinrash back!" buong tapang kong sigaw sa kanya. Naririnig ko ang mga negatibong bulungan nga mga kaklase kong babae, habang ang mga lalaki naman ay nagtatawanan na para bang nanonood sila ng pelikula.

"Kaya hindi kita kina-crush back kasi mahal na kita! 'Wag kang engot!" k-kingina...nabingi ata ako. Wait, c-confirm lang natin ha, kalma ka lang self nananaginip ka lang.

"P-pakiulit nga?" nauutal na saad ko. Taena ka Rio! Kingina mo sagad hanggang buto! Papakiligin mo 'ko ng ganito tapos 'di mo paninindigan?!

"I said, I love you! Hindi kita crush kasi mahal na kita. Now, tell me kung sino sa'tin ang mas luge" nakangising saad niya at nang dahil do'n naghiyawan ang mga classmates ko.

"Woooww!!! Sanaol!!!"

"Walang poreber mga ulul!"

"Sana all kina-crush back!"

"Boplaks! Hindi lang siya kinrash back, ni-love back pa!"

"Haba ng hair!!"

"Silvanna!! How to be you!!?"

Kingina, 'di ko na kaya 'to siz!! Takbo naaaaaa!!

Ending? Ito ako ngayon at tumatakbo palayo sa mga tukso ng mga kaklase ko. Arrgh! Bakit kasi kailangan pa na doon siya magsabi ng gano'n?! Hindi ba niya alam na mas lalo lang akong pagiinitan ng mga ultimate fans niya?! Lalong-lalo na 'yong leader nilang si Alteya!

Kakagigil ka Rio!!! Papatayin talaga kita!! Lulunurin talaga kita ng pagmamahal ko!! HAHAHAHAHAHAHAHA kinginaaaa kinikilig ako! Bwisit! Crush ko lang naman siya pero mahal niya ako BWAHAHAHAHAHAHHAHAHAHAHAHAHA. Ano kayo ngayooon?! Sigeee, asarin niyo pa ako. Kita niyo naman kung sino ang nanalo, diba? Pfft! Sayang lang at wala ang bestfriend ko. Hayss. Wala akong katulong, wala akong mahampas.

Kaya kayong mga may crush dyan na hindi kayo kina-crush back, chill lang kayo dahil baka mahal na kayo niyan. Pfft WAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA.




~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Day Dream Come True |COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon