Dumiretso kami ni Maggy sa canteen para mag lunch. Ang bilis ng oras, lunch time na pala. Hindi ko namalayan ang oras.
"Bes, anong gusto mong ulam? Tortang talong? O Ginisang Ampalaya?" biglang tanong sa akin ni Maggy na siyang kinagulat ko.
"Tulala ka na naman Alexies! Wag muna mag isip ng kung ano ano. Kailangan mong kumain!" nag aalalang tugon niya muli sa akin.
"Tortang talong na lang Maggy", ang tanging naging sagot ko.
Wala akong ganang kumain. Pero kailangan ko rin namang kumain baka mahimatay ako mamaya sa klase namin sa Visual Art.
Si Maggy na ang umorder ng pagkain namin.
Pinaupo na niya ako. Siya na lang daw oorder para mas mabilis.
Tinitingnan ko siya habang nakapila.
Mabuti na lang may natitira pa akong totoong kaibigan dito sa mundo. I'm so thankful to have her in my life.
Nilapag na niya sa mesa ang pagkain namin. Pinanghila ko siya ng mauupoan.
"Salamat Maggy", sabi ko habang nakangiti sa kanya.
"Ikaw pa!" tanging tugon niya sa akin.
Habang kami ay kumakain. May dalawang babaeng kumuha nang aming atensyon.
Lumingon ako sa may bandang kanan ko kung saan nandun ang dalawang babaeng nagtatalo.
"Napakalandi mo ring babae ka! Hindi kana nahiya! Siya pa talaga nilandi mo!", narinig kong sabi nung mahaba ang buhok sa matabang babae.
Pagkarinig ko pa lang sa sinabi nung babae, kumain muli ako.
Lalaki na naman! Bakit ba ang hilig nilang pagtalunan yang mga lalaki na yan? E lolokohin lang din naman sila at the first place. Pare pareho lang naman din silang lahat. Mga manloloko!
Bigla akong natigilan sa paglunok nang mapansin kong wala na pala sa tabi ko si Maggy.
Nasan siya? Nilibot ko ang aking paningin sa loob ng canteen.
Nakita ko siyang nakikipagtalo na rin dun sa mahaba ang buhok na babae.
"Anong sinasabi mong nilandi ha? Una sa lahat yang jowa mo ang unang lumandi dyan sa pinsan ko! Bago ka magsalita ng patapos tanungin mo muna yang haliparot mong jowa!" gigil na sabi niya dun sa babae.
So pinsan niya pala yung matabang babae.
Nilapit nung mahaba ang buhok na babae ang mukha niya kay Maggy na siyang kinainisan ni Maggy.
Sasabunutan na sana ni Maggy yung babae nang biglang may narinig kaming nakakabinging whistle.
Nagsitinginan lahat ng studyante sa bagong dating na teacher.
"Anong nangyayari dito?" galit na tanong niya sa amin.
"Kayong tatlo dyan, please proceed to the guidance office", gigil na sabi niya habang nakaturo kina Maggy.
Dali dali akong pumunta kay Maggy.
"Maggy, anong nangyari? Kinakausap kita kanina tapos pagtingin ko wala ka na sa tabi ko." nag aalalang tanong ko sa kanya.
Hindi na siya nakasagot at dali daling sumabay dun sa pinsan niya daw papuntang guidance office.
Hindi naman nababanggit sa akin ni Maggy na may pinsan pala siya dito sa school.
Sinundan ko na lang sila ng tingin.
Naglalakad akong mag isa papuntang dance hall.
Ano na kayang nangyari kay Maggy? Bakit ba kasi siya nakialam dun? Na guidance pa tuloy siya. Hays.
Dumating ako sa dance hall, pero wala pa dun mga kaklase ko.
Anong oras na ba? Tumingin ako sa wrist watch ko.
Mag aalas dos na ah. Bakit wala pa rin sila?
Nakita ko si sir Valenzuela papuntang music room.
Hinabol ko siya saka nagtanong.
"excuse me sir, nakita niyo po ba si sir Olvido?" magalang na tanong ko kay sir Valenzuela.
"Nandun siya sa may dressing room", ang tanging naging sagot niya.
"Sige sir, thank you", sabi ko habang nakangiti sa kanya.
Dali dali akong pumunta sa dressing room.
Nakita ko dun si sir Olvido at agad na nagtanong.
"Sir may klase ho ba tayo sa visual art ngayon?, mahinahong tanong ko sa kanya.
"Wala tayong klase ngayon Ms. Ortega, pinapatawag daw kasi lahat ng faculty, may urgent meeting na naman daw" pagpapaliwanag niya.
"Hindi ka ba sinabihan ng mga kaklase mo?" pahabol niya pang tanong sa akin.
"Wala po silang nasabi sa akin sir". ang tanging naging sagot ko sa kanya.
"Sige sir, thank you po" paalam ko sa kanya saka siya tumango na lang sa akin.
Sino ba naman magsasabi sa akin? Maliban kay Maggy wala na akong naging kaibigan pa dito sa school na 'to.
Itetext ko na lang si Maggy na wala ring pasok ngayong hapon.
Kinuha ko cellphone ko saka nagtype.
"Maggy walang pasok ngayong hapon". text ko sa kanya.
Hinintay ko reply niya pero wala pa ring reply kaya tinawagan ko na lang.
"Hello Maggy? Nasaan ka?"
"Alexies mauna kana lang umuwi ha, may inaayos pa kasi ako dito. Bye!" nagmamadaling sagot niya sa akin.
Binabaan na niya ako ng tawag.
Bat parang nagmamadali siya? Hindi ko man lang naitanong kung okay na ba yung gulo nila kanina.
Naglakad na ako papuntang gate nang may mabangga ako.
Nasubsob mukha ko sa kanyang dibdib, na siyang kinagulat ko at dali dali akong umawat rito.
"Hindi ka ba tumitingin sa nilalakaran mo?" inis na tanong niya habang nakatingin sa akin ng diretso.
"Pasensya na" ang tanging naitugon ko sa kanya at dali dali ko siyang nilagpasan.
Hindi ko na siya nilingon pa. Hindi ko na pinakinggan pa ang mga susunod niyang sasabihin sa akin.
Kumaripas ako ng takbo hanggang makarating sa may gate kung saan may mga sasakyan na dumadaan.
Pinara ko ang pulang jeep at sumakay. Nauntog pa ako nung papasok na ako sa jeep.
Bat ba ako nagmamadali? Naku naman Alexies! bulong ko sa sarili ko.