Chapter 6

1 0 0
                                    

0915*******

Oh really? Let's see how good you are later :*

Nang mabasa ko ang text message na yon ay parang umakyat ang dugo ko sa
ulo ko.

Ang kapal naman nya para sabihan ako ng ganon?!

Agad kong diniall ang phone number nya at sinagot naman nya ito.

"Magkita tayo mamaya 6:30 sharp. Sa St. Ville" nang gigigil talaga ako sakanya,nakakakulo sya ng dugo!

"Oww, you're too excited huh?" napairap na lang ako ng marinig ang boses nyang natatawa pa.

Sige tumawa ka lang, tanginakang manyak ka.

"Pero bakit naman sa St.Ville? Ayaw mo bang dumiretso na lan--" hindi ko na sya pinatapos at binabaan na agad sya ng tawag.

Hindi naman sa bastos ako o ano, basta naiinis lang talaga ako. Hindi ako makapag isip ng maayos ngayong umiinit ang ulo ko. At isa pa, ayoko na magpaliwag pa.Malapit din kase iyon sa amin.

Malapit na mag 6:30 kaya naman sinabihan ko na ang mga bata na sa sabado na lang namin ituloy ito. Binigay ko na din sakanila yung mga pagkain na binili ko para sa kanila pagkatapos ay nag paalam na sila at ako naman ay nagligpit na ng gamit.

Nang makarating ako dito ay wala pa ang siraulo. Wala din naman masyadong tao dito bibihira lang ang dumadaan na trycicle dito sa lugar na to. Nag bobrowse lang ako sa cellphone ko ng biglang may humalik sa batok ko at yumapos sa akin mula sa likuran. Kinilabutan ako at ramdam ko ang pagtaas ng mga balahibo ko ng maramdaman ko ang labi ng kung sino sa batok ko, nakatali ang buhok ko kaya agad ko iyong naramdaman. Kasabay din non ang pagkalabog ng dibdib ko.

"Let's go--Shit!Para saan yon!? " Natawag ko na yata lahat ng santo para bigyan ako ng lakas ng loob kaya naman nang marinig ko ang boses ng lalaki ay agad ko itong hinarap at sinampal.

Parang bigla naman akong nakonsensya sa ginawa ko pero okay lang yon! Buti nga sakanya yan, kapalit yan ng pang babastos nya!

Hindi pa nito nakikita ang mukha ko dahil hawak pa rin nya ang kanang pisngi nyang nasampal ko at nakangiwi habang nakatingin sa kaliwa.

"K-kase... ayan! Buti nga sayo!" pag sisi ko pa sakanya.

Kasalanan naman nya talaga yon! Kung hindi nya ako niyakap at hinalikan sa batok edi sana hindi ko sya nasampal, nakadagdag pa yon sa inis ko.

"T-teka... ikaw?! Bakit andito ka? Sinusundan mo ba ako?!" wow?! Ako pa ang sumusunod sakanya ngayon?

Napairap na lang ako dahil di ako makapaniwala sa kakapalan din ng mukha ng lalaking to.

"Hindi kita sinusundan FYI lang ha?! Ang kapal naman ng apog mo para sabihin yan! " inirapan nya lang ako at kinuha ang cellphone nya. Pinanuod ko lang sya magpipindot ng kung ano doon habang nakatingin ng matalim sa akin.

Ilang saglit lang biglang nag ring ang cellphone ko kaya agad ko itong sinagot ng hindi tinitignan kung sinong tumawag.

Ugali ko na yata yon.

"Hello?" sagot ko sa kabilang linya. Nakikipag titigan lang sa akin yung Gab habang nasa tenga nya pa rin yung cellphone nya. Nakipagpalitan din ako ng matatalim na tinginan sakanya. Hindi ako papatalo!

Winagayway nya ang cellphone sa ere habang nakatingin sa akin at nakangiti,wala pang ilang segundo ay nawala na din ang linya ng tumawag sa akin.

Breaking wallsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon