Chapter 4

86 19 20
                                    

A M I H A N

"Look, paubos na ng paubos ang mga zombies sa baba. They are all coming here!" Mas nataranta ang lahat dahil sa sinabi ni Keva. Tulad kanina ay unti-unti kaming nakaramdam ng pagyanig dahil sa mga paakyat dito sa rooftop.

Shet dudumugin kami rito!

"Wait, that's a good news." Ani Pierce. Habang nagtataka ang ilan sa sinabi niya, mabilis ko naman itong naintindihan.

We couldn't use the fire exit stairs kanina dahil napakarami nila sa baba. But now that they are all coming here using the building's stairs, then we can use the fire exit now!

"You have to get down as fast as you can dahil siguradong makikita nila kayo mula sa loob. Who knows? Baka may umakyat na rin gamit iyan." Tumango kami kay Pierce bilang pagsang-ayon.

"Tulong naman!" Mas lumakas ang sigawan dito sa rooftop nang halos bibigay na ang pinto. I took a strong grip on my racket as if anytime ay handa na akong iwasiwas ito.

I noticed Pierce looking down like he's searching for something. Bigla nalang niya kaming nilagpasan at pagbalik niya ay may hawak na siyang grass cutter.

Genius.

Bermuda grass nga pala itong tinatayuan namin so for sure may grass cutter dito. I looked around and saw more tools that we can use as weapon against those panget germs.

"LISTEN!" Since there's no point of lowering our voice now, Pierce shouted to get everyone's attention.

Maging ang mga nakaabang sa pinto ay nilingon din siya habang pinoprotektahan pa rin ang pinto.

"Grab anything you can use to kill."

Shet, we are really going to kill.

"Lahat ng hindi kayang lumaban, gamitin ang fire exit." Nilingon niya kaming lima habang malakas parin ang boses para marinig ng iba. Una si Keva na ex niya, sunod si Belinda, at huli ay ako.

"At lahat ng kayang lumaban, lumaban." Sunod niya namang tiningnan sina Alixe at Arc.

Nagkaniya-kaniya na ngang kuha ng mga magagamit nila sa paligid ng rooftop habang ang iba naman ay naghanda na sa pagbaba. Most girls gathered together and are ready to go down while most boys got ready to fight.

"Wait," we looked at Alixe whose sweat's over his face and neck.

"Hindi ako marunong lumaban..." Umiling-iling siya.

I rolled my eyes after hearing what Alixe said. Ano bang ie-expect namin sa kaniya? Puro lang siya daldal sa classroom at never ko pa siyang nakitang makipag-away.

Unlike Pierce and Arc. They're physically capable of fighting since both are athletes. Arc is an archer while Pierce is a basketball player. Also, I already saw them fighting each other who knows why.

"Keep Belinda and Keva safe," bilin ko kay Alixe. Napunta naman sa akin ang tingin nila. Nakita ko kung paano kumunot ang noo ni Arc.

"Anong iniisip mo?" Tanong niya pero hindi ko siya nilingon. Sunod na nagtanong si Pierce.

Nagunat-unat ako saka pinaikot ang raketa sa kamay ko habang humuhugot ng lakas ng loob.

Amidst HavocTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon