Chapter 5

0 0 0
                                    

"Hey, I'll pick you up later 8 pm. Doon tayo sa bahay nasa Bataan ngayon sila mama. Let's continue what we started earlier sa sink ng cr ng girls" hindi ko alam kung panong bilis ang pagkuhang ginawa ni Lilly sa cellphone ko, kaya ngayon ay binasa nya sa harapan ko ang text message ng kung sino ang halos magpalambot sa tuhod ko.

Malamang sa malamang yung lalaki kanina ang nag text nyan, pero paano naman nya nakuha ang number ko?

Stalker siguro to?

Hindi naman siguro, ang feeling ko naman yata kung iisipin kung ganon.

"Ahh, kaya naman pala" napatingin ako kay Lilly at sinusumpa ko sya ngayon mismo dahil halatang nang-aasar sya.

Dahan-dahan pa syang tumango habang ibinabalik yung cellphone ko sa kung saan man nya nakuha, at ang nakakabwisit ay nakangiti pa sya!

Gusto ko na lang bigla umalis dito para maging safe na ako sa pang-aasar nito dahil ramdam kong hindi ako titigilan nito. Alam kong wala akong dapat ikahiya o kung ano pero sa di malamang dahilan ay nakayuko ako at hindi makatingin sakanya ngayon habang dahan-dahan ko pang kinukuha yung cellphone ko para basahin yung text, baka mamaya chinacharot lang ako nito eh.

"Kaya pala ayaw mag kwento, may kahalikan pala kanina sa sink" mapang-asar nya pang dagdag at hindi pa rin maalis amg nakakabwisit nyang ngiti habang prenteng nakasandal lang sa upuan at naka cross arms pa.Hindi ko na lang pinansin pa ang sinabi nya dahil
mas curious ako ngayon sa text message. "Ang wild mo naman pala sis, sa lababo pa talaga?" dugtong pa nya habang tumatawa ng marahan.

Continue what we started? Eh hindi naman ako ito! Ano ba tong pinagsasabi ng lalaking to?!

Parang mas naistress pa ako kay Lilly at sa lalaking yon kesa sa pag gawa ng activity ko kanina. Pakiramdam ko mapapaaga talaga ang pag tanda ko dahil may pagka patola at pikon din ako kung minsan.

Mali si Lilly ng pagkakaintindi! Ano ba tong babaeng to? Ang judgemental, char.

Ibinaba ko ang cellphone ko at napahimalos na lang ako sa mukha dahil di ko alam ang gagawin ko sa Lilly na to. Tinignan ko sya at bumuntong hininga.

"Mali ka ng pagkakaintindi, hindi ko kilala yang lalaking yan saka hindi ko hinalikan yan!" mahinang pagpapaliwanag ko. Kailangan ko maipaliwanag yung side ko para di na mag isip ng kung ano si Lilly. Defensive na kung defensive eh ayun yung totoo.

Ngumiti naman sya at muling lumapit.

"Ah so, sya yung humalik?" pinalo ko sya ng marahan sa braso dahil kung anu-anong pinagsasabi nya. Hindi ko na alam ang gagawin ko sa babaeng ito, masisiraan na yata ako ng bait dito.

Umiling ako at sinabing "Hindi nga sabi, okay?! Walang nangyaring halikan! Ano lang yan...w-wrong sen--"

Agad kaming nagkatinginan sa isa't-isa ng muling tumunog ang cellphone ko, at katulad kanina ay agad nya itong nahablot bago ko pa ito kuhain. Ang bilis talaga ng kamay.

"Sabay na lang tayo umuwi mamaya, Hintayin kita later Ash" napakurap na lang ako ng isang beses dahil sa inis. So, alam nya ang pangalan ko? Eh hindi naman ako ang kahalikan nya kanina! 

Napatingin muli sa akin si Lilly habang hawak pa rin ang cellphone ko.Tumayo na rin sya at sinimulang isakbit ang bag nya sa isa nyang balikat.

"H-hoy ano yang pinapakielaman mo dyan?!" napatayo na lang ako upang agawin ang cellphone ko sakanya ng makitang nagtataype sya.Ibinalik nya din agad yon sa akin habang nakatingin ng makahulugan at nakangiti.

Breaking wallsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon