Chapter 5

87 15 25
                                    


A M I H A N


"Spongebob squarepants, spongebob squarepants, spongebooooob squarepaaaaaants!!"

HINDI naging mahirap ang pagpasok namin sa loob ng apartment dahil bukod sa akin ito, wala namang germs sa paligid. Talagang makulimlim lang ang langit at tago rin ang street na ito.

"You watch SpongeBob?" Nilingon ko si Belinda saka napalunok.

"I-I do." Naupo na sila Keva, Belinda, at Alixe sa sofa habang nanatili naman akong nakatayo at iniikot ang tingin. Nagbabaka-sakaling makita ko si Aloha.

Wala akong ideya kung anong nangyari sa kaniya at kung nasaan siya ngayon. But I am hoping she's fine and... not here...

Shet. Why do I feel so selfish?

"It's your house. Why do you look so scared?" Puna ni Pierce na naglalakad-lakad at tinitingnan ang mga nakasabit na frame.

Hindi ko siya sinagot. Sa halip ay napatingin na lamang ako kay Arc na inilingan lang ako. Parang sinasabi niya sa akin na maling ideya na dito kami nagpunta.

I know it's a bad idea. Pero ito lang ang tiyak na lugar ko para mapadalhan kami ng tulong. We can't just barge in sa mga bahay-bahay. Besides, hindi namin alam kung tao pa ba ang mga nasa loob ng ibang bahay.

Not that this apartment is so different.

"May pagkain ka ba riyan? Nagugutom na ako eh..." Tanong ni Alixe na agad ko namang sinagot ng positibo. Inilapag ko na ang duguan kong raketa sa sofa. Umurong pa si Keva at mukhang nandidiri sa raketa ko.

Sa kaniya ko kaya ihampas ito?

"Naubusan kami ng pagkain kanina. Buti nalang nakapamili akoㅡ" napatigil ako nang maalala ang senaryo kaninang umaga.

We were fine. Ang saya pa namin ni Aloha kanina pero parang naging panaginip na lamang iyon ngayon.

"Kami?" I looked at Keva whose eyebrows are glued together.

"Isn't this Aloha Morgan?" Napatingin naman kami kay Pierce na may hawak na maliit na picture frame.

Shet. Bakit hindi ko naisip na may picture siya doon?

"It is." Kinuha ni Arc ang frame mula sa kamay ni Pierce at ibinalik ito kung saan ito nakuha ni Pierce. Parang kalmado lang si Arc samantalang ako...

Ang tapang-tapang ko kanina pero bakit ganito ako ka-kabado ngayon?

Ano bang kinakatakot ko? Ang malaman nilang dito nakatira si Aloha? O natatakot lang talaga ako na baka nandito pa ang kaibigan ko?

"Bakit may picture ka ni Aloha Morgan? Ah! Magkakilala nga pala kayo! Ang galing..." Alixe broke the silence. Nang tingnan ko naman si Keva ay mukhang hindi siya kumbinsido sa sinabi ni Alixe.

"Then, who's your roommate?" Dagdag na tanong ni Pierce. Nang-uusisa ang mga tingin niya na parang puno ng pagtataka.

Tiningnan ako ni Arc habang pasimple siyang umiling.

Does he care for me now?

Pierce kasi, tanong ng tanong.

"S-si..."

"Breaking News from ABC-SBN." Naputol ang sasabihin ko nang biglang inilipat ni Belinda ang channel ng TV. Natuon doon ang pansin namin at nakinig ng mabuti sa balita.

They are reporting about this shit happening now saying people seems to be turning into zombies. Ang cliche at unbelievable gamitin ng term na iyon pero iyon ang sinabi nila.

Amidst HavocTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon