Chapter 4:
Jessie's POV:
Mamayang gabi na ang Acquaintance Party namin..
Nireready ko na ang mga gagamitin ko para mamaya..
Nakakahiya nga yung isusuot ko eh.. Backless dress kasi siya na kulay pink.. Hindi lang kasi siya basta-bastang backless, as in kita talaga yung buo kong likod.. Siguradong pagtitinginan ako mamaya, lalo na ang aking likod..
Bakit ba kasi ito pa yung binili ko..???
Hay, bahala na nga.. Maliligo na muna ako..
Pagkatapos ko maligo, sinuot ko na yung dress at sandals ko..
Nagulat naman ako nang biglang may nagsalita sa likod ko..
"Ang sexy ng anak ko ah.."
"Whatda..?! Mom, kanina ka pa diyan..?" gulat na tanong ko..
"Sorry, I forgot to knock.. Tsaka nakabukas kasi yung door kaya pumasok na agad ako.. By the way, gusto mo ayusan kita.. Yung hair and make up mo.." sabi niya..
"Sige po.." sagot ko.. Hindi pa kasi ako nakapag-ayos ng buhok at make-up..
After akong ayusan ni Mommy, hinatid na niya ako sa school..
"Bye Mom, thank you sa paghatid..!" sabi ko..
"Text me 'pag tapos na ang party para masundo na kita.." sabi niya tapos nagdrive na siya pauwi..
Okay, oras na para hanapin si Cassie.. Asan na kaya yun..?
Naglakad na ako papuntang gymnasium.. 'Dun kasi yung party..
Habang naglalakad, I can just feel na pinagtitinginan nila ako..
"Witwew.. Sexy..!!!" sabi ng isang babae.. Nasa labas na ako ng gym ngayon, I turned to see kung sino yun.. Si Cassie pala..
"Cassie, masyado bang revealing..?" tanong ko.. I was referring to the dress..
"Ang alin..? Ang dress ba..? Ahm, Oo..? Sexy ka naman eh, kaya okay lang yan.." sabi niya.. Ano ba yan, nakakahiya naman.. Sana 'di na lang ito yung binili ko..
"Lets go inside na nga.." sabi ko..
"Hi Jessie.. you look beautiful tonight.." sabi ni Izzy pagkapasok namin ng gym ni Cassie..
"Thanks, 'Kaw rin, ang ganda mo rin ngayon.." haha.. Ang plastik ko, grabe.. Kay Izzy lang naman ako ganito eh..
"By the way, asan si Zach..?" tanong ko kay Izzy..
"Nag c.r. lang daw siya, eh kanina pa nga yun, hindi pa siya bumabalik.. Hanapin ko muna ha..?" sagot niya sabay alis..
Hanapin..? Eh nag c.r. lang naman pala si Zach.. Para namang may kukuha dun.. Overly Attached Girlfriend kasi masyado..
Pero, infairness.. Ang ganda niya ngayon.. Kung ako revealing ang likod, siya naman revealing ang dibdib at likod.. Grabe, hiya naman ako sakanya.. Kinabog pa ako eh..!
-After 3 hours-
"Badtrip..!" sigaw ko..
"Oh..? Ano nangyari..???" tanong sakin ni Cassie..
"Si Izzy lang yung sinasayaw ni Zach.. Kanina pa sila sweet dun sa dancefloor.." sagot ko..
"Normal lang yun noh..! Syempre, girlfriend niya yun kaya ayaw niyang magsayaw ng ibang babae.." sabi ni Cassie..
"Lahat ng nagyaya sakin na makipagsayaw tinanggihan ko para kay Zach.. Sana naman isayaw niya ako ngayong gabi.. Last na acquaintance na natin 'to sa high school noh.." sabi ko..
"Parang malabo yang gusto mo.. tsaka sumuko ka na nga kay Zach, hindi na papakawalan ni Izzy yun.." sabi ni Cassie.. Ayan na naman siya, lagi akong dinadown.. Aish..! Nakakabadtrip lalo..!!!
"Uuwi na nga ako.. Bye.." sabi ko kay Cassie.. Tinext ko na si Mommy para sunduin ako..
Naglakad na ako palabas ng gym kaso biglang may humawak sa wrist ko.. I turned to see kung sino yun..
"Zach..?"
"Ahm, hey.. Uuwi ka na ba..? Kung 'di pa, pwede ba kitang maisayaw..?" tanong niya sakin..
OMG...!!!
"A.. Ah.. Si.. Si--ge.." ano ba yan..??? Bakit ako nauutal..???
Pumunta kaming dancefloor.. Napansin ko lang, 'di niya binitawan yung pagkakahawak sa wrist ko hanggang sa makarating kami ng dancefloor..
I put my hands on his shoulder while he is holding my waist..
Ang lapit namin sa isa't-isa habang sumasayaw..
Sana ganito na lang kami palagi..
Yung sobrang lapit namin sa isa't-isa..
Yung walang Izzy na nanggugulo..
Ay oo nga pala, asan na kaya yung babaeng yun..? Baka mamaya makita pa kami nun..
"Zach, asan si Izzy..?" tanong ko..
"Umuwi na.." sagot niya..
"Ahhh.."
"Jess.."
"Oh..?"
"Sobrang ganda mo ngayon.." sabi niya sakin.. OMG..!!! Grabe, namula naman ako sa sinabi niya.. Buti na lang at madilim para 'di niya makita.. Siguro sign na 'to para ipaglaban ko siya kay Izzy..
Hay, kung alam mo lang Zach..
Kung alam mo lang sana na sobra mo akong napasaya ngayon..
Kung alam mo lang sana kung gaano kita kagusto.. Sana alam mo lahat ng 'to Zach.. Mahal na mahal kita..
Kahit may Izzy ka na, okay lang sakin.. 'Di pa rin ako susuko..
Kung ang asawa nga naaagaw pa, boyfriend pa kaya..?
-End of Chapter 4.
Please.. Please.. Please.. Comment and vote naman kayo.. Thank you po..
Si Jessie at Izzy nga pala, in their dresses..>>>
-Shee.
BINABASA MO ANG
Operation: Steal the Man I Love
RomanceHe's the a**hole that I can't live without, and I'm the thief thats going to steal him from that b*tch..