Kabanata 3

183 10 3
                                    

Aya's POV

"And when you follow this formula, make sure you do this another formula to check if what you got is right-" Marami pang kuda si ma'am Montemayor sa harap pero was na akes care. Nag-eenjoy na kasi akong titigan ang papadilim nanaman na ulap na kitang-kita sa katabi kong bintana. Umagang umaga pero heto't mukhang uulan nanaman. Unang klase ko pa lang ngayong umaga at nagugustuhan ko na agad ang klima.

Napapadalas ang pagkulimlim at pag-ulan nitong mga nakaraang araw. Siguro ay may bagyong paparating o baka may bagyo na nga.

Hindi ako updated dahil duh, busy akes sa pagtitinda at pag-aaral kaya waley na akong time para sa panonood ng balita o pakikichismis man lang.

Tatlong beses na katok ang nagpatigil kay ma'am Montemayor sa pagtuturo saka tumingin sa may pinto. At bilang masunurin kaming estudyante, sabay-sabay kaming lumingon rin sa pinto. Charot, chismosa lang talaga kami.

"Excuse me and good morning, ma'am. Mr. Buenvenille wants to see you in the dean's office. If you may, please come with me, ma'am." Magalang na wika ng isang otokong estudyante. Rinig ko ang ilang mahihinang hiyawan ng mga kaklase kong tuwang-tuwa. Pero akek? Syempre nakatingin pa rin sa otoko na mukhang inutusan ni dean.

Nakasalamin ito na may makapal na bilog na lenses at naka-complete uniform pa. Nakabutones hanggang sa pinakaunang butones na halos masakal na siya. Ang itim na may kahabaang buhok na parang punong-puno ng wax ay nakahati sa dalawana nangingintab pa. Sa gitna pa talaga ang hati at pulidong pulido ang pagkakahati.

Perfect na sana ang mukha, baduy lang ang taste. Gosh!

"Alright. Excuse me class, I need to go to the dean's office but I'll be back later. For now, do the activity on page 158 to 160. I'll collect that before we end our class." Bilin niya sa'min saka na lumabas kasunod ni otoko.

Nakakainis naman! Nag-iwan pa siya ng gawain. Ang matindi pa, hindi niya sinabi kung saan isusulat! Naker! Nakakalerky naman 'tong teacher namin! Kulang-kulang sa pagbibigay ng infos.

Nagsimula ng mag-ingay ang mga classmates ko para pagdesisyunan kung saan ilalagay at syempre magtanungan ng sagot. Ganern talaga, tulungan raw para sabay-sabay na gagraduate!

Nagsimula ko na ring basahin at sagutan ang activity pero madalas ay nakatitig lang ako sa questions kasi jusko naman 'day! Mega hirap ng mga tanungan ditey! Hanggang sa wit ko na napansin ang oras. Hayern, nakabalik na si ma'am ng hindi ko namamalayan. Kaya dali-dali ko nang sinagutan ang bawat tanong. Wapakels na kung mali ba ang mga pinagsasasagot ko rito ang mahalaga natapos ko hehe.

"I'd like to make an announcement, class." Rinig kong bungad ni ma'am sa'min pero hindi ko na siya pinansin dahil nakatutok na ako sa pag-imbento ng sagot sa pesteng activity na 'to.

Habang patuloy ako sa pagsusulat ay napansin ko ang kakaibang ingay mula sa mga kaklase ko. Mahihinang mga boses pero malakas na ingay pa rin ang nalilikha.

'Explain how you got the answer on number 4?'

Basa ko sa tanong sa number 5. Nakakaloka naman ites! So kelangan ko pang iexplain ang formula ng hinulaan kong sagot sa number 4?! San ko naman pupulutin ang sagot dyan?!

"Psst, Lou. Hoy Lou." Nakayukong pagtawag ko sa kaklase at seatmate kong si Angielou Gonzales. Isa sa matatalino dito sa block namin. Napatingin naman siya sa'kin ng kalabitin ko siya pero mabilis lang dahil bumalik agad ang tingin niya sa harap. Halatang ayaw pa-distract.

"Louuu, pakopya akong sagot." Bulong na pangungulit ko sa kaniya. Mabilis naman niyang binigay ang papel niya nang hindi pa rin tumitingin sa'kin. Wow ha! Ganon kainterisado sa announcement ni ma'am?

Lovin' The DelinquentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon