LIFELESS 1

14 1 0
                                    

Nagising akong maga ang aking mga mata. Umiyak na naman ako. Why this life is so unfair? Bakit yung mahirap ay mas lalo pang naghihirap? Bakit yung mayaman ay mas lalo pang yumayaman? Bakit ang may asawa na, naghahanap pa ng iba? Hindi pa ba sa sapat sa kanila yung asawa nila? Bakit yung papa ko naghanap pa ng iba? Why this freaking life is so unfair?

Naaalala ko na naman yung papa ko. Yung mga titig niya sa akin. Yung mga salitang binitiwan niya. "Tao lang din ako nagkakamali".

I know pinagsisisihan niya ang mga nagawa niya sa amin lalo na sa mama ko. Pero ang hirap lang tanggapin na yung taong pinagmamalaki ko, pinagkakatiwalaan ko ng sobra sobra, yung taong alam kong hindi niya ako sasaktan pero sa bandang huli sinaktan niya rin ako.

Binuksan ko ang shower. Ayaw kong marining ng mama ko ang mga hikbi ko. Magsisimula na namang pumatak ang mga luha sa aking mata. Damn! I hate this feeling! Sawang sawa na ako sa pag iyak!

Naglakad ako papunta sa shower at hinayaang dumampi sa akin ang malamig na agos nito sa aking katawan. Ipinikit ko ang aking mga mata kasabay ng pag agos sa akin ng malamig na tubig. Sana panaginip lang ang lahat ng nangyayari. Sana magising akong buo na ulit ang aking pamilya. Pero hindi, gising na gising ako sa katotohanang totoo lahat ng nangyayari.

Pinatay ko ang shower saka kinuha ang tuwalyang nakasabit. Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. Masyado na atang nahirapan ang aking mga mata sa pag iyak. Sobrang maga na ito. Sinusubukan kong ngumiti sa salamin pero hindi ko pa rin ito magawa. Masyado akong lugmok sa kalungkutan.

Hindi ko na makita ang dating ako. Ang masayahing ako!

Pumasok na ako sa kwarto ko para makapag bihis. Dinaanan ko si mama na naghahanda ng almusal namin. Mabuti na lang at naghahanda siya. Hindi niya ako napansin. Pagkatapos ko magbihis dumiretso na ako sa hapag kainan para makapag almusal.

"Anak, umiyak ka na naman ba?", nag aalalang tanong sa akin ni mama habang nakatingin sa akin.

Nginitian ko lang siya. Alam kong nasasaktan din siya pag nakikita niya akong umiiyak.

Pero mas nasasaktan ako pag nakikita ko siyang umiiyak dahil kay papa.

Hindi ko pinahalata na maiiyak na naman ako. Yumuko na lang ako at kumain.

"Ma, alis na po ako", paalam ko sa kanya sabay yakap at halik sa pisngi niya.

Kita ko pa rin sa mga mata niya ang kalungkutan.

Kung ako, nahihirapan sa mga nangyayari paano na lang kaya siya? Naaawa ako sa kanya. Alam kong pinapakita niya lang sa akin na okay siya, pero deep inside she's dying. I can see it through her eyes. Those pitiful eyes of her.

Sana makayanan niya lahat ng ito. Ayaw ko siyang makitang umiiyak, sobra akong nasasaktan.

Ayos lang na ako yung umiiyak at dumadamdam lahat ng sakit, wag lang siya. Sobra ko siyang mahal. Mahal na mahal ko si mama.

Sinandal ko ang ulo ko sa may bintana kung saan kita ko ang buong campus. Nilibot ko aking paningin sa campus. Sobrang lawak pala ng school campus namin pero kung titingnan sa may gate banda hindi naman gaano kalawak. Naagaw ng pansin ko ang pagpasok nang music teacher namin.

"Goodmorning class! I have an Announcement! we don't have a class for this morning. We have an urgent meeting. But in the afternoon, you have a class." masaya niyang sabi sa amin sabay lumabas na ng aming room.

Nagsihiyawan ang mga kaklase ko. While me? Just no reaction. I don't like that we don't have class. I feel like I'm just wasting my time here in school. Sana nag self study na lang ako sa bahay kung ganun. Edi sana di na lang ako pumasok ngayong umaga. Natulungan ko pa sana si mama sa gawaing bahay. Tss.

Lumabas ako ng room at pumunta sa aking tambayan.

Umupo ako sa may bench at dinamdam ang simoy ng hangin dun. Pinikit ko ang aking mga mata.

Ang sarap sa pakiramdam. Parang nawawala lahat ng problema ko sa buhay. Sana ganito na lang palagi.

"Alexies!" Bigla kong naimulat ang aking mga mata sa pagtawag sa akin ng bestfriend ko.

Nginitian ko siya saka siya umupo sa tabi ko.

"Nandito ka lang pala Alexies, kanina pa kita hinahanap" iritang sabi niya sa akin.

"I'm sorry, gusto ko lang magpahangin" ang tanging tugon ko sa kanya.

Masasabi kong tunay na kaibigan si Maggy. Hindi niya ako iniiwan through thick and thin. Hindi siya tulad ng mga kaibigan ko dati na bigla na lang ako iniwan mag isa. Malaki ang utang na loob ko sa kanya.

"Oo nga pala, nabalitaan ko ang pag iwan sa inyo ng papa mo. Don't worry nandito lang ako", mahinahong sabi niya sa akin saka niya tinapik ang balikat ko sabay ngumiti sa akin.

Ngumiti na lang ako sa kanya. Maluha luha na naman ako. Hindi ko mapigilan sarili ko. Shit these tears! Bigla na namang pumatak.

Bigla niya na lang akong niyakap ng mahigpit. Sabay bulong "okay lang yan bes, everything will be fine".

Hindi ko mapigilang humagulgol. Mas lalo akong naiiyak pag may taong nagpapatahan sa akin. I don't know why.

LifelessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon