LIFELLESS 4

6 1 0
                                    

Bigla akong napabangon sa lakas ng tunog ng alarm clock.

Binuksan ko ang bintana sabay inayos ang aking kama.

Kinuha ko ang tuwalya at dumiretso sa banyo para maligo.

Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. Hindi na maga ang aking mga mata.

Parang kailan lang nung ipagpalit kami ni Papa sa babae niya.

Bigla ko na naman naisip si papa. Kamusta na kaya siya? Masaya ba siyang  kapiling ang bago niyang asawa? Naiisip din kaya niya kami ni mama?

Tumingin ulit ako sa salamin. Nadismaya ako sa mukha ko. Nandun pa rin ang lungkot.

Nagbihis na ako at inayos ang sarili. Kahit ngayon lang maipakita ko kay mama na okay ako kahit ang totoo hinding hindi ako magiging okay.

Pinilit kong ngumiti sa salamin.

"Kaya mo yan Alexies!"

Bumaba na ako. Nakita ko si mama na nakabihis na rin. Nagtitimpla siya ng kape.

"Goodmorning mama," masayang bati ko sa kanya.

"Goodmorning din 'nak. Kain kana".

Umupo ako saka hinigop ang kape. Kumuha ako sa nilutong sunny side up ni mama at dali dali ko itong nginuya.

Dali dali kong hinalikan si mama sa pisngi sabay nagpaalam.

"Ma, alis na ako"

May sinabi pa si mama pero dire diretso na akong lumabas ng bahay . Hindi ko na narinig ang mga sinabi niya.

Nag abang ako ng jeep na masasakyan papuntang school.

7:30 na ng umaga. 8:30 ang klase ko ngayon.

Pinara ko ang jeep na kulay pula at sumakay roon.

I'm so thankful hindi ako nauntog pag sakay ko roon.

Tamang tama ang dating ko. Wala pa yung instructor namin sa Rondalla.

Umupo ako sa may bandang gilid malapit sa bintana kung saan natatanaw ko ang likod ng grandstand at ang mga taong dumadaan sa may hallway.

"Goodmorning Alexies!" masayang bati sa akin ni Maggy na siyang kinagulat ko.

"Gulat na gulat?" tawang tawang tanong sa akin ni Maggy.

Ngumiti na lang ako sa kanya. Alam kong aasarin na naman ako nito.

Hindi na muli siya nag salita.

Itanong ko kaya yung nangyari kahapon or hindi na lang? Baka kasi ayaw na niyang pag usapan pa. Hindi na nga lang.

"Yung nangyari kahapon, wag mo ng alalahanin. Wala yun. Just a misunderstanding", pagpapaliwanag niya na siyang kinagulat ko.

Nababasa niya ba ang mga iniisip ko?

"Hindi ko nababasa mga iniisip mo pero alam ko kasing magtatanong ka about dun. Inunahan lang kita. Hahaha", nakangiti niya pang sabi sabay hampas sa balikat ko.

Yan ang pinaka ayaw ko sa kanya, nanghahampas na lang bigla. Sakit niya pang manghampas. Naku! Kung di ko lang to bestfriend baka matamaan na 'to sa akin.

Tiningnan ko siya ng masama.

"Ooops, sorry for that", sabi niya habang nakataas dalawa niyang kamay.

Bigla na lang dumating instructor namin na siyang kinatahimik ng lahat.

"Good morning class"

"Good morning sir"

"Memorize niyo na ba ang binigay kong mga piyesa?" tanong ni sir na siyang kinadismaya ng aking mga kaklase.

"Sirrr bago niyo pa yun binigay sa amin, pinapraktis pa namin", singhal naman nila.

Oo nga pala, nakalimutan ko yung kopya ng piyesa sa bahay. Patay!

Bigla akong nag taas ng kamay na kanilang kinabigla. Oh here we go again. All eyes on me. Akala siguro nila memorya ko na yung piyesa ko.

"Hmm, ah Sir, I forgot the copy of my piece in our house. Can I borrow your book to make a photocopy of my piece again?" nahihiya kong sabi kay Sir.

Binigay sa akin ni sir yung libro niya at dali dali ko itong kinuha at nag excuse upang magpaphotocopy sa labas. Hindi ko na pinakinggan pa mga sinabi niya. I just run out of his class without his confirmation.

"Ms. paphotocopy ako nito, tig iisang copy lang. Salamat", sabi ko sa babae at inabot ko na rin ang bayad sa kanya.

Salamat at mabilis lang ito natapos at dali dali naman akong bumalik upang maabutan ko pa ang klase ko kay Sir Villanueva.

Sa sobrang pagmamadali ko may nabangga ako at nahulog ko yung mga dala dala niyang libro. Dali dali ko itong pinulot at binalik sa may ari at humingi ng pasensya.

Hindi ko na nagawang tingnan yung mukha niya pagkatapos ko maibalik sa kanya yung mga librong nahulog ng dahil sa akin, kumaripas na ako ng takbo pabalik sa room namin.

LifelessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon