Chapter 1

15 1 0
                                    


"Ash...Asher,huy!"

"Ano ka ba Lilly?! kitang nag babasa yung tao eh! " padabog kong nilapag yung librong binabasa ko kase ang kulit ni Lilly. Ang ganda pa naman ng chapter na yon,magkikiss na sana yung dalawang bida don kung di lang paepal tong Lilly na to. Inirapan ko nga sya dyan,istorbo talaga. "Ano ba yang sasabihin mo kase ha kanina pa kalabit ng kalabit" pag reklamo ko sakanya.

"Tanga importante to" inirapan nya din ako tapos dumikit palapit sa akin saka bumulong.Pag ganyan sya,panigurado may chismis sya kaya nilapit ko na din yung ulo ko ng kaunti. "Parang nakita ko kahapon si Lloyd sa department store sa SM may kasamang babae" napalayo naman ako nung narinig ko yung sinabi nya ng pabulong.

"Baka iba naman yang nakita mo saka di ka naman sigurado" itong Lilly na to sisirain pa kami ng jowa ko eh.Gusto nya pa yata palabasin na nang bababae si Lloyd ko. Palibhasa wala kase syang boyfriend dyan at kasabihan ng iloveyou,char.

"Eh parang sya nga yon eh,saka di ka ba nanlalamig dyan sa jowa mo?tignan mo yung pakikitungo sayo" pagpupumilit pa nya tapos dinuro ako ng makalayo sya ng kaunti sakin sabay inom ng palamig nya.

Tinignan ko yung relo ko at nakitang patapos na pala yung vacant namin kaya nilagyan ko na ng bookmark yung chapter na binabasa ko kanina at tumayo na.

"Pinagsasabi mo dyan? Ikaw talaga para kang sira.Hindi no,tara na nga" inirapan ko na sya at binitbit na yung mga gamit ko,at nauna na rin ako maglakad sakanya kase ang bagal nya ubusin yung fishball nya.

Natapos naman yung araw ko na to ng matiwasay at walang stress kaya kinabukasan ganon pa rin naman ang flow dahil kasisimula pa lang naman ng klase namin.

Nang matapos yung oras ng isang subject namin tumayo agad ako sa upuan at nagmadaling bitbitin yung gamit ko para lumabas na ng room. Vacant naman na at excited akong makita si Lloyd kase ewan ko ba don,di nagpakita sakin kahapon nag text lang ng goodnight,good morning,kumain ka na ba? Tulog ka na? ganon lang. Saka may usapan din kase kami na mag sasabay kami ng lunch ngayon kaya pupuntahan ko sya sa room nya.

"Ash!" napalingon agad ako ng makita ko si Lloyd.

Agad akong lumapit sakanya at ngumiti. Nginitian nya din ako pabalik kaso parang may kulang,pero di ko na inisip pa yon ang importante nakita ko ulit sya.Landi.

"Andyan ka lang pala, papunta na sana ako sa room mo eh" siguro kung mapupunit lang labi ko kakangiti,wala na punit na to kanina pa. "Ano tara na? May bagong bukas na stall dun oh tabi ng canteen,try natin?" excited kong aya sakanya.Nakakatuwa,ewan ko napakasaya ko,kaso bigla din napawi yon ng makita kong bakas sa mukha nyo yung pag aalinlangan.

"Ash pasensya na, di ako makakasabay ngayon sa lunch" sabi na nga ba.Kung kanina napakasaya ko ngayon bumagsak na.Nang makita nya yung mukha ko agad nya akong hinawakan sa magkabilang balikat at inangat ang mukha kong nakabusangot. "Sorry na, promise babawi ako may kailangan lang kaming gawin talaga" pagdadahilan nya sabay pakita ng ngiti nyang alam nyang kinarurupukan ko. Napahinga na lang ako ng malalim at napairap.

Edi sige, may magagawa pa ba ako?

"Kami? Saka gagawin? Ano yun? Kasisimula pa lang ng klase ah" nakakatampo naman, di na nga kami nag kita kahapon puro text lang eh.

Umiwas ako ng tingin sakanya at pinag cross yung braso ko para alam nyang nagtatampo ako.

"Sorry na nga saka mga kagrupo ko yun may pinapagawa kase saming group work kelangan maipresent namin mamamaya agad" pagsuyo nya pa sakin.

Breaking wallsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon