G.N.O

2.4K 86 7
                                    

Deanna

Malakas na ingay ang sumalubong sa amin ng pumasok kami sa loob ng isang club dito sa QC. Hindi ako sanay sa ganitong lugar pero hindi ko rin naman first time ang pumasok sa isang club, 2nd time nga lang. Sa totoo lang kasi ayaw ko nga maingay na lugar tulad nito kaya hanggat maaari ay hindi ako pumupunta maliban kung may mag-aaya tulad ngayon. Buti nalang dito lang sa QC atleast malapit lang sa uuwian ko.

"here take it. " abot sa akin ni ate kath ng bote ng alak.

"i don't drink ate. I mean mahina kasi alcohol tolerance ko kaya hindi po ako umiinom. " tanggi ko naman.

"whooa, deanna ano kaba wag kang KJ, Minsan lang naman to. Let's enjoy. " sabi naman ni ponggay na umiinom na agad.

"oo nga deanna, saka dapat lahat tayo mag-eenjoy at kasali na doon ang paginom. Tinangnan mo, ikaw nalang ang walang hawak na alak " sabi naman ni jules.

Tumingin ako sa mga ksama ko at tama nga si jules, ako lang ang walang iniinom. Sina kyla, ate jho, Celine at dani ay may kanya kanya ng beer. Pati na nga rin pala si jema na masayang umiinom, mukang nakakatawa na naman ang pinag-uusapan nila. Haay sige na nga para hindi ako magmukang KJ dito.

"akin na ate kath. "

"wag kang mag-alala baby deanna, pagnalasing ka ihahatid ka nalang namin. " saad naman ni ate jho

"welcome party namin to sayo deans kaya guy's cheers para sa bago nating kasama. " sabi naman ni kyla at tinaas ang bote ng beer.

"cheersssss" masayang nagsita-asan sila nga kanya kanya beer.

"oi friend ano na? "

Napatingin naman ako ki jema na nakaupo pa rin hanggang ngayon at wala atang balak tumayo.

"tsk" sabi neto at napalitang tumayo.

"nagpapapilit pa e. " sabi ni kyla

"welcome deanna!!"

At sabay-sabay namin pinagdidikit ang bote at ininom ito..

"Agh "ang pait ng lasa, hindi talaga ako fan ng alak.

"bottom up deansss! " sigaw ni ponggay.

"ayaw. Ponggay naman eee. " reklamo ko naman.

"bottom's up"

"bottom's up"

"bottom's up" sigaw nilang lahat kaya wala akong nagawa kondi gawin ang gusto nila.

"agh. Humanda ka sakin ponggay. " at pinakita sakanila ang boteng wala ng ka laman-laman.

"wooooaah! Let's partyyyyy"

"tara sa dance floor deans"

Bigla akong hinila ni ponggay at jules papunta sa gitna at sumaway sa harapan ko sila ng sexy dance at sumama pa si dani.

"ewwww magsitigil nga kayooo. " sita ko sa tatlo pero hindi nila ako inintindi at napatuloy pa rin sa pagsasayaw.

"hahahahaha sayaw na deannaaaaa"

"ganito lang ohhh..daliiii" sabay pakita ni jules ng ibang steps at sinundan naman ng dalawa.

"para ka namang puno dyan deans. Gumalaw ka naman, tulad nito. " sabi ni dani habang nagheheadbang ata tawag don. Ahh basta yon na yon..

"ayaw ko ngaaaa. Di ako marunong sumayaw. " pasigaw kong sabi sakanila.

Totoo naman kasi, hindi ako marunong sumaway kahit anong steps pa yan. Pagkasabi ko non ay nagkatinginan silang tatlo. Oohhoo mukang may masamang balak tong mga to, Buti pa umalis na ako. Tumalikod ako ng mabilis at maglalakad na sana palayo ng bigla nila akong hawakang tatlo at pinaharap saknila.

"let go of me!! " sigaw ko habang nagpupumiglas.

"ready girls?? " tanong ni ponggay sa dalawa at sumagot.

"ready!!"

"go!! "

"aaaahhhh!! "

Sigaw ko habang hila-hila nila ako papunta sa kung saan. At biglang kumabog ang dibdib ko ang makita ko ang daan ng tinatahak namin. Sa center stage lang naman..

"aaahhh Bitawan nyo ko!! Ayoko diyan!! "

Parang wala silang naririnig at patuloy pa rin sa paghila papuntang taas. Ng makarating ay pinipilit nila akong umakyat, sina ponggay at jules ay nakahawak sa magkabilang kamay ko habang si dani naman ay tinutulak ako mula sa likod.

"stop! I don't know how to dance kaya bitawan nyo na ko. " buong lakas kong sigaw kasi hindi sa sobrang ingay dito..

"that's why we're here.. Tuturuan ka namin."  - ponggay

"and besides deans,  nandito na tayo at wala ng atrasan to..haha"  -jules

After sabihin yon nina jules at ponggay ay naramadaman ko nalang na buong lakas akong tinulak ni dani mula sa likod upang maakyat na ako ng tuluyan sa gitna ng stage. Biruin nyo? sa liit ni dani, nagawa nya pa akong maitulak. Tsk

"relax deans, kami bahala sayo. Promise. " bulong naman sa aking ni dani. 

Mas lalong akong kinabahan dahil bigla tinutok sa amin ang spot light. Naghiyawan ang mga tao at nagsimula silang magcheer.  Hindi ako makagalaw, naninigas ang buong katawan ko sa sobrang kaba. Lord tulungan nyo ko.. Huhuhu
Hinila ko si ponggay at bumulong.

"lets go, nahihiya ako. Tara na bumaba na tayo. "

"isang step lang tapos bababa na tayo. " -ponggay

"oo nga naman, basta makioperate ka. "- jules

"do i have choice?!  E wala nga akong nagawa nung dalhin nyo ako dito e. Humanda kayo sa akin after nito. "

"haha promise,  isa lang talaga wongskie. "  -ponggay

"haizt!  Ano ba yong step na yon? " nainirita kong tanong sa magagaling na to.

"simple lang naman,  nakita mo ba ying ginawa ni dani kanina?  Feeling kasi namin yon lang ang kaya mong gawin sa ngayon. " sarkastikong sabi ni jules.

"thanks jules. ha. ha " sarkastikong sagot ko naman sa kanya.

"haha joke lang.. Oh ano yon na ba gusto mo or iba pa?  - jules

"sige sige yon na. "

"okay,  game girls?" -dani

Pumila kami at naghawak-hawak kamay paharam sa mga tao.  Nakayuko lang ako kasi nahihiya talaga ako sa gagawin namin tapos ang lalakas pa ng sigawan ng mga to. Sila kaya ang lumagay sa Sitwasyon ko. Tsk.  Kainis talagaaa..

"ready?  On my que. 1-2 and 3. Go. "

After ng counting ay para akong tanga na ginaya ang ginawa ni dani kanina na headbang.  Mas lalong lumakas ang tawanan ng mga nanunuod sa amin ng gawin namin yon. Hindi ko alam kung anong itchura ko habang ginagawa yon pero wala na kong paki alam dahil ang gusto ko lang ay matapos na ito at makababa na kami. Huminto na ako dahil nakakahilo na, tumingin naman ako sa mga kasama ko at nakitang kong walang tigil pa rin sila kakaheadbang na parang wala lang sakanila ang hilo.

"pongs tama na yan, tara na.. " awat ko naman ki ponggay at buti nalang ay tumigil ito.

"ay ang bilis naman non. Deans naman eeee. " parang batang nagmamaktol namang sabi niya.

"ee basta tara na kasi..oi julie at danitot tara na. "

Hinila ko naman sila para makababa na. Naunang bumaba sina jules at dani,  ng lingunin ko si ponggay ay nakasimangot pa rin itong papalapit sa akin. Umiiling nalang ako habang nakatingin sa kanya. Aktong pababa na ako ay may nahagip naman ako ng tingin. Si jema,  nakatingin siya sa akin at may ngiti sa mga labi. Ewan ko ba kung matutuwa ako or maiinis sa ngiti niya,  parang may ibang ibig sabihin. Pero di nagtagal ay tumalikod na ito at sumayaw kasama ang kaibigan. 

"nakakahiya talaga. Kainis,  pinagtawanan pa tuloy ako ng babae yon. " iritable kong bulong sa sarili.

After Sacrifice (Jedean)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon