Chapter 1:
Jessie's POV:
"Masama bang mahalin siya..?" tanong ko kay Cassie..
"Jessie, may girlfriend na yung tao.. Tama na.. Awat na.. Maawa ka naman sa sarili mo.." sabi niya sakin.. Ouch..! Ang sakit ah.. Ipamukha ba naman sakin na may Girlfriend na yung taong mahal ko.. Hindi ko alam kung bakit 'tong si Cassie pa ang naging bestfriend ko.. Eh loka loka 'to eh..! 'Di pa marunong magcomfort.. Kitang maloloka na ko sa lalaking yun eh..
"Aray ah..! Tagos na tagos naman sa puso yang sinabi mo.. Wala ka talagang matatanggap na regalo sakin sa birthday mo.. " pananakot ko..
"Sorry naman.. Ikaw naman, 'di mabiro.. Eh kasi nagsasabi lang naman ako ng totoo eh.." paliwanag niya with matching smile.. Pacute talaga 'tong Besty ko..
"Che..! I hate you..!" kunwaring pagtatampo ko..
"Asus..! Si Besty, nagtatampururot.. Sorry na kasi.. Basta, yung regalo ko ha..?" sabi niya habang nagbbeautiful eyes.. Ngeh, pacute talaga ah.. Di naman cute.. XD
"Oo na, oo na.. Alam mo namang loves na loves kita eh.." sabi ko.. Basta kay Besty, ang bilis ko sumuko ah..
Bigla naman akong napatingin sa cellphone ko dahil may nag GM.. Puro GM natatanggap ko, wala namang kwenta yung mga pinag-ggm nila.. Kulang na lang gawing diary ang pag ggm, nakakainis..
Pagkatapos kong basahin yung mga text messages, napatitig ako sa wallpaper ko.. Picture namin ni Zach.. Pareho kaming masaya sa picture tapos nakaakbay pa siya sakin.. 'Di ko napansin, umiiyak na pala ako..
"Oh..? Bakit..? May problema ba..???" tanong sakin ni Cassie..
"Mahal na mahal ko siya, Cassie.. Sobra ko siyang mahal.." sabi ko habang nakatitig pa rin sa wallpaper ng cellphone ko.. Tinignan naman ni Cassie kung ano yung tinititigan ko sa cellphone ko.. Aish..! Nakakainis..! Everytime na lang na iiyak ako, dahil lagi sakanya..
"Jessie, for the nth time.. Sasabihin ko ulit sayo na tigilan mo na si Zach..! May girlfriend na siya ngayon.. Tigilan mo na si Zach..! May girlfriend na siya ngayon.. Tigilan mo na ang kakaiyak dahil sakanya.." sigaw sakin ni Cassie..
Siguro nagtataka kayo kung sino si Zach noh..? Well, siya lang naman ang pinakamaswerteng lalaki sa mundo dahil siya ang mahal ko..
Ang dami ko nang nasasabi, pero hindi pa pala ako nagpapakilala..
I'm Jessica Celeste nga pala.. Pero just call me Jessie.. 15 years old.. 4th year high school student.. Anong itsura ko..? Hmmm.. Basta may dalawang mata, may isang ilong na may dalawang butas, may isangbibig na may mga ngipin, may katawan, may kamay at paa.. Hehe.. Okay, seryoso na.. ahm, 5'4 ang height, maputi, long hair na dark brown ang color, chinita, tsaka slim body..
Yung kaisa-isang lalaking mahal ko, hindi ko makuha-kuha.. Tama nga naman kasi si Cassie eh, dapat ko nang tigilan si Zach.. Hayaan ko na dapat sila ni Izzy (yung girlfriend ni Zach)..
Kung ibang babae siguro ang nasa posisyon ko ngayon, sigurado akong sumuko na siya agad..
Pero dahil hindi ako basta bastang nagpapatalo, hindi ako titigil hanggang sa mapasa-akin siya..
I have my reasons kung bakit ayaw kong tigilan si Zach..
Sisiguraduhin kong sa akin si Zach sa huli.. Kaya Lizzy Heartly (girlfriend ni Zach) you better watch out..!
Ako si JESSICA CELESTE at wala akong hindi nakukuha..
-End of Chapter 1.
Vote naman po kayo tsaka comment.. Please po.. :)) Thank you..
Andun po si Jessie..>>>
-Shee.
BINABASA MO ANG
Operation: Steal the Man I Love
Roman d'amourHe's the a**hole that I can't live without, and I'm the thief thats going to steal him from that b*tch..