LIFELESS 5

4 1 0
                                    

Inabutan ko silang nagpapraktis ng kani kanilang sariling piyesa. Tiningnan ako ni Sir at tila nagtatanong ng "anong ginagawa mo dyan? Pumasok kana nang mapraktis mo na rin piyesa mo".

Lumapit ako kay Sir Villanueva dala dala ang libro. Ibinalik ko ito sa kanya at nagpasalamat na rin.

Pinraktis ko na rin ang aking piyesa. Tumabi sa akin si Maggy at nagtatanong kung paano raw yung sa kanya. I just look at her at sinabing "Doon ka magtanong kay Sir Villanueva", nang biglang tumunog yung bell.

"Okay class, be prepared for tomorrow's quiz. Dismissed", paalam ni sir sabay naglakad na palabas ng room.

"Alexies! Tara lunch na tayo." tawag sa akin ng Maggy.

Inayos ko muna ang aking mga gamit bago lumapit kay Maggy at lumabas papuntang canteen para mananghalian.

Pagkatapos kumain dumiretso na agad kami sa classroom while waiting for our next Professor.

Normal na araw, walang nangyaring maganda wala rin nangyaring hindi maganda. Umuwi na ako ng maaga sa bahay dahil pinauwi kami ngayon ng maaga ng professor namin sa Visual Art. Nagbigay lang siya ng assignment for tomorrow. Tsaka last period kasi, nahalata niya sigurong inaantok na ang mga studyante niya.

Around 4 PM na ako nakauwi sa bahay. Nagtaka nga si Mama bakit daw araw-araw na akong umuuwi ng maaga? Wala ba raw akong klase? Nagpaliwanag lang ako sa kanya at tumulong sa kanyang kasalukuyang ginagawa.

Maaga rin ngayon umuwi si Mama. Hindi ko alam kung bakit, hindi na rin ako nag abalang magtanong pa sa kanya.

Kasalukuyang gumagawa si Mama ng Lumpiang Shanghai. My favorite!

Pinrito na niya yung lumpia na siyang kumalat sa loob ng bahay ang amoy nito. Natakam ako sa amoy. Myghaaad!

"Lexie, tikman mo nga itong lumpia", sabi sa akin ni Mama habang iniaabot ang isang lumpia na kanina ko pa tinatakam.

Tinikman ko ito, sobrang sarap talaga luto ni Mama. Promise! The best! Binigyan ko lang si Mama ng thumbs up habang ngumunguya pa. Napangiti naman si Mama sa ginawa ko.

Nagluto na rin siya ng ulam namin for dinner. Mag aalas sais na rin kasi at tamang tama dinner na.

Umakyat muna ako sa kwarto upang maligo at magbihis. Dumiretso kasi ako sa may kusina at di na nakapag bihis. Naka uniporme pa ako kanina habang tumutulong kay Mama mag wrap nung lumpia.

Habang ako ay nagtatanggal ng aking blouse napansin kong wala yung I.D. ko.

"Hala! Saan ko na naman nalaglag yung I.D. na yun? Naku naman Alexies! Napa clumsy mo!" tugon ko sa sarili ko.

Pinabayaan ko na lang, di bale magpap I.D. na lang ako ulit bukas sa school.

Bumaba na ako agad dahil tinatawag na ako ni Mama para kumain. Sinabi ko rin kay Mama na nawawala na naman yung I.D. ko habang kumakain. Sabi niya magpagawa na lang daw ako ulit.

Pagkatapos namin kumain pinagpahinga ko na si Mama at sinabing ako na magliligpit ng aming pinagkainan. Naghugas ako ng plato, nag walis, pagkatapos umakyat na sa kwarto.

I log in my facebook account para i check kung may message si Maggy nang biglang may nag pop out na friend request sa notification ko. It was a man.

LifelessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon