Akin kana, Sayo na ako

3 2 0
                                    

"Hoy sino nakabunot sakin?" Tanong ko sa mga nagsisikain kong mga kaklase.

"Ewan, bakit mo pa kasi aalamin eh pagkatapos din naman nating kumain ibibigay na yung mga gift" saad naman ng kaklase ko.

"Pake mo ba? Gusto ko na ngang malaman eh? Bawal? Bawal?" Pagtataray ko naman. Haha kase naman ihhhh

"Potcha kapag talaga mug binigay niyo sakin basagin ko sa ulo niyo yon" sigaw ko naman.

"HAHAHA okay lang yan basta mamahaling mug" pang aasar naman nila.

"Uror, trip niyo talaga ako ramdam kong alam niyo nakabunot sakin"

'Sanaol ramdan'
'Congrats hindi ka manhid gemma'
Mga siraulo talaga itong mga toh sarap kutusan isa isa.

-

"And the last is for: gemma muling from: [your future Ps:10inch]" napataas naman ang kilay ko dahil gumamit pa talaga ng code name yung nakabunot sakin. Hmmm pa mysterious saka ano ka si knight? Or arabo para maging 10inch yan.

Hindi ko alam pero kanina pa ako kinukulit ng mga kaklase ko na buksan ko na daw yung gift kaya naman bubuksan ko na siya kakabanas na sila eh..
Mas excited pa sila kesa sakin wow hA, sabagay anlaki nga naman ng balot nung akin naka jackpot ata ako ah yieeeEe

Unti unti ko na itong binubuksan yung saya ko kanina unti unting nauuwi sa pagkainis at pagkabanas pano ba naman pagbukas ko ng balot may kahon tapos sa loob non may kahon nanaman ano trip ng nakabunot sakin? Punyeta.

"Sa wakas" salitang aking nabanggit ng last na ang kahong ito ngunit....

"Ay gagOoooo!!!" Sigaw ko kahit na nasa harapan ang teacher namin kasi pano ba naman 200 worth dapat ang regalo tapos eto pa sa pagkadami dami ng kahon tapos NAPKIN laman? Takteee pano to nakalusot? Tapos tawa tawa pa nga kaklase ko ang gago talaga

Naiiyak ako mga erp.

"SINOOOOOOO NAGREGALOOOO SAKIN?? WANYAKA LUMABAS KAAAAA IKENNAT!!!" Sigurado akong naguusok na ilong ko sa sobrang galit

"Galet na galet? Usto manaket asawa ko inde mabiro mukhang may regla" nagsitahimik ang lahat dahil sa boses na iyon kaya naman agad ko itong nilingon.

"C-cy-cyron?" Uutal utal kong saad wait self galit ka dapat! Huwag marupok kay crush!

Lumapit namin ito ng sobrang lapit sakin duduling na ata ako sa sobrang lapit

"Ano toh? Napkin? Sobra naman ata pagkakuripot mo hA hindi ka lang buraot sobrang kuripot mo pa uncrush kita jan eh" taas kilang kong pagbabanta dito.

"Huwag ganon hihi, buksan mo muna kasi iyang napkin" abuh may pangitingiti pa ang mokong

"Bat ko bubuksan?"

"Buksan mo tapos isuot mo, ayaw mo? Sige ako nalang tapos ako nadin magkakabit sayo *wink"

Naginit naman ang pisnge ko dahil rito.

"Dejoklang, just open it" agad ko namang binuksan ito at tila napako ako sa kinatatayuan at ko at halos pigil ang paghinga dahil sa nakasulat dito.

'Payagan mo munang ligawan kita after that you can get your gift from me pero kasabay non ay MAGIGING AKIN KA AT SAYO AKO:)'

"Gemma? Ano payag?" Sabay kamot sa ulo nito.

"Hmm sige na nga! Para sa regalo" sagot ko naman poteEek pero sa totoo lang ket wala na yung regalo maging akin kalang at sayo na ako sobrang the best gift na yon di naman pala kuripot tong 10inch kunong ito eh emegesh meme I can't walk chOur.

'Awittttt sanaol!!!'
'Tunguna lang poreber'
'Anak agAaad'
Sigawan naman ng mga kaklase kong MGA WALANG JOWAAA hahaha pero ang pinagtataka ko bat dikami sinusuway ni ma'am sa kaharutan namin?

"Maiwan ko na muna kayo dito okay? At ikaw Cyron dalhin mo mamaya sa bahay yang si gemma ha tapos doon na siya mag dinner okay? suportahan ko kaharutan mo mana ka naman sakin eh yie exchange gift sanaol nak" napanganga naman ako sa mga sinabi ni mama I mean ni ma'am wanyAaaaa kinikilig napkin ko mga zer pero kelangan kong kumalma may bubulwak sakin ngayon ih hihe.

SHORT STORIESWhere stories live. Discover now