Arroz Caldo

6 0 0
                                    

Jamie's POV


ubo ako ng ubo habang nakapulopot ang kumot saking katawan. Giniginaw ako nang sobra at pakiramdam ko ay nilagnat ako. Biglang pumasok si Mama sa kwarto na may dalang tray.


"Anak naman, ba't ka ba kasi nag paulan alam mo namang uso ang magkaroon ng sakit ngayon, di mo naman iniingatan katawan mo e. Pano ka pa makakapunta nyan sa ospital?" hindi ko alam kung anong isasagot ko kay Mama dahil ngayon ay hindi na ako makahinga sa sobrang pag iyak. Nakabarado na ang sipon sa butas ng ilong ko.



"Ma, nakausap ko yung anak ng driver nung isang sasakyan na naka bangga kay Ace." Nakita ko naman ang pag aalala sa mata ni mama.


"Oh? babae ba? e umiyak yun ng todo?"



"Lalaki po ma.. nakalimotan ko nga tanungin pangalan nya e." tas umubo ako ulit.



"saka nga pala anak, may nagpapabigay ng arroz caldo, kaibigan mo daw sya, hindi ko na natanong pangalan kasi nagmamadali dahil basang-basa narin sya sa ulan e. Lalaki yun nak" Nagtaka naman ako kung sino yung tinutukoy ni Mama. hmmm, baka sa Lito nanaman yun.


"Saka nga  pala Ma, nabasa ng ulan yung phone ko. ilagay ko daw sa ilalim ng bigas ng isang linggo."


"sino may sabi nyan?"



"Yung lalaki kanina ma. Alam mo..." tumigil mo na ako para pahiran yung sipon at luha ko. "Sya yung nawalan pero sya pa yung nagpapagaan ng loob ko. Marunong syang magdala nang emosyon nya ma..." Tapos umiyak ulit ako kaya niyakap na ako ni Mama at niyakap ko rin sya.



"Shhh tahan na.."



"Ma...Hindi ko magawang hin---di mag al--.la ky A--ace ma--e." Tapos tumulo na nang sobra ang sipon ko kasi hindi ko na ito mapigilan dahil hindi narin ako makahinga.



"Tahan na nak ang taas na ng lagnat mo." Sabi ni Mama habang nakahawak sa noo ko.



"Ma, gusto ko puntahan si Ace Ma." Sabi ko at tiningnan sya.



"May lagnat ka nak, ipagbukas mo nalang o sa makalawa nak. Alalahanin mo naman sarili mo." at niyakap nya ako nang mahigpit.



"Ate?" Biglang lumabas si Steph mula sa Pinto, ang bunso samin magkakapatid. Dali-dali syang tumakbo papunta sakin at niyakap ako. "Ano nangyari kay Kuya Ace? okay na po ba sya?"



"Nasa ospital pa sya steph, nagpapagaling." 

Never forget to remember meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon