Curious Jamie

3 0 0
                                    

Naging maganda naman yung kalabasan ng training namin dalawa ni Syd. Sabi pa nga ni Jellie ay hindi lang daw namin ipagsasabi na hindi na kami dumaan sa pag a-apply para hindi sasama ang loob ng ibang dumaan sa pag a-apply.


Nag cross-training ako dahil sa kagustohan ni Jellie. Sabi nya may tiwala sya sakin in case of emergency kaya na train ako sa ibang tatrabahoin sa Cafe gaya ng Hosting and greeting, Food prep, at bar-tending. Sa orientation din namin ay na discuss din ni Jellie ang tungkol sa Sick leave at Vacation info tapos ang goals at vision rin ng Cafe at tinuruan din kami sa procedures sa pag luto ng mga pagkain at drinks din nila like Frappe at iba pa. Ang panghuli ay ang tour sa bawat sulok ng Cafe. Hindi naman sya mahirap sundin lahat kaso kinakabahan lang ako kasi ganon nalang yung tiwala ni Jellie sa kin kahit hindi pa ako masyadong na eexpose sa mga ganitong gawain.


kasalukuyan akong nag aayos sa bag na dadalhin ko ng nag text si Syd. bago ko buksan ang text nya ay nakita kong ang daming missed calls galing ky Jellie. Nakita kong oras na sobrang late na talaga ako! kung minamalas ka nga naman o.


From: gwapong delivery man

andito na ako sa labas, antay nalang ako dito. Kanina pa nagsimula yung event at tapos na ang speech nung owner.  



Halos lumipad kaluluwa ko pagkatapos itong mabasa. Grand Opening kasi ngayon at napuyat ako kagabi dahil sa ginawa kong script dahil ako yung na assign na mag introduce sa mga costumers about sa menu ng Cafe. Saka, gusto ko rin sana makita yung owner e, gusto ko sya makilala para magpasalamat dahil pumayag sya na tanggapin ako sa cafe nya. Tapos kong ayosin ang mga gamit ko ay nagpaalam na agad ako sa mga kapatid at ky Mama tapos nagmadaling lumabas.


paglabas ko ay naabutan ko agad si Syd na ngiting ngiti sakin. Di ko maitatanggi na mukha syang tao ngayon. hmm. Palagi naman siguro  pero ngayon ang gwapo nya lang kasi. Hekhek, landi sis kahit late na.



"naks, parang head chef ah?" sabi nya habang hinead to foot ako tapos kinindatan pa ako. Loko na! na conscious na tuloy ako sa sarili ko, kakabaliw na mga banat neto simula nakaraang linggo e, di naako tinigilan.



"ano bang special dito sa suot ko? Uniform lang naman to." sagot ko at tiningnan ang damit ko.


"wala naman sana. naging special lang nang suotin mo." sagot nya kaya natigilan ako. Heto nanaman sya, pinapainit na naman pisngi ko. ilang segundo din kaming natahimik dalawa kasi ang awkward talaga. "Ahmm,, tayo ka nga dyan. picturan kita."


"Huh? ano ba sobrang late na natin. san mo ba nabalitaan na tapos na sa speech ang nagmamay-ari?"


"nakita ko sa page nila pero hindi pinakita ang mukha ng owner parang mysteryoso e." sagot nya.


"Osya alis na tayo!" sagot ko at umangkas na sa motor nya na agad naman nyang pinaandar.


buti nalang ay hindi traffic kaya nakarating kami agad sa Cafe. ang daming balloons at confetti, halatang tapos na nga ang speech nya. Sobrang daming tao kaya nahirapan akong pumasok. Kasalukuyan akong nag eexcuse sa mga tao nang makita si Jellie.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 27, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Never forget to remember meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon