Chapter 7

1 0 0
                                    

"Mag punas ka, saka takpan mo din yang dibdib mo bakat na yung bra mo" natatawang tugon nya dahilan para mapatingin ako sa dibdib ko.

Nahiya tuloy ako bigla para sa sarili ko nang makitang bumabakat nga ang kulay itim kong bra.

Nakalimutan ko pa lang plain white shirt ang suot kong pang itaas pamasok, dapat siguro sa susunod hindi na ako mag suot ulit ng ganto!

Bakit naman kase ang straight forward nitong lalaking to?

Tinakpan ko agad ito ng dalawa kong braso dahil sa kahihiyan kaya naman natawa sya habang nagmamaneho.

"Dun mo na lang ako ibaba mamaya bago dumating ng St. Ville" nakakahiya naman kase kung sa bahay pa ako mag papahatid saka isa pa hindi naman kami close. Baka isipin din ng Tita ko na boyfriend ko tong kumag na to, grabe pa naman mag-isip yon.

Napatingin sya sa akin at agad din ibinalik ang tingin sa daan "Doon? Sa bahay nyo na lang, wag ka ng maarte dyan hindi bagay" nye nye.

May pagka mayabang din pala ang isang to kaya inirapan ko na lang sya, ayaw kong makipag talo sakanya dahil nanlalamig na ako ngayon kahit nahinaan nya na ang aircon. Basa pa rin kase ako.

Di bale na nga, ituturo ko na lang mamaya.

Nang makarating kami sa bahay ay malakas pa rin ang ulan, mabuti pala at nagpahatid na lang ako dahil kung hindi panigurado kinabukasan ay lalagnatin na ako.

"Ako na mag bubuhat, kaya ko" kinuha ko sakanya ang gamit ko nang balak nyang kuhanin iyon para buhatin bago ako makababa ng sasakyan nya.

Ibinigay din naman nya sa akin yon ngunit bababa na sana ako ng pigilan nya ako at may kinuha na nakapatong sa unahan namin.

"Sandali, baka sabihin mo hindi ko sinagad ang pag tulong" pang asar nya pa at sinimulan ng bumaba ng sasakyan.

Hindi na ako nagulat ng makita syang nasa tapat na ng pinto ng kotse nya kung saan ako nakaupo. Binuksan nya iyon at nang makababa ako ay pinayungan nya ako para hindi ako mabasa pati na rin ang mga gamit ko.

Hindi na ako nahiya pa, dahil para naman sa mga gamit ko yon lalo na sa mga libro ko. Mahal pa naman ang isa nito kaya dapat lang na ingatan ko at iwasang mabasa.

Nang makapasok na kami sa bahay ay agad kong inilapag ang gamit ko sa upuan at lumapit na din agad ako sakanya.

"Salamat pala" Nang marinig nya ang sinabi ko ay napasimangot sya. Bakit? May mali ba don?

"Anong salamat? Walang libre sa panahon ngayon" napairap na lang ako sa narinig ko mula sakanya. Ganito talaga siguro ang ugali nya.

"Hindi ka pa ba aalis?" baka kase makita sya ni tita at kung ano ang isipin.

"Ash! Sinong kausap mo dyan?" para akong nabuhusan ng malamig na tubig
nang marinig ang yabag at boses ng Tita ko mula sa ikalawang palapag.

Napalingon ako kung saan nanggaling ang boses nya at ibinalik ko din ang mga mata ko kay Gab matapos kong marinig na umiingay ang hagdan naming kahoy. Ibig sabihin lamang non pababa na si Tita.

"Umalis ka na.. bilis" pag mamadali ko at itinutulak ko na sya palabas. Ayoko naman na ganito ko sya tratuhin matapos nya akong tulungan pero, si Tita kase.

Napalingon naman sa akin si Gab habang tinutulak ko sya, nakakunot din ang noo nito.

"B-bakit ba? teka nga" irita at nagtatakang tanong nya. Itinaas nya ang dalawa nyang kamay at humarap sa akin. "Bakit ba? excited ka naman yata masyado" Malamang, iniisip nya siguro ngayon na wala akong utang na loob pagkatapos nya akong ihatid. Pero nag thank you naman ako eh.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 18, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Breaking wallsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon