"HAY naku girl, dito ka na naman mambubulabog sa bar ko" reklamo ni Zienna na bestfriend ko.
Nandito kami sa VIP ng Bar niya na 'Black' . Isa sa mga sikat na Bar sa Pilipinas ang 'Black' Kakaiba ito kumpara sa ibang Bar dahil may pool area ito sa taas para sa mga gusto mag pool party, may restaurant naman sa gilid at coffee shop sa kabilang gilid at sa likod naman nito ay para sa Arcades.
"Makabulabog ka kala mo naman sobrang sagabal ko dito. Ganyan mo ba tratuhin mga customers mo? " sabi ko.
"Well, hindi naman tanging ikaw lang talaga." sabi niya habang tinatagayan ako ng red horse sa baso.
"At isa pa girl, sa lahat naman ng mayaman at classy girl na kakilala ko. Ikaw yung natatanging red horse ang iniinom. Tinatapakan mo ang pangalan ng Bar ko oh! Sana bumili ka nalang sa tindahan diyan at uminom sa kalsada Gaaahhdd pati yung mga waiter ko inaaway mo pag di ka binilhan ng red horse" mahabang sermon niya.
"Tss, alam mo naman na red horse lang kaya kong tantyahin sa tiyan ko. Tsaka isa pa, di naman ako pumunta dito bilang customer kundi bilang KAIBIGAN NG MAY ARI" sabay tagay sa baso ko at ininom ko naman ang alak na nasa baso.
"Oh siya siya, bakit ka nga ba naparito na naman. May problema?" pag iiba niya.
Napahinto ako sa tanong niya naalala ko na naman si mama.
"Ayon sa lukot ng mukha mo, mukhang si Saldejo na naman yan. The hot and sexy Trixtan Saldejo!" sigaw niya habang tinataas yung baso.
"Hot and Sexy my ass! That man! I swear ililibing ko siya ng buhay!" gigil kong sabi sabay inom ng nasa baso.
"Mabait naman siya girl, at yummy pa so why don't you just love him as a Brother hahahha" maarte niyang sabi.
"Tss, ... In Bed.... Hmmm.... Yun ang paraan kung saan makakaganti ako sa kanya." nakangiti kong sabi habang inaalala ang plano kong pag hihiganti sa kanya.
In bed...
"Girl, baka naman ikaw ang mahulog sa sarili mong patibong. Kilala pati yan si Trixtan na 'Mr. Fuck and run' kasi paka tira, takbo, shupe... Goodbye na... alis na siya na parang bula at please don't tell me isasakripisyo mo ang bataan para makaganti" paliwanag ni Zienna.
"Bakit hindi, kung ganong paraan ako makakagan--"
Napahinto ako ng pumasok ang isang staff ni Zienna.
"Ma'am he's here. Again." sabi niya kay Zienna.
"Really?! Ha! This is my Night! Oh siya may pupuntahan lang ako diyan ka lang magpakuha ka nalang kung anong gusto mo" sabi niya na halatang alis na alis na siya
"Wait iiwan mo ko? Sino ba un? Dito ka na lang!" naiinis kong sabi.
"Diyan lang ako sa labas oh. And please wag mo ko pigilan, utang na loob kung ayaw mong magka love life... pwes! Hayaan mong ako ang magka lovelife. Sige na! Baka mausog pa hehe. See yah later" nagmamadali niyang sabi.
Napabuntong hininga nalang ako nang naka alis na si Zeinna at pumunta sa taas ng Bar kung saan ginaganap ang pool party.
Pagdating ko kakaunti pa lang ang tao, dahil maaga aga pa. Kadalasan kasi alas 9 ang dating ng mga tao.
Naupo ako sa gilid at nagbabad ng paa sa pool.
"Baka sipunin ka niyan" rinig kong sabi ng nasa likod ko.
"Wala kang pake! Eh kung ilublob kaya kita dito sa--" napahinto ako nang makita ko pag lingon ko kung sino yun.
"Ang brutal naman, as i expected " sabi niya.
BINABASA MO ANG
Seductress 1: Enemy
RomanceScarlet Maxzvin doesn't need anything but Revenge to Trixtan Saldejo. Hindi mabilang ng isang Scarlet Maxzvin kung ilang beses na siyang inagawan ni Trixtan. Mula sa negosyo, kaibigan, at pati sa pamailya ay inagaw nito sa kanya. Anger is the only t...