LIFELESS e

6 1 0
                                    

"Anak, ang aga mo atang nakauwi ngayon? Wala ba kayong klase?" nagtatakang tanong sa akin ni mama.

Dinatnan ko siyang nagsusulat sa sala. Gumagawa ata ng lesson plan niya.

"Wala pong klase mama, may faculty meeting daw" matamlay kong sagot sa kanya.

Nagmano ako saka hinalikan siya sa pisngi.

"Ma, bihis muna ako", paalam ko sa kanya saka umakyat na sa kwarto.

Pagkapasok ko sa kwarto agad kong hiniga ang aking katawan sa kama.

Bigla ko na naman naisip yung nabangga ko kanina dahil sa pagmamadali.

Ano pa kayang sinabi sa akin nung lalaki na yun?

Atleast nag sorry na ako. Hindi ko naman sinasadya eh.

Naligo na ako saka nagbihis. Bumaba ako at nadatnan ko si mama na naghuhugas ng mga pinggan.

"Ma, ako na dyan" sabi ko sa kanya.

Itong mama ko, lahat na lang ginagawa. Di na ako tinitirhan ng mga gagawin. Siya na nga nagluto para sa dinner namin siya pa maghuhugas ng mga pinggan.

"Naku naman mama. Tirhan niyo din ako ng mga gawain dito sa bahay", nakasimangot kong sabi sa kanya.

Natawa lang siya sa akin sabay naghanda ng pagkain sa lamesa.

"Anak, okay lang naman sa akin kung ako lahat gagawa ng mga gawaing bahay. Responsibilidad ko rin naman iyon", nakangiti niyang paliwanag sa akin.

Tiningnan ko siya sabay yumakap sa kanya.

"Ma, responsibilidad ko ring tumulong sa inyo sa mga gawaing bahay", bulong ko sa kanya sabay yakap sa kanya ng mahigpit na kinatuwa niya.

"Mabuti na lang anak nandyan ka", mangiyak ngiyak niyang sabi sa akin.

Ramdam kong pinipigilan niyang wag tumulo ang kanyang mga luha sa harap ko. Ayaw niyang makita ko siyang nasasaktan.

"Ma, hinding hindi ko naman kayo iiwan kahit anong mangyari. Pakatatag ka lang. Makakaya natin 'tong dalawa. Hindi natin kailangan si papa", mariin kong sabi sa kanya habang tinatapik ang kanyang likod.

"Sige na 'nak, kain na tayo. Tama na ang drama!" pabiro niyang sabi sabay kumawala sa yakap ko.

Kumain kaming nakangiti. Pagkatapos sabay naming hinugasan ang mga pinagkainan namin.

"Ma, akyat na ako sa kwarto", paalam ko sa kanya.

"Sige 'nak. Goodnight!", nakangiting sabi niya sa akin.

"Ma, goodnight din. Wag niyo ng isipin si Papa ha? Matulog kayo ng maaga", nakangiti ko ring sabi sa kanya.

Pagkapasok ko sa kwarto, binuksan ko ang laptop ko sabay open na rin ng facebook ko.

Scroll down lang naman ginawa ko. Wala rin naman nag chat.

Maya maya nag log out na rin ako.

Nahiga ako sa kama sabay open ng cellphone ko para tingnan kung may nagtext ba.

Hindi man lang nagtext si Maggy. Text ko nga siya.

"Maggy, kamusta na? Naayos na ba yung nangyari kanina?", sinend ko sa kanya ng dalawang beses. Para mag reply siya agad.

Nilapag ko muna sa may tabi ang phone ko. Ilang minutes na pero wala pa ring reply galing kay Maggy.

Pinikit ko ang aking mga mata, hanggang sa tumunog ang aking cellphone na dali dali kong kinuha.

"Ayos lang ako Alexies, don't worry pinagsabihan lang kami. Warning na daw yun. Wag na daw mauulit pa. See you tomorrow :*"

Nakahinga naman ako ng maluwag matapos kung mabasa  ang text sa akin ni Maggy.

Hays. Akala ko wala na naman akong kasama bukas.

"Goodnight self", bulong ko sa sarili sabay pinikit ang aking mga mata.

LifelessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon