Day Dream 2

32 4 0
                                    

"What the hell? Sino 'to?!" napahinto agad ako sa paglalakad nang marinig ko ang pamilyar na boses na 'yon.

"Bae, narinig mo ba 'yon?"  tanong ko sa kanya habang lumilinga-linga sa paligid. Wala masyadong tao rito malapit sa garden, kaya rinig na rinig ko ang sigaw na 'yon.

"Ano na naman ba? Alam mo, kung nagda-day dream ka na naman, better to stop that bago ka pa makita ni---" agad napahinto sa pagsasalita si Kharyle nang marinig ulit namin ang boses na 'yon.

"Dalhin mo siya rito! I fucking want her fucking right now! She need to explain this shit!"

Nagkatinginan kami ni Kharyle sa narinig namin. My gass naman kasi, kung makapagmura sobrang lutong, bagong prito.

"I told you, not everytime kasi nagda-day dream ako. Dzuh!" saad ko tsaka siya inirapan.

Nagpatuloy kami sa paglalakad nang biglang may humawak sa kamay ko kaya napalingon agad ako rito, maski si Kharyle ay napahinto rin at napalingon.

"Y-you need to c-come with me" hinihingal na saad nito sa'kin. 'Di pa ako masyadong kung ako ba talaga kaya nagtanong ako.

"A-ako ba?" bakit ba ako nauutal?

Tumango siya tsaka siya tumingin sa'kin, do'n ko lang napagtanto kung sino siya. Siya lang naman si Zake Manuel, ang best friend ni Rio. Ano na naman kayang problema no'n sa'kin?

Simula kasi no'ng sinabi niya sa buong klase na mahal niya ako ay hindi na siya pumapayag na may kasama akong ibang lalaki, maliban sa kanilang dalawa ni Zake. Maski kapag lunch time, kailangan magkasabay kami. Minsan pa nga kapag mas lalo pa siyang tinutopak ay gusto niya kaming dalawa lang, kaya ang ending sila ni Kharyle at Zake ang magkasama palagi. Feeling ko nga may namumuong bagyo ng pagmamahal sa pagitan nilang dalawa. Hehehe.

"Yes, you. You need to come with me bago pa magwala si Rio" saad nito sa'kin bago ito bumaling kay Kharyle "Sumama ka na---" pero dahil ma-attitude ang best friend ko, hindi na niya pinatapos si Zake. Ganyan lang sila kapag kasama kaming dalawa ni Rio, pero pag wala ako, o kami mas sweet pa sila sa caramel.

"Kahit hindi mo sabihin, sasama pa rin ako" mataray na saad nito. Napailing na lang si Zake bago niya kami sinenyasang sumunod sa kanya.

Takte, ano bang kasalanan ko? Pagkaka-alala ko wala naman akong ginawang hindi maganda ngayong araw, ni hindi ko nga nakita si Rio ngayon eh. Pero 'yong sigaw kanina, parang boses ni Rio 'yon eh. Kung siya man 'yon, ano naman ang ginawa ko? Bakit kailangan niya ako AGAD? AaaAahhhHhh!!! Mamamatay na ata ako sa kaiisip eh. Huhuhuhuhuhu.

"We're here" nabalik ako sa reyalidad nang marinig ko ang boses ni Zake, and to my surprise andito kami ngayon sa garden kung saan kami dumaan kanina at kung saan ko narinig ang boses niya...na si Rio pala talaga ang may-ari.

"She's here" boses ulit iyon ni Zake na nakapagbuhay sa dugo ni Rio. Takte. Riot na this.

Walang ekspresyon ang mga mata niya habang nakatingin at naglalakad palapit sa'kin, at dahil sa mga matang 'yon halos matunaw naman ako sa kintatayuan ko. Bwisit na buhay 'to.

"A-anong kailangan mo sa'kin?" sinikap ko pa ring mag salita ng normal at hindi mautal kahit na halos maubusan na ako ng lakas.

"All I want is explanation, walang labis walang kulang. Understood?" sagot nito gamit ang ma-awtoridad niyang boses ngunit hindi pa rin niya inaalis ang tingin niya sa'kin. Mabuti na lang at huminto ito sa paglapit, siguro ay nasa tatlong sentemetro ang layo namin sa isa't isa. Tumango na lamang ako, mukhang naubusan na akong nang lakas para magsalita, ang lakas makaubos ng energy ng mata ni Rio.

Pinagkatitigan muna niya ako ng mga ilang sigundo bago niya iniharap sa mukha ko ang cellphone niya na may litrato naming dalawa ng best friend kong lalaki---wait...what?!!!

"Bakit meron ka niyan?! Saan mo nakuha 'yan? Stalker ka---" hindi ko pa man natapos ang dapat kong sabihin ay sumingit na agad siya.

"I don't care kung ano man ang iniisip mo! Ang gusto kong malaman ay kung sino ang lalaking 'to! Bakit siya nakaakbay sa'yo?! Boyfriend mo?! Answer me!" sigaw niya sa'kin na siyang ikinagulat ko.

Potek, bakit ba galit na galit 'to? At akala ko ba mage-explain ako? Eh bakit niya ako inuunahan?

"W-wait...kalma mo lang bagang mo, okay? Chill muna...'yan ay ang boy best friend ko. BOY BEST FRIEND" pinandiinan ko talaga 'yong last 3 words para dama niya "Aalis na kasi sila ngayon at pupunta na sila ng states, we have that picture as our remembrance to each other. Hindi ko siya boy friend, dahil may girl friend na siya. So, kung wala ka nang katanungan, pwede na ba akong---" hindi ko na natuloy ang dapat kong sasabihin dahil sa gulat...nagulat ako ng bongga sa ginawa niya sa'kin...ngayon...








...niyakap niya ako...niyakap niya ako nang sobrang higpit.

"Damn! Please kapag may ganito, please inform me. Hindi ko kayang makita kang may kasamang iba, para akong pinapatay no'ng makita ko ito sa news feed mo. Please, 'wag na 'wag kang lalapit sa ibang lalaki kapag hindi mo 'ko kasama. I don't want to see you with other guys. Madamot na kung madamot but you're made just for me, you're mine baby, only mine"







By that....I woke up. I already woke up in my day dreaming.




"Hey, are you done day dreaming?" nakangusong tanong sa'kin ng asawa ko.

"I'm not day dreaming, inaalala ko lang ang nakaraan" nakangiting saad ko sakanya tsaka ko pinagsalikop ang mga kamay namin.

"Hindi ka pa rin ba makapaniwala?" natawa ako sa tanong niya.

"Sino ba namang agad na maniniwala kung 'yong dating dini-day dream ko lang ay naging asawa ko na?" .

Yes, we're married. Me and Rio Buenaventura. My crush. Ang lalaking palagi kong dini-day dream. Ang mga day dream ko na akala ko ay hanggang doon na lang 'yon pala ay magiging totoo.

Walang masama sa pagda-day dream, kung doon ka rin naman sasaya. Okay lang kahit mag mukha tayong tanga, ang mahalaga masaya. Kahit na hindi talaga magiging masaya ang kinalabasan kapag nakabalik ka na sa reyalidad. Wala namang masama eh, malay mo maging totoo. Katulad ng sa'kin, hindi ko akalaing hahantong sa totohanan ang akala kong day dream ko lang.

"You don't have to day dream, dahil 'yong dream mo ay nagkatotoo na. You and I are now married, just like in your day dream" natatawang saad nito.

"Excuse me, hanggang mag boyfriend at girlfriend lang naman ang dinay dream ko sa'ting dalawa, never umabot sa pagiging mag-asawa. 'Wag ka ngang echosero dyan!"

"Kahit na, hehe" natawa na lang din ako sa inasal ni Rio.

"I love you baby, until my last breathe. I love you, only you, no one else...just you" and with that he press his lips on mine.

Ang dating pangarap ko lang ay naging totoo. My Day Dream Come True.


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 05, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Day Dream Come True |COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon