Chapter 6.

61 3 0
                                    

Chapter 6: 

Jessie's POV: 

"Goodmorning seatmate.." bati sakin ng bwisit na si Luke, pagkaupo ko sa upuan.. Tss.. 

"Walang good sa morning kung ikaw ba naman ang babati sakin.." pagtataray ko.. 

"Taray ah..!" pang-aasar niya habang nakangiti ng pagkatamis-tamis..

"Che..! Matagal na akong mataray, tsaka pwede ba 'wag mo kong kausapin..?! 'Di tayo close.." sabi ko sakanya.. 

"Okay.." tipid niyang sagot tapos 'di na niya ako kinausap ulit.. 

Kaso, makalipas ang ilang oras: 

Bwiset..!!!!!!!!!!!! Hindi nga niya ako kinakausap pero kanina pa siya nakatitig sakin.. 

"Problema mo ba..?!" sabi ko tapos humarap ako sakanya at tinignan ko siya ng masama.. 

"Huh..?" 

"Kanina ka pa nakatitig sakin.. Nakakairita ka na kasi..!" hindi kasi  ako maka-concentrate sa lesson dahil sa bwiset na 'to.. 'Kaw ba naman titigan ng ilang oras, tignan lang natin kung 'di ka mairita.. 

"Di ba sabi mo na 'wag kita kausapin..? Kaya 'di na kita kakausapin, tititigan na lang kita.." sabi niya sakin.. 

"Tsk..! Bahala ka nga diyan.." humarap na ako sa blackboard ulit kay ma'am.. 

After ilang minutes, hindi pa rin niya ako tinitigilang titigan.. 

"Matunaw ako niyan.." sabi ko sakanya tapos tinignan ko ulit siya.. 

"Jessie.." 

"Oh..?" 

"Ngayon ko lang na-realize, maganda ka rin pala.." 

ANO DAW..?!

O_O 

Namula naman ako sa sinabi niya.. 

Pero hindi ko alam kung maiinis ba ako sa sinabi niya o matutuwa.. 

Maiinis dahil ngayon lang niya nakita ang kagandahan ko 

Matutuwa dahil sinabihan niya akong maganda.. 

"M-matagal na akong maganda..!" pagyayabang ko para 'di halatang medyo kinilig ako.. Haha.. Bwiset..! Nahahawa na ako sa kayabangan nitong katabi ko.. 

"Haha.. Mayabang ka rin pala.." sabi niya sakin.. 

"At least, 'di kasing yabang mo.." sabi ko naman sakanya.. 

Natigil ang pag uusap namin nang biglang nagsalita ulit si Ma'am sa harapan.. 

"Okay class, 'wag niyong kalimutan mag-aral para sa long quiz niyo next week, okay..?" 

"Yes Ma'am.." sabi naming mga estudyante.. Hayyy, quiz na naman.. Katamad mag-aral eh.. Physics pa naman ang subject.. Ang dami ring solving.. 

"Okay, you may have your lunch now.." sabi sa'min ni Ma'am at lumabas na ng room.. Lumabas na rin kami ni Cassie ng room para pumunta na sa canteen at kumain.. 

"Nakatitig talaga sayo si Luke kanina ah.." sabi ni Cassie sabay ngiting nakakaasar.. 

"So..?! Ano naman..? Para titig lang eh..' sabi ko.. 

"Aysus..! 'Di ka kinilig Bes..?" tanong niya sakin.. 

"Hinde..! Ba't naman ako kikiligin..?!" 

Tsss... Puro Luke na naman ah.. 

Naalala ko tuloy yung sinabi niya sakin kanina.. 

>////////////< 

Ay teka, teka, bawal kiligin.. Hindi ka niya kinocomplement Jessie, nang-aasar lang yun.. 

"Hahaha.. Wait lang.. Uy, alam mo bagay kayo.. Nung nag-uusap kayo kanina, parang may spark eh.." sabi ni Cassie.. 

"Like Eeeewww..! Kadiri ka, ano ba yang pinagsasabi mo..?!" As if namang gusto kong may spark kami habang nag-uusap.. 

"Hahaha..! I'm just saying, kay Luke ka na lang kaya...? Kaysa naman kay Zach.. At least, si Luke walang girlfriend.. 'Di tulad ni Z--.. " 

"Whatever..! Basta kay Zach lang talaga ako.." 

'Di ko na siya pinatapos magsalita, hinila ko na lang siya papuntang canteen.. Paulit-ulit na lang kasi niyang sinasabi yun eh.. Minsan masakit na rin, kasi siyempre Bestfriend ko siya tapos hindi man lang niya ako suportahan.. Medyo nakakatampo lang.. 

"Hi Jess..!" bati sakin ni forever gwapong si Zach my Loves.. Hindi niya ata kasama girlfriend niya..? 

"Hello.. Mag-isa ka ata ngayon.. Asan si Izzy..?" tanong ko.. Mag-isa lang kasi siyang kumakain sa table ngayon.. 

"Nagkatampuhan kasi kami ni Izzy eh.." sagot ni Zach.. 

Tampuhan..? Sige lang, ipagpatuloy niyo lang yan hanggang sa magkahiwalay kayo.. 

"Ahh.. Bakit..? Ano ba nangyari..?" kunwaring interesadong tanong ko sabay upo sa tabi niya.. Tinignan ko naman si Cassie na nakatayo pa rin.. "Cass, 'kaw na mag-order ng pagkain please.." sabi ko sakanya tapos naiwan kaming dalawa ni Zach.. Actually, wala akong pakealam sa pinag-awayan nila.. Basta ang akin lang, sana maghiwalay na sila.. 

Sumimangot si Zach.. 

"Wala yun.. Maliit lang na bagay.." sabi sakin ni Zach tapos tumayo siya.. "Akyat na ako sa classroom, kakausapin ko ulit si Izzy.." sabi niya tapos tuluyan na siyang umalis.. 

Hayyy.. Naiwan tuloy akong mag-isa.. 

__________ 

Pauwi na kami ni Cassie.. Maglalakad lang sana kami pauwi kaso may biglang humarang na sasakyan sa harapan namin.. 

Bumukas yung window ng car.. 

"Luke..?!" 

"Hatid ko na kayo.." sabi niya samin ni Cassie.. 

-End of Chapter 6. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 17, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Operation: Steal the Man I LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon