December 5 (Friday)

13 1 0
                                    

/Sushen/

"Bat kaya absent si Lance?" Tanong ni Jonna.

"Ewan, baka napuyat kakalaro sa phone or baka napuyat kakapanood ng porn." Biglang sumagot si Christine.

"Baka naman may problema lang. Haynako, matanda na siya. I chat nalang natin mamaya." Sabay kinagat ko ang pritong manok. Sabi saken ni Lance kagabi na wag ko daw sabihin sakanila.

"Ang sarap talaga ng luto ni aling Ina!" Wika ni Carlson. Magkakasabay kaming lima kumain, lagi kasing nauuna kumain sila kaya naiiwan kami nung nakaraan.

-,-

"Pengeng One whole." Nagpuntahan ang mga kaklase ko at nanlilimos. May quiz kami ngayon, dahan-dahan ko binunot yon papel sa bag ko nang walang nakakakita.

"Pengeng papel." Nagulat ako, may nanghingi sa likod.

"Ikaw pala Christine." Wika ko at inabot ko ang papel sakanya.

"Okay, class. Let's begin." Sabi ng Prof.  namin.

'bakit kaya ginawa niya yon para lang kay Jessie? Siguro may feelings siya kay Jessie.'

"Sushen!" Sigaw ng prof. namin at bigla kong napahinto sa pagtulala.

"Bakit po, ma'am?" Sabay tingin sakanya.

"Paulet-ulet kitang tinatawag. Nakatulala ka jan. Wala lang si lance. Nagkakaganyan kana." Asar ni ma'am, Nagtawanan buong klase.

"Miss na miss mo na ba si Lance?!" Sigaw nung isa kong kaklase.

"Hindi baliw!" Sagot ko

"Ang issue mo ma'am." Sabi ko.

"Oo na, sagutan mo yon number 5." Tinuro ni maam yon nasa blackboard and then I answered it. Ganon lang, easy lang.

/Jessie/

Sabihin ko kaya sa mga kaibigan niya ang nangyari? Sana di magalit saken si Lance.

"Wag mo sasabihin to sa mga kaibigan ko." Sabi ni lance kagabi.

Hays, sorry lance. Sasabihin ko sakanila pagkatapos ng klase.

-,-

/Sushen/

Naguwian na din sa wakas.

"Malapit na Christmas party." Wika ni Jonna habang naglalakad kaming lima sa hallway.

"Wait lang mag c-cr lang ako." Sabay nagmadali ako sa cr, kanina pako ihing-ihi. Pagtapos kong umihi ay tumakbo agad ako. Biglang may lalaking lumabas sa pinto at nabunggo ko siya. Nahulog ang mga librong hawak niya. Napaupo ako at napapikit sa sakit.

"Okay kalang?" Tanong nito at pagdilat ko'y nakita ko ang ngiti ng isang prinsipe.

"A-ahh. Okay lang ako!" Habang nagpapanic.

'Ang pogi niya maygash!'

"Aah ganon ba." Sabay dinampot niya ang libro at tinulungan ko siya.

"Sige mauna nako." Wika nito habang nakangiti.

"S-sige po!" Sabay nakatulala ako sa likod niya.

'Ang pogi! Waaaah!'

"Ang tagal mo naman!" Reklamo ni Jonna.

"Sorry, hehe." Sabi ko.

"Tara na uwing-uwi nako!" Sabi ni Khyle. Naglakad kami palabas ng school.

/Jessie/

"Nakita mo po ba sila Sushen?" Tanong ko sa kaklase nila Sushen.

"Ay hindi eh. Sama-sama silang lima kanina." Sagot nito.

'Hays, san ko kaya sila mahahagilap. Si Sushen lang ang alam ko kung saan ang bahay.'

"Tao po!" Kinatok ko ang pinto nila Sushen and then walang sumasagot. Hays, makaalis na nga. Paglingon ko, nakita ko si Sushen nakatingin sakin.

/Sushen/

'Anong ginagawa ni Jessie sa tapat ng bahay ko?'

"Hinahanap mo ko?" Tanong ko.

"Oo, may sasabihin ako about kay Lance." Sabi nito.

"Ha? Ano yon?" Nagpanggap ako na wala akong alam.

"Kagabi nasa 7-11 kami. Nakita ko yon dalawang nag nakaw ng phone ko." Sabi nito.

"Tapos?"

"Tapos, kinukuha niya yon phone ko don and then nagsuntukan sila. Tumakbo ako para makahanap ng police pero pagdating namin ay wala na sila. Siguro kaya di pumasok si Lance dahil may galos siya sa mukha." Sabi nito.

"Hala! Nasan siya ngayon?" Kunwaring nagaalala.

"Nasa bahay nila si Lance. Nagpapahinga. Uuwi na ko baka mapagalitan nako." Sabi nito.

"Aah, sige ingat ka." At naglakad siya paalis. Tinawagan ko si Lance.

"Kinwento saken ni Jessie." Sabi ko sakanya.

"Sabi na eh. Sayo lang ba sinabi?" Tanong nito

"Oo sakin lang. Puntahan kita diyan bukas sa inyo" Tugon ko

"Sige lang. Btw, Kakain muna ko. Maya nalang" sabi nito at binaba niya ang call. Nagpalit nako at kumain.

'Andaming assignments, nakakastress.
Bukas ko nalang gagawin.'

Sabay higa sa kama at tumitig sa kisami.

'Siguro may gusto si Lance kay Jessie? Nvm.'

Sinulat ko sa aking diary ang nangyari ngayon at nakinig ng sound trip habang kachat ko sila.

"Hoy, magovernight naman tayo ng sama sama!" Chat ni Carlson.

"O sige, kaylan at saan?" Tanong ni Lance.

"Sa pasko! Sa inyo lance. Malaki naman bahay niyo tsaka wala don pamilya mo sa pasko." Reply ni Carlson.

Mga ilang saglit palang ay natulog na ko.


Sleeping Calendar of DecemberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon