Ng sumapit Ang Uwian ay Hinintay ko talaga sa Parking lot si Rust kukulitin ko lang kung ayaw Niya akong pasakayin ay Mag ta-taxi Ako No problema
Sinadya ko talaga Na wag magdala ng Sasakyan kasi Plano ko na to eh
"Rust!"- sigaw ko dito ng makita kung Papalapit na siya sa Sasakyan niya
"What!"- inis nitong Sagot
"Can I ride? Please Wala kasi Yung driver namin eh kaya walang susundo sa akin"- pagpapacute ko dito Sana nga lang Effective
Nilingon lang Niya Ako saka Sumakay sa Sasakyan at pinaharurot ito ng napakalakas
Bumuntong Hininga lang ako
Kung si Zypher lang sana yon Walang Alinlangan akong papasakyin non, pero Hindi eh dapat kong kalimutan na siya
Naglakad na lang Ako palabas ng school medyo madilim na nga, wala akong magagawa Ginusto kuto eh Pagtyatyagaan ko na lang
Lutang akong Lumabas Ng gate Di pa naman ako sanay mag taxi papunta sa Subdivision namin kakainis Ang O.A kasi ng Rust na yun,
Di bali Na bibigay ka din naman Balang araw Rust.
Wala pang dumadaan na taxi halos Van At grab kasi Ang dumadaan Kaya Umupo na lang Muna Ako sa Gilid ng kalasada
"Yan pa Kasi Zeyn! Magpaka desperada pa Ket alam ng ayaw ng Tao"- bulong ko sa sarili
Naka ilang Ulit akong Ginagawa yun Hindi lang dalawang beses kundi Hindi Na mabilang Ngunit Ayaw parin Bumigay ni Rust ayaw Niya parin Ako at ayaw Niya akong Pasakayin sa Sasakyan niya
Nong sumapit Ang Saturday ay Nag shopping Ako, inutusan ako Ni Manang ayaw ko sana Kaso dadating Sila Mom. Another War will begin Mamaya
Tsk tsk tsk kung pwede lang sana na Hindi Na sila umuwi, Wala naman akong Mapapala sa kanila kundi Mga Tenginang salita mura at higit sa lahat ipapamukha na naman na malas Ako at pabigat
Papasok na Ako sa mall ng maaninag ko ang anino Ni Rust
Medyo nagtatampo Ako sa kanya kasi NakakAinis na siya walang Konsenya
Pero ayos lang Ginusto ko yun eh
"Rust!"- sigaw ko dito na nagpa agaw ng attention ng Ibang mga Costumer
Kumaway Ako sa kanya ngunit blanko lang Niya akong Tiningnan
Ng nakalapit na Ako sa kanya ay agad ko itong Binati
"Hi Rust! Long time no see? Kahapon pa yata tayo nagkita ah, miss na kita agad"- kinikilig kung Saad Ngunit Tinalikuran lang ako nito
Sinundan ko parin siya at Inabot Ang kamay para makapag holding hands
"Ay jowa Niya Yan?"
"Oh my god bagay sila"
"Gwapo ng boy"
"Sayang may Gf na Pala siya"-
Iilan yan sa mga Narinig ko ng hawakan ko ang kamay ni Rust napangiti naman ako
Ngunit Marahas akong Hinila nito Sa medyo walang tao saka Tinulak ng mariin Buti Na lang Napahawak agad Ako sa lagayan ng mga Canned Goods
"I've told you Hundred times Zeyn, Ayoko sa pagmumukha mo at never Kitang magugustuhan"- Galit nitong Sabi
Medyo Kumirot Puso ko don
Nitong Nakaraang Linggo Unti unti na akong Na aapektuhan sa mga Rejection na ginagawa ni Rust
"Hindi naman kita pinilit na Gustohin mo ko ng pabalik Rust, Okey lang ako dito sa sitwasyon na Meron Ako yung habol ng habol sayo, Oo okey Na okey yun kahit masaktan mo ko ng Ilang Libo Okey lang kasi Nga Gusto kita diba"- walang emosyon kung saad
BINABASA MO ANG
Remember Me This Way (Completed)
RomanceMahal kita, pero hindi yon sapat para ipaglaban kita. -Remember Me This Way