CHAPTER 2

14 0 0
                                    

"Bakit ba ako lang ang Wala?" naiinis kong tanong Kay Zeinna.

"Gurl, ang party ko na magaganap ay para sa mga wildest and hottest human being. At hindi ka bagay dun noh!" panenermon niya habang naka pamewang.

"At hindi ako hottest ganun?" tanong ko habang nakatingin sa labas ng Cafe.


Nakipagkita ako kay Zeinna para kulitin siya ng invitation sa party niya na magaganap sa Palawan. Alam ko kasi na pupunta dun si Trixtan.


"Hottest ka nga, wild ka ba?" nang aasar niyang tanong saakin.

"Well, I can learn that." sagot ko.


"Napakaraming lalaki ang nais makuha ang iyong puso't Bataan Sis HAHAHAHHA. Wag ka papa aksaya sa isang paghihiganti lang." payo niya.


"Hindi lang iyon basta pag hihiganti. Nung kinuha niya si papa, nasaktan ako pero kaya tiisin. Pero nung na kita ko na nasasaktan ang mama ko, dun! Dun ko siya hindi mapapatawad." gigil kong sabi.




"Sis, hindi naman niya kinuha ang papa mo eh. Just to inform you, kusang sumama si Tito sa mama ni Trixtan." seryosong sabi ni Zeinna.


"I already know that." sagot ko habang nakatingin sa labas.

"Eh bat sinisisi mo pa si Trixtan?" takang tanong niya.

"Dahil wala akong magawa! Ang alam ko lang dahil sa kanya kaya nagkanda letse letse ang pamilya ko." sabi ko.


"O sya sige! Eto ang invitation. Just make sure na hindi ka gagawa ng bagay na ikapapahamak mo. Marami pang bagay na pwede mong gawin to get even wag mo na-"

"-ituloy ang sasabihin mo dahil buo na ang desisyon ko Zeinna. I will do everything to get even, whatever it takes" sabi ko at tuluyan nang nag paalam Kay Zeinna.

Whatever it takes.

Ulit na sabi nang utak ko.


























































"Sige na ho manong, libre niyo nalang yung isa madami naman akong binili eh." pangungulit ni Zandro sa tindero.

"Eh ser, malulugi naman ho ako pag binigay ko sainyo." sagot naman ng tindero.

"What the fuck Zandro! Isang piraso ng isaw papalibre ka?" bulalas ni Keith.

"Shut up Keith! Di mo alam na mahal ang isa nito oh" turo nito sa isaw.

"Bro, ni kaya mo ngang bilhin tong cart na to eh. Sakit na talaga yang kakuriputan mo" asik ni Keith.

"Ok na yung kuripot kesa wala sa sarili" sabi ni Zandro.

Sabay silang napatingin sakin.

"Huy bro! Totoo ka ba? O kaluluwa lang?" sabay siko sakin ni Keith.




"Tsk! Bakit ba kasi sinama niyo ko dito sa labas? Ang init kaya!" inis kong sabi sa kanila.

"Alangan naman si manong ang pumasok sa opisina mo no. Oh kumain ka nalang" binigay niya sakin yung isang plastic cup na may stick.

At nung sinilip ko yung laman...




"Ano to! Uod?"takang tanong ko.





"Tangina taga saang planeta ka ba? Di mo alam ung isaw?" natatawang sabi ni Zandro.




Itinabi ko ung plastic cup sa gilid ng inuupahan ko.





Seductress 1: EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon