The Promise

9 1 0
                                    

Jamie's POV

I'm Jamie Rose Mendiola, 19 years old. Isang masayahing dalaga at mahirap lang ang pamilya namin pero kahit mahirap ako may nagmamahal naman saking isang mayamang lalaki. Yes, ang boyfriend ko ay anak ng Presidente ng isang University at nag mamay-ari rin ng tatlong resorts dito sa Pinas. Madaming hindi sang-ayon sa relasyon namin, ang sabi ng iba, peneperahan ko lang sya pero mali silang lahat. Unang-una, hindi ko sya inakit, sya yung nagkusang lapit-lapit sakin at kahit ako'y hindi makapaniwala na magugustohan nya ako dahil mahirap lang kami. College na sana ako, dahil nakapasok ako sa University kung saan President ang Daddy ni Ace, yung boyfriend ko. Kaya lang ay ayaw ng Mamita nya sakin dahil mahirap lang daw ako at pag ang Lola na nya ang gumawa ng desisyon ay hindi sila pumapalag dahil may sakit ito sa puso at matanda narin. Halos ayaw nya akong makita na tumapak sa sahig ng bahay nila at sinabayan pa na nagkasakit si Mama kaya  ako na mismo yung umalis sa University upang itaguyod ang pag-aaral ng tatlo ko pang kapatid at sa mga gamot narin ni Mama. Si Papa ay may ibang pamilya narin kaya hindi na kami umaasa sa kanya. 

Kahit ayaw ng Mamita nya sakin ay pinagpatuloy parin namin ang relasyon namin dalawa ni Ace. Sweet boyfriend sya, palaging may surprises sa anniversaries namin o kahit walang special occasion ay nag bibigay sya ng flowers at tumutulong din sa gamot ni Mama pero minsan ay hindi ko sya pinapayagan dahil nakakahiya narin sa kanya at sa pamilya nya kaya nag offer nalang sya na maging cook din ako sa isang resort nila. Yes, I love cooking at maraming favorite si Ace sa mga recipes ko at diba, The best way to a man's heart is through his stomach? yun palagi pinapaalala ni mama sakin. 


"Love?" Bungad ni Ace sakin habang nagluluto ako sa kusina dahil marami ang orders ng recipe ko. Sinalubong ko naman sya nang matamis na ngiti.


"Hi Love, anong ginagawa mo dito?" tanong ko habang pinapahiran nya ang pawis ko.


"Just checking on you. I missed my Baby." Paglalambing nya sakin.


"Love, nasa working area pa ako o, maya na tayo mag usap , hindi kita ma eentertain dito." sagot ko at nagpatuloy sa pag luluto. Nakita ako naman syang naka nguso lang. Ang cute haha.



"Sigi, I'll wait outside." I nodded at lumabas na sya.


sunday ngayon at sobrang dami ng tao dito sa resort nila. marami rin orders sa luto ko kaya halos wala naa akong time umupo sa sobrang busy, kahit naman may katulong ako e dapat kayod parin para sa pamilya ko. 

"Pupunta ang big boss dito today. Ihanda ang specialty natin para sa kanya." Rinig kong sabi ng Head Chef. Alam kong ang Mamita ni Ace yung tinutukoy nila. Bigla tuloy akong kinabahan sa narinig ko. Dapat mas ayusin ko yung trabaho ko dito kung malaman man nyang nandito ako.


"Love?" Napalingon ako sa pintuan at nakita si Ace.


"Love, pupun--"


"magbihis kana, may pupuntahan tayo."


"Ha? di pa tapos tra--"


"en-excuse na kita, trust me."


"No, deduction yun love"


"you trust me right?" sabi nya habang hinawakan ang mukha ko, kaya kahit ayaw ko ay hinila nya parin ako palabas. "Kunin ko lang sya Chef Duds" tumango naman yung head chef kahit halata sa mukha nyang hindi sya sang-ayon.

Never forget to remember meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon