Spoken Poetry #9

113 1 0
                                    

Masaya ka na!

Masaya ka na ba?
Dahil may iba na?
Dahil di na ako ang nasa tabi mo?
Dahil malungkot ako?

Masaya ka na ba?
Oo sigurado dahil wala ka ng binibitbit na pabigat sa iyong mga balikat.
O oo ba dahil di ka na makakaramdam ng sakit?
Kahit may iba ka pang rason dasal ko'y masaya ka parati

Nagkamali ako
Pero nagkamali ka rin
Pwede pa namang maayus itong problema natin na ito
Ngunit bumitaw ka

Kada gising ko sa araw-araw ay tinitingnan ko parati ang ating mensahe dati para sa isa't isa
At isang araw ay tumawag at kinausap ako ng kapatid mo
Ikinasal ka na pala noong araw na iyon at sinabihan ako kung dadalo ba ako sa pagbibinyag sa kambal ninyo
Tumulo ang aking uhog at luha

Matagal mo na pala akong niloloko
Sa araw-araw na magkasama tayo'y hindi ko inisip na may iba ka na pala
Kaya naman dali-dali akong pumunta sainyo
At iyon na nga kinamusta mo ko at ganon din ako, nagkamustahan tayo
Napatanong ako sa aking isipan "Masaya ka na ba?"

At hindi ko namalayan na nasabi ko pala talaga
Ako'y nangatog sa kaba
Sa laki ba naman ng asawa mong basketbolista!
At sagot mo'y "oo sobra"

Ako'y napangiti at napaluha sa saya
Sa wakas nalaman ko na din ang kasagutan
Ako'y masayang magpapaalam
Kaya naman mahal ko!
"Paalam"

Spoken Poetry TagalogTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon