"MAGNANAKAW"

4 2 0
                                    


Papunta ako ngayon sa locker ko para kunin yung extra shirt ko pano ba naman pinaglinis kami tapos ito itsura ko dugyutin.

"Shocks!" Pabulong pero may diin kong wika. Pano ba naman nakalimutan kong nagamit ko na pala yung extra shirt ko na nandito halah! Papagalitan ako nito ni ma'am terror pa naman yun huhu pleasE send help guysueee

Habang palakad lakad ako dito sa school at naghahanap ng paraan natuon naman ang pansin ko doon sa kwarto kung saan nagbibihis at naliligo yung mga basketball player. At dahil desperada na ako dahil ayokong mapagalitan pumasok nalang ako at naghanap ng damit

Agad naman akong nakakita ng plain white shirt dun sa ibabaw ng isang tuwalya at walang ano ano ay kinuha ko na ito , bahala na magsosorry at ibabalik ko nalang toh.

"Nasan si ma'am?" Tanong ko sa nga kaklase ko dahil wala pa si ma'am eh never pa naman yung na late unless---

"May seminar daw si ma'am" agad naman akong napanganga sa sinabi ni klea kaklase ko hayop eh last sub na namin siya , at dahil lang sa takot ko na mapagalitan kumuha ako ng shirt ng lalaki tapos wala lang din siya hustisyaaAaa naman oh

Pauwi na ako dahil wala naman pala si ma'am terror saka lalabhan ko nalang tong damit bago ko ibalik sana lang talaga hindi ako patayin ng kinuhanan ko nito.

"Hey!" Agad akong napalingon ng may sumigaw. What the s-si j-james? C-crush kooooo

"Ah-eh bakit?" Ramdam ko ang sobrang pag init ng pisngi koooo nakakahiyA

"Bakit mo kinuha yang shirt ko?" Ano daw? Shirt niya? Tunguna naman nakakahiyaaAa na talaga lupa lamunin mo na akO sa dinami dami ng shirt don bat yung kanya pa nakuha ko? Malas

"Ah s-sorry h-hindi ko naman alam na sayo pala ito ka-kase wala kase akong extra shirt tapos yung damit ko kanina ang dugyot na kaya pumasok nalang ako doon sa pinagbibihisan niyo tapos kinuha ito , promise ibabalik ko din" naiiyak kong saad dito

"Pffft. Ayos lang pero next time magpaalam ka naman , ninakaw mo na nga puso ko tapos pati ba naman shirt ko sana naman next time apelyido ko na kunin mo" sabay lapit nito sakin as in sobrang lapit hmmm halikan ko kayo to choUr.

"Ninakaw puso ka jan , sipain kita jan at Gaga magka apelyido na tayo since birth" sabay batok ko dito. Nakita ko naman ang pagkamot niya sa ulo niya

Yes po opo first cousin ko po siya saklap diba? Kaya kelangan kong pigilan sarili ko at maging kalmado kahit sa totoo lang gusto ko ng tumili ng nay tonoOo

"Balik ko nalang ito sa bahay niyo pagkatapos ko labhan" dagdag ko pa atsaka na umalis.

SHORT STORIESWhere stories live. Discover now