Kabanata 1

303 11 0
                                    

(Warning: This chapter may contain inappropiate words, phrases and events that is not suitable for young audiences.)

(Gio Azrael's POV)

"Watch out!"

Gulat akong napalingon sa sumigaw ngunit kasabay noon ay biglang paghila sa akin ng isang merlat. Sa lakas ng hila niya ay nawalan ako ng balanse, buti na lang at hawak niya ako sa pulso at naalalayan niya ako agad sa bewang. Kundi siguradong wasak ang ganda ko.

Nilingon ko siya agad para sana awayin pero teh! Gulat akek sa feslak ni ate girl. Umurong ang dila kong handa na sana siyang talakan. Sinong matinong tao ang maaatim na awayin ang ganito ka-angelic at flawless na mukha ni Akira? Ito ang unang beses kong makita ang mukha niya ng malapitan at nahiya na agad ang mga pores ko! I can't breath! Too close!

At oo, kilala ko siya. Sinong hindi? Eh peymus 'tong merlat na 'to.

"What do you think you're doing?" Sabi niya kaya natigil ako sa pag-eexamine ng mukha niya. Ano nga uli 'yung tanong niya?

"He? Ene yen 'te?" Pabebeng tanong ko pero jusko day! Tinignan lang ako ng mabilis saka muling tumingin sa kung saan. Nang sundan ko ang kaniyang tingin ay mas naloka ako sa nakita ko at napahiwalay sa pagkakaakap niya.

"Aaahhhhhh! Anong nangyari?!" Napatili ako bigla nung nakita kong nakakalat sa daan ang mga gamit ko. Nagkalat rin sa daan ang ilang bubog galing sa salamin na hawak ko kanina at higit sa lahat, ang make ups and skin care products na siyang paninda ko. Pagtitinda kasi ng cosmetics at skin care products ang part time job ko. Susme! Ang mamahal pa naman ng mga 'to!

"Oh my gosh! Ang mga paninda ko! Waaah!" Nagtititili kong pinulot isa-isa ang mga products ko. Tinulungan naman ako ni Akira girl. Habang nagpupulot siya ay pasimple kong binuksan ang isa sa blush on pero nanlumo lang ako dahil warak warak na siya. Mayghad! Ang mahal nites tapos masasayang lang!?

"Paharang-harang baga ikaw!" Asik nung driver gamit ang hindi ko alam kung aling probinsya na accent. Hindi ko na lamang sya pinansin at mas inintindi ang mga paninda kong nagkalat sa daan.

Abala na kami sa pagpupulot at hindi ko na namalayan si manong driver. Ganon din siguro 'tong si Akira. Napansin ko na lang 'nung narinig ko ang makina ng tricycle ni manong.

"Hoy manong! Teka saan you pupunta?!" Sigaw ko kay manong habang hinahabol siya kaso mas pinaharurot niya ang sasakyan niya. Nakanganga ko na lang na pinanood ang mabilis na pagpapaandar niya palayo sa'min.

Nakakaloka siya! Talagang hindi akes tinulungan! Wala man lang compensation sa mga nasira niya! O kahit man lang sa muntik niyang pagkasagasa sa'kin!

"Her'." Napalingon ako kay bebe girl na mukhang angel ng iabot niya sakin ang bag ko habang sa kabila naman ay ang phone niya. Dito na niya yata nilagay yung mga products. "I'lready inf'rmed t'e police'n what happ'nd t'day and t'at driver's plate numb'r. T'ey said t'ey'll make sure't find t'at guy."

"Ha?"

Te, wala akong naintindihan maski isa! Nakakaintindi naman ako ng english pero hindi ko talaga gets ang sinabi niya dahil sa accent niya. Ang bilis niya pang magsalita. Saka, idagdag na rin na nakatitig lang akes sa mukha niya. I think natulala na akek sa ganda niya at sa luscious lips niya. I don't even know why! I'm a gay for pete's sake!

Is this love at first sight? Char! Wit akes naniniwala sa kacornyhan na tulad niyan!

"Please, speak slower." Pakiusap ko na tinanguan naman niya.

Lovin' The DelinquentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon