Quarrel

2.6K 96 2
                                    


"pwede ba wag mo akong sinisigawan" may diin na sabi ko sa kanya

"tinanong kita!  Pinagtatawanan mo b ako oo o hindi?!! " sigaw niya sakin

"bakit ba big deal sayo kung oo o hindi!??! "sigaw ko na rin sakanya.

Seryosong nakatingin siya sa akin na parang binibasa kung ano ba ang nasa isip ko. Sa totoo lang kinakabahan ako sa susunod niyang sasabihin.

"ganyan ka ba talaga? Ha. Pinaglalaruan mo ang tulad ko. Pinagtatawanan? Ganon ba kabilis sayo na gawin yong ginagawa mo kanina?!! Hindi mo alam kung ano ang pinag-dadaanan ko pero nagawa mong pagtawanan!!.." malakas na pagkakasabi niya.

Takot. Takot ang nararamdaman ko ngayon and naguguilty rin ako at the same time sa nagawa ko sa kanya. Tama siya. Hindi ko siya kilala,  hindi ko alam ang pinagdadaanan niya. Dapat naisip ko yong bago ko ginawa yon.. Ang tanga ko.

"look.. Hindi ko intensyon na pagtawanan ka. Medyo nainis kasi ako sayo kanina nong marinig kong sumigaw ka at nasira ang pag-iisip ko. It just that hindi namaganda ang naging araw ko ngayon at kaylangan ko ng katahimikan kaya pumunta ako dito. At nung narinig kitang sumigaw ay nainis ako at naisip kong takutin ka ng konti.. " pag-aamin ko sa kanya.

"I don't care whatever your excuses are!!  Wala ka pa ring karapatan na gawin yon!!".. Palakas ng palakas ang sigaw niya sakin..

"I'm sorry..okay?  Mali na kung mali pero wag mo naman ako sinisigawan! .." madiin kong sabi.. Tama naman diba..wala ring siyang karapatan na sigawan ako.

"gusto mong malaman kung matatakutin ako diba kaya ginawa mo yon?!!  Oo!! Matatakutin ako!  Ano masaya ka na ba??!!  Ha?!.." Sabay hawak niya sa kaliwang braso ko.

"ano ba!! Bitawan mo ko!  Nasasakatan ako!!.." sigaw ko sa kanya.

"hindi mo kasi alam kung anong nararamdaman ko ngayon. Kung anong pinagdadaana ko. Kung gano kasakit yong pakiramdam ko.. Tapos ano? mang titrip ka lang para malaman kung matatakutin ba yong tao?!!.."

Wala akong naisagot sa mga sinabi niya. Naka tingin lang ako sa mga mata niyang punong puno ng galit at kalungkutan. Hindi ko na alin tala kung gano kasakit ang pagkakahawak niya sa braso ko. Guilt.  Yan lang nararamdaman ko ngayon...

"ang sakit. Ang sakit sakit ng nararamdaman ko ngayon.. Parang dinudurog ang puso ko...kaya hindi mo dapat ginagawang biro ang nararamdaman ng mga tao. " malumanay niyang pgkakasabi at sabay pagtulo ng kanyang mga luha..

Ngayon lang ako nakaramdaman ng kalungkutan ng isang tao lalo't na hindi ko pa kilala..

"I'm really sorry for what i did...alam kong hindi ko na mababawi yong ginawa ko at Hindi alam kong ano ang pinagdadaanan mo ngayon.sana mapatawad mo ako.. " may pagpakumbaba kong sabi sa kanya

Tiningnan ko siya pagtapos kung sabihin yon at nakita kong pano nawala ang galit sa mukha niya. At seryoso akong tinitigan...

Ang kaninang mukhang punong puno ng galit ay naging maamo at ang mga matang puno ng kalungkutan ay unti unting napupuno ng mga luha.

"please..please..I want this to stop..." sabay turo sa bandang parte ng dibdib
"gu-gusto kong mawala na yong sakit na nararamdaman ko.. Please help me. Please help me to get rid of this..ple-ase. " mahinang sabi niya habang walang tigil sa pag-iyak.

Nanlulumo akong tinitigan siya.. Gustong gusto kong tulungan siya..gusto kong alisin ang sakit na nararamdaman niya. Gusto kong maramdaman niya na may handang alisin ang kalungkutan sa kanya..At isa lang ang paraan na naisip ko.

"ssshh.. I'll help you"..sabi ko at pinunasan ko ang mga luha sa kanyang pisngi..

Tinitigan ko siya sa mga mata at unti unti kong nilalapit ang mukha ko hanggang sa mawala ang konting pagitan naming dalawa.







Oooppssss🙊 ano kaya ang ginawa ni ate ghost ki deanna. 😅

Hi po.. Pls hit vote and comment if ngustuhan nyo po ang chapter n to.. Hehe thank you😘

4d4p27❤


After Sacrifice (Jedean)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon