Pagpili

5 0 0
                                    


Jamie's POV


Sa wakas, nakauwi narin ako. tatlong araw akong nanatili sa ospital, at dahil gustong-gusto ko ng makalabas ay sinunod ko lahat ng payo nila gaya ng pag inom ng maraming tubig.


"Mama, gusto kong dumalaw kay Ace ngayon." pagpapaalam ko kay mama habang nagtutupi sya ng mga damit.


"Kaya mo na ba anak? baka manginig ka bigla ah?"



"Si mama naman e, napaka praning. Okay na po talaga ako saka may baon naman akong tubig e." sabay angat ko ng water bottle.


"Osya, sige. mag iingat ka ha?"



"sigi po ma, alis na ako." at lumabas na nga ako ng bahay. Alam kong hindi parin papayag ang mamita nya pag makikita nya ako pero gagawa parin ako ng paraan para makita sya. kung kailangan lumuhod gagawin ko.


sumakay ako ng pedicab para magpahatid papuntang hospital. Alam ko may trabaho ako ngayon pero gusto ko parin bumisita muna sa kanya saglit.


ilang minuto ay nakarating narin ako at nag bayad na. Nasa labas palang ako ay kinakabahan na ako sa kung sino man ang makasalubong ko.  


papasok na sana ako ng entrance tapos may nakita akong sasakyan na dumating. Isang pamilyar na sasakyan.



"You again?" halos hindi ako makagalaw ng makita kong ang mamita nya ito. AGad naman itong bumaba at inilalayan ng mga guard nila. "I told you I don't want to see your face again. Can't you understand?"



"Ma'am good morning po. gusto ko lang pong dalawin ssi Ace, gusto ko malaman kalagayan nya, kahit ngayon lang." pagmamakaawa ko.



"Jamie, diba may work ka ngayon?" tanong ng mommy nya sakin. "Why are you here?"



"Dumaan lang po ako dito sandali dahil gusto ko makita si Ace." sagot ko habang nakayuko.



"he's doing well na. I know my grandson is a fighter, lumalaban sya, wala ka ng dapat ipag-alala, you may now go." sabi ng mamita nya sakin.



"please Jamie, just go." sabi ng mommy nya sakin. alam kong wala rin syang choice since si ma'am caroline na ang nag utos.



"Kahit sandali lang po please...please." at lumuhod na ako. wala akong pakialam kung maaga pa at kung ano mang sabihin ng mga tao basta alam kong gusto ko yung ginagawa ko.



"My goodness. Guards, please, kayo na ang bahala." utos ni ma'am caroline sa mga guards nya at pumasok na sa loob kasama ang mommy ni Ace.

Never forget to remember meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon