Chapter 3

1 1 0
                                    

"Sige na, bungangaan mo  ako"

"Tanga ka ba? ano namang ibubunganga ko sayo?" sagot nya sakin sabay irap at tungga sa bote ng alak nya habang nakatingin pa rin sa magandang view na puro ilaw sa ibaba namin.

Napatingin na lang din ako sa tinitignan nya na puro ilaw na nagmumula sa mga building at sasakyan, ang ganda tignan.

Andito kami ngayon sa rooftop nila at nag iinom. Pagka text ko kase sakanya kanina, pinuntahan nya agad ako sa coffe shop. Naabutan nya pa nga na mugto ang mata ko pero wala naman na syang sinabi at sinasabi hanggang ngayon. Nakakapanibago nga lang dahil madalas kapag may nagawa akong katangahan, tatawanan pa ako nyan o kaya naman sasabihan ako ng "sabi ko na kase sayo, ayaw mo pang makinig. Ang tanga kase"

Napangisi na lang ako at nakita nya pa yon kaya naman tumungga na lang ako ng alak, baka isipin nya pa na nababaliw na ako dito at ngumingiti mag isa.

"Naloko ka na nga nakuha mo pang ngumiti dyan" sagot naman nya nang mapatingin sya sakin saglit. Binalik din nya ulit ang tingin sa mga sasakyan at makukulay na building habang nakasandal yung dalawa nyang braso sa railings ng roof top nila habang hawak ng isa nyang kamay yung bote ng alak.

Kung iisipin, masuwerte ako kay Lilly kahit madalas nya pa akong sinisisi sa mga katangahan ko pero iba ngayon.

"May pakinabang ka din pala minsan" saad ko habang nakangisi at patuloy pa rin na ginagala yung mata ko sa ganda ng iba't-ibang kulay sa daan. Naramdaman kong napatingin sya sa akin kaya agad ko ng sinundan "Andito ka ngayon, nakikiramay sa puso kong sawi" natawa ako at nailing na lang sa pag gamit ko ng salitang yon, nakakakilabot pala.

Nababaliw na nga yata ako

"Ang pangit pala pakinggan non puta, kadiri" dugtong ko at natawa.

Hindi naman tumawa si Lilly at tumalikod na sa kaninang tinitignan nya saka sinandal ang siko sa railings sabay tungga muli sa bote ng alak nya.

"Alam mo baliw ka na" tanging sagot nya sabay batok sa akin.

Ang gagang to nakuha pa akong batukan, ako na nga tong nasasaktan dito.

Akmang susuntukin ko sana sya sa braso pero agad syang lumayo at sinabing "Sige subukan mong tangengots ka, kaya ka lokohin eh" dugtong nya sabay tawa ng malakas.

Hindi ko na pinansin pa yung sinabi nya dahil alam ko naman na inaasar nya lang ako kaya naman sinabihan ko na lang sya ng "Gago" pero walang lumalabas na boses mula sa bibig ko sabay irap. Pero totoo naman iyon na tangengots talaga ako.

Tumigil na din sya sa kakatawa at nagsimulang lumakad palayo saka umupo sa sahig ng rooftop nila, umalis na lang din ako sa pwesto ko at umupo sa tabi nya habang ang dalawa kong mahahabang biyas ay prenteng nakaladlad lang sa simento at ang dalawa kong kamay ay nakatukod lang sa likuran para mag silbing suporta sa bigat ko.

"So anong nangyari?" Pagkarinig ko pa lang ng tanong na yon, parang may kung ano sa loob ko ang unti-unting gumuguho.

Napatingin ako sa mga mata ni Lilly na ngayo'y nakatingin din sa akin ng may pag-aalala. Para akong dinudurog sa mga tingin nya, dahil huli kong naramdaman to maraming taon na ang nag daan.

Sa totoo lang, ayaw ko naman mag kwento sakanya dahil hindi ako yung klase ng tao na palakwento. Mas gusto ko lang talaga yung ako lang, sarili ko lang ang nakakaaalam kung anong meron sakin. Hindi ko rin alam kung bakit, dahil siguro nasanay na lang din ako dati pa na walang napag sasabihan at kinikimkim na lang lahat.

Breaking wallsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon