fresh start

4 0 0
                                    

Jamie's POV

"I'm sorry pero mahal ko sila pareho.." sabi ko habang umiiyak parin


"we can take care of our son. Think of your mother and sister, iisipin mo parin ba ang taong hindi mo kadugo habang ang mom and sister mo ay mas kailangan ka?"


sinabunotan ko ang sarili ko at sobra ang aking panginginig dahil sa hindi ko na talaga alam ang gagawin ko.


"Pero-"



"Atee!!!" napalingon ako sa exit nang makita si Grace "Si Steph..." sabi nya kaya mas kinabahan ako.


"Seems like your sister needs you now. No If's no but's, I'll take care of everything. Hospital bills and all." sabi nya at naglakad papasok ng hospital habang naiwan akong umiiyak at tumango-tango. 


---

nakatulala nanaman ako sa kawalan habang naaalala ko ang nangyari four years ago. Oo, Kailangan ko ng kalimutan si Ace dahil wala na akong ibang choice kundi ang taposin lahat saamin. Dahil sa ginawa ko ay gumaling si Steph at si Mama rin ay naka recover na pero hindi fully recovered. Balita ko nun si Ace ay dinala sa Canada ng kanyang pamilya nung gumaling sya kaya simula non wala na akong narinig tungkol sa kanya. Namimiss ko sya pero binabaling ko lang ang atensyon ko sa ibang bagay. Umalis naako sa trabaho nung nakalabas si mama dahil sobrang gulo ng isip ko nun at hindi ako makapag isip ng matino kaya naman lumayo ako sa mga bagay na may koneksyon sa kanila. 


kung nasan man si Ace ngayon sana ay nasa mabuting kalagayan sya at kung kami talaga ang nakatadhana ay alam kong mag cocross ang landas namin ulit.



"hi ate..." sabi ni Steph habang tumakbo papunta sakin at niyakap ako.


"O...ang baho na ng baby namin..." sabi ko nung naamoy kong amoy araw sya.


"maliligo na po" sabi nya at tumakbo papalayo. 


nasa kusina ako at nag pa-pack ng brownies kasi maraming orders sakin. Oo, gumawa ako ng business ko na sa bahay lang para may pang tos-tos sa pamilya.



"Tao po!!!" napangisi naman ako kasi nandito na yung delivery boy ko. Yung dumedeliver ng orders ng costumers. Agad pinagbinuksan ni Grace at lumapit naman ito saakin.



"Ready na ba ang another set?" tanong nya at tumango naman ako habang binibigay sa kanya ang limang box ng brownies. "Sabi nung isang costumer oorder daw sila ng cake sayo. Yung fondant daw."


"grabe yung blessings natin ah?" sabi ko at nag apir kami.



"Ikaw kasi sobrang galeng mag luto, saka maganda pa kaya sumasarap lalo ang gawa."


Never forget to remember meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon