December 8 (Monday)

3 1 0
                                    

"Bakit umabsent si Lance?" Bulong ni Christine kay Sushen habang nagsusulat.

"Ewan ko, taga bantay ba 'ko ng aso mo?" Sagot ni Sushen pero di niya matatanggi na pati siya ay nagaalala na din.

Meanwhile, sa bahay ni Lance.

"Pa, bakit naman kayo nag decision ng ganon? Di niyo man lang ako sinabihan kung okay lang saken o hindi!" ang boses ni Lance ay rinig na rinig hanggang sa labas.

"Sana maintindihan mo, para sa negosyo natin ang ginawa ko." Kalmado lang ang tatay niya na parang hindi big deal ang desisyon na ginawa niya.

"Negosyo?! You sacrifice me for a f*cking business?!" Napasigaw si Lance. (siguro kung nasa labas ako ng bahay nila makikichismis ako sa nangyayari dito).

"Don't be rude!" Sumigaw yung nanay niyang nakikinig lang sa gilid.

"Ma, pati ba naman ikaw?" Napatingin si Lance sa mother niya.

"Di ako nagdesisyon niyan and di ako kasali diyan. Ang gusto ko lang magusap kayo ng maayos. Tsaka first of all, wala ka namang girlfriend. Bakit ka ganyan maka react?" Kalmado rin pati ang nanay niya kung magsalita.

"Malay mo, magustuhan mo itong girl." Napangiti mother niya sakanya.

"Di ako natutuwa ma, sana naman pinakilala niyo muna saken." Wika ni Lance.

"Don't ya worry, darling. I'm your mother, pipili ba ko ng hindi ikasasaya ng anak ko?" Wika ng mother ni Lance at ininom ang wine na hawak niya.

"Pero paano kung ayaw ko sakanya? May possibilities na mangyari yon." Sabi ni Lance. Biglang may napansin ang mother ni Lance kay Lance.

"Wait, may nagugustuhan kabang ibang babae? Iuwi mo dito yan at ipakilala mo samin. Gusto ko siya ma-meet." Wika nito.

"It's none of your business, ma. Basta ayoko lang yun kayo nag d-desisyon ng buhay ko." May pagkainis pa din na tono ang sinabi ni Lance.

"Whatever, she will come here tomorrow. She will live with you until you two got to know each other." Sabi ng mother ni Lance.

"What?! Pati ba na-"

"Sshhh, stop na. Gusto ko ng magpahinga." Umakyat yung mother at father ni Lance sa room nila at naiwan si Lance.

Sinipa ni Lance ang sofa at sinuntok...

Naglalakad si Sushen habang nakatulala.

'ano kayang nangyari kay, Lance?' sa isip-isip niya.

'try ko kaya puntahan? or wag? baka naman makadagdag pa ko sa problema niya.'

Nag decide na puntahan ni Sushen ang bahay ni Lance pero wala siyang lakas na kumatok dahil sa nangyari sakanila kahapon.

'aalis nalang ako, hays.' maglalakad na sana si Sushen ng biglang nagbukas ang gate. Nagkatinginan silang dalawa sa mata.

"ano ginagawa mo dito?" sabay tanong ni Lance at napaiwas ng tingin si Sushen dahil sa nangyari kahapon.

"nagaalala, bakit masama?" sagot ni Sushen.

"ang maldita mo, tara pumasok ka dito sa loob." aya ni Lance.

"baka andiyan parents mo? nakakahiya naman" wika ni Sushen.

"wala, nasa office nila." Pumasok silang dalawa sa bahay. Napaupo si Sushen sa sofa habang si Lance naman ay nakatayo sa gilid. Ang tagal ng katahimikan, walang nagpapansinan at nakatingin lang sila kung saan-saan.

"wala kabang sasabihin saken?" Binasag ni Sushen ang katahimikan.

"Sorry kahapon, marami lang akong problema kaya nagawa ko yon." umupo sa sofa malapit kay Sushen si Lance.

"Ano ba nangyari?" Curious na sabi ni Sushen.

"Wala yon, Namatay lang naman yung pusa kong si Kenny." Sagot ni Lance, nagulat si Sushen sa sagot niya. Akala kasi ni sushen na kaya nagkaganon si Lance ay siguro nagaway sila ng parents niya.

"Sorry rin, di ko alam na ganon pala nangyari kahapon." malungkot na tono ni Sushen.

"Sige na, nagpunta lang ako dito para malaman ko yung nangyari. Pumasok ka bukas, nagaalala sila Jonna sayo." Tumayo si sushen, napatayo din si Lance kaso biglang nahilo si Lance at bumagsak ang katawan niya sa Likod ni Sushen.

"Hoy lance!" Nagulat si Sushen, akala niya yayakapin siya ni Lance. Napansin niya na sobrang init ni Lance.

"Nilalagnat ka?!" Nagulat na sabi ni Sushen. Pero walang nakuhang sagot kay Lance, he's unconcious.

Hiniga ni Sushen si Lance sa sofa and binasa niya ang panyo niya para punasan ang mukha ni Lance.

'sobrang init niya, pati yung panyo ko nagiging maligamgam kahit basa.' Nilagay niya ang panyo sa noo ni Lance at tumayo. 

"Hays, anong ba pinag-gagawa nito sa buhay niya." Wika ni Sushen sa sarili niya. Biglang nabaling ang atensyon ni Sushen sa pintuan, nakita niya ang babae na nakatingin sakanya.

"anong ginagawa mo sa bahay namin?" tanong nito? sabay napatingin itong babae sa sofa at nakita niya si Lance.

"Anong ginawa mo sa anak ko? Wag ka kikilos tatawag ako ng pulis." Sabi nito at nag labas siya ng phone.

"kaibigan po ako ni Lance, may sakit po si Lance." Sabi ni Sushen. Pipindot na sana ng call ang babae.

"Sino ka po ba?" tanong ni Sushen.

"Mother ako ni Lance, ikaw ba ay nagkakagusto sa anak ko?" Biglaang tanong nito at nagulat si Sushen.

"Wala po, tsaka Lance deserves a better girl than me." Sagot ni Sushen.

"Sige mauna na po ako." Naglakad si Sushen at nilagpasan niya ang mother ni Lance. bubuksan niya sana ang pinto kaso tinawag siya ng nanay ni Lance.

"Iha, Everyone deserves someone. So don't belittle yourself, okay? buti hindi tatay ni Lance ang nandito, kung hindi grounded yan si Lance ng ilang araw pag nakita ka." sabi ng nanay ni Lance. Nagulat  si Sushen sa sinabi ng nanay ni Lance at akala niya ay mataray hindi pala.

"Maraming salamat po, Tita. Kayo na po bahala kay Lance." Wika ni Sushen at lumabas ito ng bahay nila Lance.

Pagkauwi ni sushen sa bahay nila ay nakita niya tatay niya na nonood ng tv.

"Bakit late kana, anak?" Tanong nito.

"May inasikaso lang po, pa." Sabay nagmano si Sushen sa tatay niya at sa nanay niyang nagluluto. Dumiretso siya sa kwarto niya at nagpalit.

'Sana naman gumaling na si Lance' sa isip-isip niya.

Sleeping Calendar of DecemberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon