CHAPTER 6

13 0 0
                                    

"I'm really sorry D, for what happened " paghingi ko ng paumanhin kay Dominique.

Nandito kami sa labas ng Condo ko at paalis na siya. Ginamot ko lang yung pasa niya nang dahil kay Trixtan.




" Di mo naman kasalanan, tsaka nagtataka din ako kung bakit niya ginawa yun. Sa pag kaka alam ko, saaming magbabarkada siya yung chill or cool lang at di siya yung tipo na mananapak ng kaibigan in public." mahabang sabi ni D.

"May relasyon ba kayo?"deretsa niyang tanong.

"Wa-- wal-- wala! Wala!" nauutal kong sabi.

"Hmmm..... Maniniwala na sana ko kung di ka nautal. Hahaha" panunukso niya.

"Whatever" inis kong sabi.

"Wag kang mag alala, kung meron man kayong relasyon--" sabi niya.

"Wala..." putol ko sa sasabihin niya.

"Kung meron nga la--" sabi niya.

"Wala nga!" inis kong sabi sa kanya.

Tinakip niya yung kamay niya sa bibig ko.

"Kung meron nga lang..." pagpupumilit niya.


"Pwe! Ambantot ng kamay mo!" sabi ko nang tanggalin niya kamay niya.


"Oh ano naman kung meron?" dugtong ko.

Tinalikuran niya ako at binuksan ang kotse niya.

"Nasa mabuting kamay ka" sabi niya sabay kindat at pumasok sa kotse.

"Tsk! Mabuting kamay ah!" inis kong bulong sa sarili ko.

Tinanaw ko pa ko Dominique paalis.

"30 minutes... tsk tsk! Nice!" rinig kong sabi nang nasa likuran ko.

Papasok na sana ko ng Condo pero may epal pang dumating.


"Ano na naman bang ginagawa mo dito?" inis kong tanong.

"At ano namang ginawa niyo sa loob ng 30 MINUTES sa loob ng Condo mo ha??" maingay nitong tanong.

Lumapit siya sa akin at pansin ko ang galit sa mukha niya.

"Ginamot ko lang naman ang PASA niya dahil sa SAPAK na ginawa MO" paninisi ko sa kanya.

"By the way, bat ba ko nag eexplain. Ikaw dapat ang mag explain kung bakit mo siya sinapak" nakapamewang kong pang sabi.

Lumambot ang mukha nya at nahihiyang tumingin sa sahig.

"Dahil kinukuha ka niya sakin" nakayuko niyang sabi sakin.

Nakatingin lang siya sa sahig ...

Napatigil ako sa sinabi niya...

Hinawakan ko ang puso ko...

Ang bilis ng tibok ng puso ko...

Shit!!!

Di pwede!!!

Huminga ako ng malalim at inayos ang sarili ko.

"Kinukuha? Hindi niya ko kinuha sayo... Ano yun? Natira mo lang, pag mamay ari mo na?" inis kong sabi.


"24 hours lang ang hiniling ko sayo... mahirap ba kong pagbigyan.." sabi niya nang tumingin sakin.

"Nababaliw ka na ba-- ah--- ano ba... Trixta-- Trixtan... Trixtan!" di ko natuloy sasabihin ko nang bigla siyang bumagsak.


Seductress 1: EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon