The Stranger

3 0 0
                                    

Jamie's POV


nasa canteen ako ng hospital dahil binilhan ko ng tubig ang Mommy ni Ace dahil sa sobrang iyak neto ay hindi na halos maka hinga pa.


"Isa po Miss." sabi ko sa nagtitinda at inabot ang bayad. "salamat" sabi ko nung nakuha ko na yung tubig.


nagsimula na akong naglakad palabas ng canteen para tumungo na sa kinaroroonan ni Tita kasi nag aalala narin ako sa kalagayan nya.


"What are you doing here?" Napalingon ako sa nag salita sa tapat ng entrance. Nakita ko ang Mamita nya kaya kinabahan ako bigla. 



"Mami....Ma'am" Tanging naisagot ko sa kanya. halos maging yelo na ako sa kinatatayuan ko ngayon habang kaharap ko ang Mamita nya. "Ma'am...nabalitaan ko rin kasi yung nangyari kay Ace at nag aalala rin ako sa kanya kaya pumunta rin ako dito." sabi ko ng nakayuko.



"well, we don't want your presence here." sagot nya kaya napatingin ako sa kanya.



"Per--" Tita Stella cut me off.



"Mama, nandito  ka na pala." She said habang nagpa lipat lipat ng tingin samin dalawa ng Big Boss. 



"Why is she here? wala akong maalala na sinabihan ko syang papuntahin dito." sagot  ni Ma'am Caroline, ang mamita.



"don't worry Mama uuwi narin po sya. Umupo muna kayo." sabi ni Tita at tumingin saakin. "ahm, Jamie, thank you for coming here with me, and marami narin naman kami dito so pwede ka na umuwi, ayaw narin naming makaabala pa. Our family will handle this, don't worry." she said then smiled at me. Alam kong ayaw nya lang sumama yung loob ko kaya dun nya dinaan e. Pero para respeto narin ay pumayag narin ako. 



"Ito pala yung water, Tita." sabi ko at inabot sa kanya ang bottled water.



"Thank you for this, you may now go. Gusto mo bang ihatid ka ng drivers namin?"



"Naku! wag na po, may pamasahe pa naman po ako dito, mauuna na po ako." pagpapaalam ko at nung napatingin ako ky Ma'am Caroline ay nakita ko kung gaano nya ako tingnan ng masama kaya umalis na agad ako ng hospital.



sobrang bigat ng pakiramdam ko. hindi ko man lang nakita yung pinakamamahal ko na nakahiga sa ospital habang lumalaban para sa buhay nya. 


naglakad lang ako ng naglakad hanggang sa makarating ako sa Tanawin park. Nandito parin yung dalawang sasakyan, at nanlumo ako nang nakitang sobrang sira ng sasakyan ni Ace. pinag ipunan nya yun na sasakyan e. Napahawak nalang ako sa bibig ko dahil tumulo na nang kusa ang mga luha ko. Dahil sakin to. I'm so sorry Love.

Never forget to remember meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon