December 6 (Saturday)

13 1 0
                                    

/Sushen/

'Nasa harap ako ng bahay ngayon ni Lance ngayon. Ang aga kong gumising medyo inaantok pako.'

Kumakatok sa gate, mga ilang minuto ay binuksan agad ni Lance.

Pagbukas ng gate ay bumungad agad ang mukha ni Lance na may pasa.

"Wooah! Lalo kang pumanget!" Asar ko.

"Lah, ganyan ba treatment mo sa nabugbog." Sabi nito.

"Joke lang, magaling na nga yon pasa mo eh." Tugon ko.

Pumasok ako ng bahay niya at nagmasid ang aking mata sa bawat sulok nito.

"Nasan yon nanay at tatay mo?" Tanong ko habang nagmamasid.

"Pumasok sila, mamaya pang gabi uwi non." Sagot niya. "Nagugutom kaba?"

"Medyo, may lechon ba jan?" Tugon ko.

"Meron." Sabi nito.

"Saan?!" Excited na sabi ko tas naghahanap kung saan yon lechon.

"Ayon oh." Sabi ni Lance.

"Asan nga?!" Naghahanap sa kusina.

"Yon naghahanap. HAHAHAHAHHA!" Asar ni Lance.

"Ay, Tarantado to. Di ako mataba! Hmpp! Ikaw nga pwede kanang ipakain sa aso eh." Sabi ko sakanya.

"Wow, atlis pogi. Balakajan, manonood nalang ako dito." Sabi nito. Tapos umupo siya sa sofa at binuksan yon tv. Umupo din ako sa sofa at nanood.

"Btw, may gusto ka kay Jessie?" Tanong ko sakanya.

"Wala, bakit? Nagseselos ka?" Tanong nito pabalik.

"Napakapilingero mo, Nagtatanong lang eh.'' deny ko sakanya.

'May crush talaga ko kay Lance pero mas gusto ko yon Prince charming na nabangga ko.'

Nakatulog ako sa sofa.

'Teka nga lang, wala nanay niya at tatay niya. Wala siyang kapatid o kasama dito. It means.... Dalawa lang kami! Halaaaa! Putek! Kalma kalang Sushen, basta.'

"Sushen~" sabi ni Lance. Biglang nilapit nito ang mukha niya sa mukha ko.

"B-bakit?!! Anong gagawin mo?!" Kabadong tanong ko.

Sabay nilagay niya ang kanang kamay niya sa likod ko at hahalikan niya ko.

"WAAAAAAAAH!" sigaw ko habang nakapikit then pagdilat ko.

"Bat ka sumisigaw? Di naman horror palabas natin ah?" Sabi ni Lance.

"Wala, hehe."

'Putek imagination ko lang pala yon, pinagpawisan ako XD.' hinawakan ko ang aking labi

'parang ramdam ko? Anlakas naman ng imagination ko.'

"Amboring dito. Labas tayo!" Yaya ni Lance. Oo, medyo boring.

"Oo nga eh" sabi ko.

'tama, baka kung anong mangyari samin ni Lance dito.'

"Kain tayo sa lugawan. Total wala ka naman ginagawa at walang pasok ngayon." Sabi nito.

Then kinuha niya ang wallet at phone niya. Lumabas kami ng bahay nila at pumunta sa palengke. Andaming bumibili ng lugaw ngayon, daming tao.

"Yayain kaya natin sila?" Tanong ko sakanya.

"Wag na, magtataka pa yon kung bat tayo mag kasama. Bukas nalang natin sila yayain." Tugon ni Lance.

"Ahh, oh sige go tayo sa plano mo." Sabi ko and then umorder kami ng lugaw at kumain.

"Ambilis gumaling ng pasa mo." Aking tugon habang nakatingin sa mukha niya.

"May gamot kasing ginamit si mama, halatang mahal yon gamot." Sabay subo ng lugaw. Ako'y napatitig sa labi niyang kulay pink.

"Hoy! A penny for your thought?" Sabi niya.

"Wala, hehe. Tara na." Palusot ko at tumayo kami.

Pagtapos namin kumain ay nagikot-ikot kami sa palengke hanggang sa mapagod. Alas sais na ng hapon, kaylangan ko na umuwi.

"Bago tayo umuwi, bibili muna ko ulam sa kala mang kepreng." Sabi ko.

"Osige." Sagot nito.

Nilapitan ko ang kalenderya ni mang Kepreng.

'bakit kaya di sumama si Lance?' I thought and then tumingin ako kay mang kepreng.

"Mang kepreng, anong ulam niyo ngayon?" Tanong ko sakanya.

"Wag mo nga ko tatawaging mang kepreng!" Wika ni mang kepreng na may suot suot na salamin habang habawang hawak ang dyaryo at nakaupo.

"Oo na po, mang kepreng. Ano ulam niyo?" Tinanong ko ulet si mang kepreng. Binaba nito ang dyaryo niya, binuksan niya ang kaldero at kawali.

"Oooh, may sinigang kayo. Pabili niyan mang kepreng." Abot tenga ang ngiti ko lalo na nung nakita ko ang patis at sili. Pinuntahan ko si Lance pagtapos kong bumili.

"Antagal mo naman." Wika nito.

"Bat di ka kasi sumama, sayang papakilala kita kay mang kepreng." Sabi ko at naglakad kami. Naglakad lang kami at di na nagsalita.

"Ang lamig ng hangin ngayong gabi." Tumingin ako sa mga taas.

"Hoy, may Cassiopeia constellation!" Gulat kong sinabi.

"Saan?" Nakatingin sa taas si Lance.

"Nakikita mo yon letter W. Yan ang Cassiopeia constellation. Pwede yan maging letter M." Wika ko.

"Aaah, anong meron sakanya?" Tanong ni Lance.

"Basta. Oh, dito na pala tayo." Nakita ko ang dalawang daan kung saan kami maghihiwalay.

"Sige, bukas ulet. Ingat ka, tanga kapa naman." Sabi nito saken.

"Ikaw den, baka mabugbog ka ulet." Biro ko sakanya. Then naghiwalay kami ng daan. Habang naglalakad ay patuloy kong tinignan ang bitwin.

'The Cassiopeia Constellation ay nagre represent ng new love. It means new love will arise to the people who saw it.'

Pagkauwi ko ng bahay, patay pa din ang ilaw. Wala pa sila mama at alam ko may ulam silang dala pauwi kaya mauuna nako kumain.

Habang nagsasandok ako ay napatingin ako sa kalendaryo. December 6 na, sabay kumain nako ng paborito kong sinigang. Sarap talaga, lalo na pag may patis at siling kasama. Mainit na sabaw ng sinigang na nakakatakam. Pagtapos kong kumain ay naghugas muna ko ng pinggan at dumiretso na sa kwarto.

'Tinapos ko na i-drawing yon Three types of Plate Boundaries na assignment namin"


Napatingin sa oras.

'Ambilis ng oras, kakarating lang ni mama nung sinimulan ko mag drawing.'

"Alas onse na, makatulog na nga." Sabi ko sa sarili ko at pinikit ko ang mata ko.

Sleeping Calendar of DecemberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon