P I E R C E
"AMIHAN!!"
NATIGIL kaming lahat sa mga ginagawa namin nang marinig ang malakas na sigaw ni Belinda. Mabilis ang naging pag responde namin ni Arc na pinangunahan niya.
Kinuha niya agad ang baril na kanina pang nasa tabi niya simula nang manggaling kami sa school hanggang pagdating namin dito.
"It's not safe to use that now." Puna ko dahil tiyak na kapag gumawa siya ng malakas na ingay, may mga magdadatingan ditong... Fucked up undead.
Akala ko ay kokontrahin niya ako pero hindi. Itinago niya sa bulsa ang baril saka saglit na pumasok sa isang kwarto at paglabas niya...
Where did he get that bow and arrow?!
"Stay here." Agad kong sinenyasan si Alixe na bantayan lang si Keva pero hindi positibo ang naging tugon ni Keva dito.
"You're unbelievable, Pierce." Umiling siya at parang nagpipigil ng sarili.
Now's not the right time, Keva.
Kinuha ko ang grass cutter na inilapag ko sa maliit na kahoy na drawer kanina kung saan ko nakuha ang picture ni Aloha. Nabahidan pa ng dugo iyon dahil lumapat doon ang grass cutter.
I was about to take another step when I heard a familiar sound coming from the other corner of this house followed by another scream.
That annoying groaning sound and...
Amihan's scream.Tumakbo na ako papunta sa kung saan nanggaling ang tunog which lead me to a narrow aisle where Belinda is standing. Madilim dito pero naliliwanagan ng ilaw galing sa isang kwarto na mukhang banyo.
The walls of the bathroom is splattered with blood so as the wall of the aisle.
Nang kumaliwa pa ako ng kaunti kay Belinda ay nakita ko si Arc na nakatayo, nakatutok ang hawak na armas.
Samantalang si Amihan naman ay nakaupo na sa sahig at...
A zombie's lying on the floor with an arrow on her forehead. Nakatihaya pa ang ulo nito na nakatingin sa direksyon ko. Patuloy ang pagtulo ng dugo.
The arrows deeply burried on her forehead dahil halos katawan na lang ng arrow ang nakikita ko.
"Amihan." Ibinato ni Arc sa sa sahig ang hawak niya at inalalayan makatayo si Amihan pero hindi ito nagpatayo.
She looks so lost and frustrated at the same time. Napasandal na lamang siya sa dingding at napahilamos sa sarili bago muling tiningnan ang bangkay sa harap niya.
Then to Arc. She darted him a piercing look before helping herself to stand up.
"Amihan." Belinda tried to approach her pero si Arc na ang pumigil nang ihara niya ang kamay niya.
"Hindi na dapat tayo nagpunta dito." Walang kaemo-emosyong sabi ni Arc na mukhang nakatingin din sa bangkay.
Bakit ganito ang ihip ng hangin? Hindi ba dapat naaalarma na kami ngayon at gumagawa ng paraan para makaalis o ano man lang.
Mukhang nagdidiskusyon lang sila ng thesis sa mga itsura nila na hindi man lang mukhang nababahala.
"Arc," Amihan walked to her. She raised her hand and was ready to give him a slap but Arc was quick to hold her wrist and the he hugged her. A hug that's trying to restrain and comfort her at the same time.
"What the hell is happening-" agad akong bumaling nang marinig ang boses ni Keva na nakalapit na pala sa amin.
Mabilis akong nag-adjust pakanan para takpan ang nangyayari at sinamaan niya naman ako ng tingin.
BINABASA MO ANG
Amidst Havoc
AdventureBlood, sweat, and tears were nothing new to Amihan. As a graduating Senior High School student, and an athlete on top of that, sanay na ang katawan at sistema niyang mapagod at masaktan. Her heart as well. After her break up with one of the campus h...