December 2 (Tuesday)

23 1 0
                                    

/Sushen/

*Nagring ang alarm clock*

'ang ingay naman nito!'
Pinatay ko ang alarm sa phone at bumangon.

"Haynako, inaantok pako." Wika ng utak ko.

Paglabas ng kwarto ay diretso ako sa kusina. Medyo papikit pikit pa ang mata ko. Minarkahan ko ng x ang december 2 at kumain.

"Nakakatamad pumasok!"

Pagtapos kong kumain ay naligo nako at nag bihis.

Medyo mabilis ako kumilos ngayon kasi di pa nagigising sila mama at papa. 7:00 am class ko at 6:00 am palang ay tapos ko na ang preparation ko para pumasok. Nagphone muna ko before umalis.

"Pumasok na kayo?" Chat ni Jonna sa Gc naming anim.

"Papaalis palang ako te." Reply ko. Sabay pasok ng earphone sa tenga ko at naglakad na papuntang school.

Ang gaganda ng tanawin ngayon umaga, lalo na yon pagsikat ng araw. Tumingala ko sa langit at pinagmasdan ang mga ulap. Then bigla nalang akong nabungo sa ewan.

"Ouch!"

Paglingon ko.

"Ikaw pala yan Lance." Sabi ko kay Lance.

"Di ko makakalimutan yon libre mo." Wika nito.

"Oo na!" nakakainis naman! Nakasabay ko tuloy siyang pumasok? Tsaka nung naumpog ako sa dibdib niya, ambango ng pabango niya.

Pagkadating namin sa school ay nakita ko Christine at Jonna magkasama. Nung nakita nila kong kasama ko si Lance ay napanganga nalang sila.

"Bat kayo nakanganga?" Tanong ko sa dalawa.

"Wala lang~ hehe." Asar ni Jonaa.

"Di mo samin sinasabi na sabay kayo pumasok aaah." Asar nito. Biglang nakita ko si Carlson.

"Carlson! Si Jonna may kabit!" Sigaw ko. Biglang napalingon si Carlson at tumakbo papunta samin.

"Sino kabit mo babe? Kakabitan ko ng sampong pako sa mukha." Nakatitig si Carlson ng masama kay Jonna.

"Wala babe, pumasok na tayo at baka malate pa tayo." Wika ni Jonna habang naka smile.

-,-

"Okay class. Mag p-p.e tayo. We will run. 50 Meters for boys and 30 Meters per girls. This is part of activity at kung di kayo sasali. Gagawin ko kayong 0 sa activity na to! Magpalit na kayo!" Sabi ni Ma'am Melanes.

Nagpalit kami sa Cr.

"Ang sungit talaga ni Ma'am." Wika ni Christine.

"Oo nga eh...."

pagtapos namin magpalit ay pumunta na kami sa pagtatakbuhan namin.

"Hala! Ang pogi ni Lance!" Wika ng utak ko nung nakita ko siya. Di ako makaamin kasi nahihiya ako. Tsaka alam kong may ibang gusto si Lance kesa saken na di naman kagandahan pero cute.

"HOY! Grabe ang titig ate parang walang bukas." Nagulat ako tas napalingon.

"Epal ka talaga, Jonna." Wika ko. Sabay dumating na ang teacher namin at nagsimula na ang activity. Inorasan ang bawat pagtakbo namin ng teacher.

"Sushen Silverio!" Sabay lapit ako.

"Three, two, one. Go!"

Sabay takbo ko ng mabilis, binilisan ko para mapahanga ko si Lance. Pero di ko inaasahan na matatapilok ako. Bigla akong bumagsak at puro gasgas ang aking braso.

"Hala!!!" Sigaw ni Jonna at Christine.

"Tulungan niyo! Napilayan ata!"
Di ako makatayo kaya di ko kilala ang mga sumisigaw.

"Okay kalang?" Tanong ng kaklase kong lalaki.

"Hindi ako makatayo." Wika ko.

"Okay! One, two, Three!" Bigla akong binuhat tas napatingin ako sa mata nito. Si Lance pala nagbuhat saken! Napatulala nalang ako sa mata niya at ang mga kaklase ko'y napa wow habang nakatitig samin.

"Tama yan pre. Buhatin mo siya." Tugon ni Carlson. Then dinala ako ni Lance sa clinic.

"Binuhat kita ah. Yon libre ko dagdagan mo. Papasok muna ko Sushen, may next class pa tayo. Balikan kana lang namin paguwian na." At umalis si Lance.

-,-

Amboring dito, limang minuto nalang uwian na. Tas dumating sila Christine. Inalalayan ako ni Christine at Jonna sa paglalakad. Medyo nakakatayo na ko compare kanina.

"Hoy, ihatid mo to sakanila lance!" Utos ni Jonna.

"Oo nga, lance. Maawa ka naman." Udyok ng magaling na si Christine. Edi napilitan si Lance. Nakatitig samin ang apat na demonyo. Napagtripan nanaman kami ni Lance.

"Osiya, dito na kami." Wika ni Christine, magkasama yon apat pauwi at natira kaming dalawa ni Lance.

"Di bako nakakaabala?" Tanong ko.

"Hindi naman, bakit?" Sagot niya.

"Wala naman" mahinang boses ko. Di niya alam na sa oras na yon ay namumula ang aking pisngi.

"Yon libre mo, bukas nalang. Di ka kasi magingat." Tugon ni Lance.

"Kaylan ka naging concern sakin?" Tanong ko.

"Kaibigan kita kaya dapat lang ako magaalala." Sagot nito. Kaibigan lang, kaylan ba tayo lalagpas sa pagiging magkaibigan. Hayst...

"Oh andito na tayo." Sabi nito. Letcheng bahay to ang lapit!

"Oh sige na. Salamat sa paghatid. Ingat ka sa paguwi, tanga kapa naman." Sabi ko sakanya.

"Ako pa ba? Sige na, bye." Biglang naglakad siya papalayo. Pagpasok ko sa bahay ay wala pa sila mama at papa. Nagchat sila saken na may delata daw sa kusina at ayon nalang kainin ko.

Pagtapos kong kumain ay diretso sa kama at nagsulat ako ng diary para sa araw na ito. Then ginawa ko na din assignments ko para wala nakong isipin.

Sleeping Calendar of DecemberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon