Chapter 3:
Jessie's POV:
"Jessie, tara na sa canteen.. Kain na tayo.." yaya sakin ni Cassie.. Kakatapos lang kasi ng 4th subject kaya lunch na namin ngayon..
Haha.. Lunch na sa wakas.. Gutom na ako eh.. Hindi kasi ako nakapag-recess kanina, masyadong busy eh..
Tumayo na ako at nagsimula nang maglakad papuntang canteen kasama si Cassie..
Pagdating namin sa canteen si Cassie na ang pinabili ko ng pagkain habang ako naman ang maghahanap ng mauupuan namin..
Madaming tao ngayon sa canteen kaya wala pa akong mahanap na vacant seats..
"Jess..!" sigaw ng isang lalaki.. Parang pamilyar ang boses.. Paglingon ko, si Zach pala yung tumatawag..
Nilapitan ko siya sa table niya.. Katabi niya pala si Izzy ngayon..
"Wala ka bang maupuan..?" tanong niya..
"Oo eh.. Kanina pa ako naghahanap ng mga vacant seats kaso wala talaga eh.." sagot ko..
"Madami kasing tao ngayon.. Dito ka na lang sa table namin.." sabi niya..
May dalawa pa kasing bakanteng upuan sa table nila..
"Okay lang ba sainyo ni Izzy..?" mukha kasing busy pa sa pagdedate yung dalawa eh..
"Okay lang naman sakin eh.." sabi ni Izzy with a smile.. Nakakainis man sabihin pero ang ganda talaga ni Izzy.. Sobrang puti niya at mas sexy pa sakin.. Aish..! Nakakainis..! Sarap putulin yung bangs niya eh..
"Kasama ko rin kasi si Cassie eh.. I hope you don't mind..?"
"Not at all.." sabay nilang sabi tapos nagkatinginan sila at nginitian ang isa't-isa.. Tsss.. Nakakasuka.. Haha.. Ang sama ko, binigyan na nga ako ng mauupuan eh..
Nang makita kong tapos na mag-order si Cassie, tinawag ko siya baka kasi hindi niya ko mahanap sa sobrang dami ng tao dito..
Nagulat naman 'tong Besty ko dahil ka-table namin sila Zach at Izzy..
Binigyan niya ako ng are-you-serious-dito-tayo-uupo-look.. Haha.. Nginitian ko lang siya..
Habang kumakain kami, itong si izzy sinusubuan naman si Zach.. Langya yan.. PDA much talaga 'tong dalawa.. Mahiya naman sila..
Yumuko na lang ako para 'di ko sila makita.. Binilisan ko na rin ang pagkain para makaalis na dito..
Cassie's POV:
"Zach, tikman mo 'tong ulam.. Masarap siya.." sabi ni Izzy sabay subo kay Zach ng pagkain..
Tinignan ko naman yung bestfriend ko, nakatingin pala siya sa dalawa.. Yumuko siya at napasimangot sa nakita niya..
Kawawa naman 'tong Besty ko..
Kung bakit ba kasi si Zach pa ang mahal niya.. Eh may girlfriend na yung tao eh..
Nahihirapan tuloy siya ngayon..
By the way, Cassandra Almonte is my name.. Pero just call me Cassie.. 15 years old and Senior in high school.. Bestfriend ko si Jessie since we're in First year high school.. Isa akong NBSB at wala akong balak ma-in love.. Ayokong magpakatanga katulad ng ginagawa ng Bestfriend ko ngayon sa buhay niya noh..
"Cassie, mauna na ko sa classroom ha..?" sabi ni Jessie.. Ubos na pala yung pagkain niya.. Grabe, ang bilis ah.. Halatang ayaw niyang makita na sweet yung dalawa..
"Sige.." sabi ko.. Hay, naaawa talaga ako sa Besty ko..
Jessie's POV:
"I want you to give that letter to your parents.." sabi ni Ma'am..
May binigay kasing letter yung adviser namin about sa acquaintance party next week.. Kailangan ibigay daw namin sa parents namin 'to para ma-inform sila kung anong oras kami uuwi.. Hanggang midnight kasi yung party..
"Jessie, may isusuot ka na ba para sa party..?" tanong sakin ni Cassie..
"Wala pa nga eh.. Tara shopping tayo mamaya.." sabi ko..
"Hay naku, ikaw na lang.. Alam mo namang ayokong nasasayang lang ang pera ko.." sabi niya..
Oo nga pala.. Masyadong matipid 'tong si Cassie eh.. Mayaman naman sila pero ayaw niyang gumagastos.. Para saan lang pala ang pera na binibigay sakanya ng mga parents niya kung 'di niya naman gagastusin.. Hay, masyado kasing mabait..
"Pero samahan mo naman akong magshopping mamaya.. Please..?" ayoko ngang magshopping mag-isa ang boring noh, wala akong kausap..
"Okay.." she said..
-Mall-
"How about this..? Maganda ba..? Mas cute ata yung isa eh.. Ay teka, mas gusto ko yung naka-display sa window.. Pero type ko rin 'to eh.." andami ko gustong bilhin.. I can't decide kung ano ba talaga..
"Jessie, pumili ka na ng bibilhin mo.." sabi ni Cassie.. Halatang naiinip na siya dahil kanina pa kami umiikot dito sa boutique na 'to pero wala pa rin akong mapili..
Kawawa rin pala yung saleslady, pinapahawak ko kasi sakanya yung mga napipili kong i-try sa fitting room..
Sige na nga, I've decided.. "Okay, kukunin ko 'tong lahat.." sabi ko sa saleslady sabay turo sa mga damit na pinahawak ko sakanya.. Nanlaki naman yung mga mata niya.. Gulat masyado..? Haha..
Pumunta na kami sa counter binayaran yung mga pinamili ko..
"Thank you for shopping here ma'am.." sabi nung saleslady sabay bigay sakin nung siguro ten na shopping bags..? Basta madami eh..
"Tsk, tsk, tsk.. Hindi ka ba naawa sa parents mo..?" sabi sakin ni Cassie habang kinukuha yung ibang shopping bags sakin para tulungan ako..
"Kaya naman nilang bayaran 'to eh.. No need to worry.." sagot ko..
Kumain muna kami ni Cassie ng dinner bago umuwi..
Pagdating ko ng bahay, nilapag ko lang sa kama yung mga binili ko..
Sa totoo lang kapag bad mood lang ako nagshashopping.. At oo, bad mood ako ngayon.. Kasi buong araw sweet sila Zach at Izzy habang ako walang magawa kundi tumitig lang sakanila..
I hate this..
I hate that I love him so much..
I hate how it kills me na makita silang sweet ni Izzy..
And I hate how he doesn't see how much I love him..
-End of Chapter 3.
Vote and comment naman po kayo.. Thank you po.. :))
Si Izzy nga pala yun oh..>>>
-Shee.
BINABASA MO ANG
Operation: Steal the Man I Love
RomanceHe's the a**hole that I can't live without, and I'm the thief thats going to steal him from that b*tch..