"Doppelganger"

8 2 0
                                    

Narito ako ngayon sa sulok ng aking kwarto
Nag iisip kung ano ba ang halaga ko dito sa mundo? Wala akong masabihan na kahit sino dahil wala namang handang makinig sa akin maski pa pamilya ko.

Iniwan na ako ng lahat.

Ang boyfriend ko? Nakipaghiwalay sa akin dahil nalaman niyang buntis ako at saka siya sumama sa bestfriend ko

Ang mga kaibigan ko? Lahat sila itinakwil ako dahil nalaman nilang naghihirap na kami

Si papa? Iniwan niya kami para sa babae niy tapos hindi nakayanan ni mama kaya nagpakamatay. Ang kaisa isang kakampi ko:>

Hindi ko na alam kung saan ako pupunta. Kung saan at kanino ko mailalabas lahat ng sakit dito sa puso ko.

Sinubukan kong buksan ang social media account ko nagbabakasakaling may nga mensahe akong matatanggap , mensaheng nagsasaad kung kamusta na ba ako? Kung may problema ba ako? Pero bigo ako.

Natuon naman ang atensiyon ko sa isang live video na napakarami na agad ang like , comment at share.

Literal kong nabitawan ang telepono ko ng makita ang nilalaman ng live video

Kamukhang kamukha ko ang babaeng nasa taas ng napakataas na building at nagbabadyang tumalon. Umiiyak ito at sumisigaw ng kung gaano kasakit ang nararamdaman niya

Sinisigaw nito kung gaano na siya nahihirapan sa buhay niya.

Walang ano-ano ang babaeng kamukha ko ay bigla nalang tumalon na tila ba iniiwan niya na lahat ng sakit at kirot na hindi niya na kayang madala.

Naluha nalang ako dahil sa napanuod ko nakakatawa ngalang kase kamukha ko siya at hindi lang mukha pati narin ng nararamdaman niya ay kaparehas ng aking nararamdaman

Bigla nalang sumabog ang notification at messages ko at nagulat sa mga nabasa ko

'Bes bakit hindi mo man lang sinabi'
'Prenny bakit mo yan ginawa sa sarili mo? Andito naman kami eh mahal na mahal ka namin'
'I'm sorry love kung wala ako nung kailangan mo ako'
'Mamimiss kita'
'Sana maging masaya ka'
'Iloveyou ate idol huhu'

Natawa nalang ako sa mga winika nila? Dahil ilang beses akong nagmakaawa na tulungan nila ako dahil hindi ko na kaya

Pero hindi nila ako pinakinggan. Sumagi naman sa akin ang mga mensahe ng dati naming gc at naluha sa mga nabasa ko

'Kawawa naman si cala sana pala hindi ko nalang siya pinagtabuyan'
'Tsk. Kala ko pa naman matalino siya eh bakit nagpakamatay? Bobita'
'Oh ano? Yung banal nating friend nagpakamatay eh diba dapat siya yung mas nakaka alam na yun ang pinaka mabigat na kasalanan'
'Sinabi niya pang hindi siya magagaya sa mama niya but look at her now?'

Agad na nagsilabasan ang mga luha ko. Ansaket sobrang sakit dahil ganto pa pala ang mga sinasabi nila sakin

Sa kabila ng pinakita kong pagmamahal sa kanila , mga araw na nalulungkot sila lagi akong nandon sa tabi nila para pasayahin sila pero bakit ganto?

Maybe my doppelganger did that so I can see what would be the reaction of my loveones.

Tinulungan ako ng doppelganger ko para malaman kung ano ang sasabihin nila sakin kapag ginawa ko ang ganong ginawa niya na nasa isip ko lamang

Agad akong pumatong sa upuan at agad na ipinasok ang ulo ko sa lubid na matagal ko ng ikinabit

Wala na akong dahilan para mabuhay wala namang may pake kung buhay man ako o patay

Lahat sila ay nagpapanggap lamang. Lahat sila iniwan at pinabayaan ako

I didn't kill my self because they already kill me

At agad na hinayaan ang sarili kong nakabitin. Bigla nalang nagdilim ang lahat pero bago ako tuluyang sakupin ng kadiliman

Nasulyapan ko ang doppelganger ko na nakangiti at nginitian ko ito ng pabalik at binanggit ang katagang

"Salamat"

SHORT STORIESWhere stories live. Discover now