Prologue

11 0 0
                                    

"Ms. Maxzvin, tumawag po ang secretary ni Mr. Lacsam gusto niyang ipa resched ang meeting niyo. Meron daw po kasi na urgent meeting. But according to my source, he has a meeting with Mr. Saldejo today." sabi ng secretary ko nang makapasok ito sa opisina ko.

I sighed after nang narinig ko.
That old man! Fuck him! Tsk!

"Buwisit na yun, di pa nakuntento sa offer ko sa kanya! Call his secretary, sabihin mo hindi natin siya kailangan." inis kong utos sa secretary ko.

"Yes ma'am." at akmang lalabas na.

"At sabihin mong pinapasabi ko na 'Pakyu siya!' " pahabol ko.

"Ma- ma'am?"

"DO IT" masama ko siyang tinitigan at alam kong alam na niya kung anong gagawin.

Tumango ito at lumabas ng opisina ko.

Ayst! Di talaga ako titigilan ng Trixtan Saldejo na yun. Wag lang niyang ipanalangin na makahanap ako ng paraan para makaganti sa kanya.

I'm sure inalok na naman ng Saldejo na yun si Mr. Lacsam ng mas malaki na halaga for the expansion of his business.

Parehas kami ng Business pero sakin clothes for Women sakanya naman for Men.


Pag kagaling ko sa opisina, bumyahe ako sa bahay ng mama ko. Usually sa condo ko ako umuuwi, pero Saturday bukas kaya sa bahay ako uuwi.


Dere dretso akong pumasok dahil may susi din ako, naabutan ko si mama na tulala sa sala. Nakatingin ito sa picture ni papa kaya't hindi niya napansin ang pag pasok ko.




"Ma?" tawag ko upang mapansin niya at nagtagumpay naman ako.


"Nak, diyan ka na pala. Akala ko hindi ka uuwi ngayon." sabi niya nang lumapit ako sa kanya upang mag mano.

"Ano ka ba naman ma, ako pa ba alam ko namang may party ngayon si Kuya Brylle kaya umuwi talaga ako." sabi ko at tumabi sa kanya.

Napangiti nalamang ito ngunit hindi ito ang ngiti na nais kong makita.

Mula nang umalis si papa hindi ko na nakita ang ngiti niya na abot tenga ang saya. Umalis kasi sya at sumama sa iba.

"Ang sabihin mo, magpapaluto ka lang ng adobo sakin noh. Kunyari ka pa." biro niya.

"Oy hindi ah, sinong may sabi? Pero...makakaluto ka ba ma? Hahahha" pag amin ko.

"Kita mo na, nakuuuu nakaluto na kaya ako noh" sabi naman ni mama at dumeretso sa kusina upang maghain.

"Sus inaantay mo din naman pala ako eh, alam ko namang di mo kayang kumain na wala ako ma. Hahaha" ganti ko.

"Kapal mo naman neng! Hahah" sabi niya na naniningkit pa ang mga mata at umiiling.

Buti nalang at nakakapag biro na siya nitong mga nakaraan, hindi na kasi siya nagbibiro noon,simula nang iwan siya ni papa. Lagi siyang seryoso kausap buti ngayon ay medyo maayos na.

Habang kumakain kami,  nagkwentuhan at nagbibiruan kami ngunit sa loob ng pag uusap na yun. Hindi ko man lang nakita ang ngiti niya kagayan noon.


At dahil yun sayo Trixtan Saldejo,



Isa ito sa dapat mong pagbabayaran.

Seductress 1: EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon