Chapter 4

36 1 1
                                    

hai chalamat nakapag update dinssss....

Para sa pinsan kong si liezel mae ang chapter na to... ihihi

Natuwa kasi ako isinali niya tong my heart is so tired until you came sa reading list niya.. hohoho

Ganun po ako kababaw na tao...natutuwa ako sa mga simpling bagay.eheheh

P.S

Whatever you read here are all came from my imagination...ihihihi
I don't have any intentions to hurt anybody...especially the character I used here mga chena chena ko lang yan.

Andria

Matulin lumipas ang mga araw. Naging sobra akong workaholic, isinubsob ko ang sarili ko sa trabaho at isa pa ay sobra akong nag eenjoy ngayon kaysa dati.

Marahan akong tumayo at pinagmasdan ang ganda ng Porac Pampanga mula sa glass window ng aking opisina.

Ang laki ng inunlad nito kaysa nung nag-aaral ako ng Highschool, marami ng iba't ibang establisyementong nagsulputan. Number 1 pa ito sa parte ng pilipinas na mabilis na umasenso ayon sa survey. Malaking tulong iyon dahil maraming tao ang nagkaroon ng oportunidad na maghanapbuhay.

Isang buwan na rin simula ng pamahalaan ko ang isang bagong tayo naming Hospital sa Porac. Iyon ang pinakamalaking Hospital sa lugar namin. Pero babalik din agad ako sa Manila after kong itrain ang papalit sa akin.

"What? Why me? Pero Ma may usapan tayo diba?" sunud-sunod na tanong ko sa aking ina. Kausap ko ito ngayon sa telepono.

"Because Sheikh Zayed told so andria, Tandaan mo kailanman ang utos ng hari ay hindi nababali." sagot ng ina
She's referring to the mighty and powerful President of United Arab Emirates.

Pinaguusapan kasi namin ay ang tungkol sa project na itatayong bagong Hospital sa Dubai na ang Valderama Management ang magmamanage sa buong Hospital. Napakalaking proyekto niyon, nakasalalay ang aming kompanya. Pero ni sa hinagap hindi ko inaasahan na ako mismo ang ni request ng Hari na tumayong President ng hospital. Yes they are impressed by me, ang probably I can make the hospital on top but

" Ma paano kayo ni Dad? If I will accept the offer matagal akong mawawala." nalulungkot na sabi ko. Parang hindi ko kasi kayang iwan sila ng matagal. Isa pa napamahal na rin ang mga staff ko sa Hospital namin kaya kontento na ako. Tsaka may usapan kami noon na makuha ko lang ang malaking proyekto sa Dubai after that hindi na nila ako gagambalain.

Sa totoo lang malaking karangalan na ako mismo ang pinili ng hari na humawak ng ipapatayong hospital, na sa katunayan maraming ibang lahi ang nagkandarapa sa posisyon na iyon.

Kailangan ko lang maging mahigpit at mabusisi sa lahat ng bagay dahil kompanya namin ang nakataya..Sheikh Zayed Hospital will be manage by Valderama Management.

Pati paghihire ng mga staff ng hospital ay sa amin nakasalalay, mabuting balita maraming pilipino kaming matutulungan upang matupad ang kanilang mga pangarap. Magagaling at masisipag talaga kasi ang mga pinoy, may dedikasyon at puso sa trabaho.

"Anak lagi ka naman uuwi kaya don't make a drama, you should be flattered and honored, sa dinami dami ng nag apply for that position ikaw na hindi nag apply ang pinili ng Hari. If you will accept the offer andria anak it will be your biggest break in your career. Not only that it will may serve a double purpose." mahabang pagpapaliwanag ng ina at napatawa sa huling sinabi.

Napasimangot tuloy ako sa sinabing huwag ako magdrama, mukhang hindi man nila ako mamimis. Pero napaisip ako sa huling sinabi nito na ikinatawa pa niya.

"Then tell me ma what will be the other purpose?" pangungumbising tanong ko rito. Parang may naamoy akong iba sa iniisip ng ina.

"Naisip ko lang kasi anak baka dun mo na rin mahanap ang Prince Charming mo, na muling magpapatibok sa nasaktan mong puso." sagot nito at humagalpak ng tawa. Muntik ko tuloy mabitawan ang cellphone ko

My heart is so tired until you cameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon