25

182 4 1
                                    

Dinouble check ko pa muna sa phone ko kung tama ba yung studio na napuntahan ko sa sinend sakin ni Henri. Mukhang tama naman.

It was a quaint studio, sa taas ng isang complex along a commercial road. Pero mukhang medyo bago pa dahil mukhang bago pa ang gamit at pintura, at nakasalansan lang ang ilang construction materials sa gilid. Sa labas pa lang, rinig ko na ang tugtog.

Kumatok muna ako bago buksan ang pinto. Isang lalaking nakatalikod ang kasalukuyang sumasayaw. Base sa porma at pigura, halatang hindi si Henri.

Shit. Tatakbo na ba ko?

Kaso pucha too late for that—our eyes met through the mirror. Natigilan siya sa pagsayaw at tila slow-mo pa ang pag-ikot nang humarap sakin. Naka-maluwang na sleeveless shirt tsaka pants at rubber shoes.

Shit shit shit. Tumatagos ang titig niya. Nanlalamig ang kamay ko.

"Si H-henri?"

Nangunot ang noo niya. "Ikaw ang pinapunta ni Henri?"

"Obviously," uh teka maling sagot ata 'yun. "Kailangan daw niya ng sub sa partner niya kasi daw na-aksidente?"

Patagal nang patagal lalong lumalalim ang kunot ng noo niya. Wow ha? Sobrang naiinis ba siyang nandito ako? Parang nung isang linggo lang—ugh, nevermind.

"Bakit ikaw?" Simangot niya pa, sabay hakbang patalikod para patayin yung tugtog. Inabot niya rin yung tuwalya na nasa bench sabay punas ng pawis. Hinagod niya pataas sa braso at sa leeg at tsaka ko narealize na hindi ko dapat siya tinititigan nang matagal.

Nag-concentrate na lang ako sa sinasabi niya. "Bakit di ako? I'm most familiar with the routine aside from the few tweaks na gagawin."

Parang offended pa siya na ako yung sasayaw?

"And you're okay with this? With our history?" naupo siya sa bench at nag-angat ng tingin sa'kin.

I shifted my weight and raised an eyebrow. History? OA. Kala mo naging kami. Tsaka anong kinalaman ng kami sa pagsayaw ko kasama si Henri? "Why not?"

Matagal siyang nakamasid sakin bago maliit na umirap at dinukwang ang sariling phone. Tuluyan na kong pumasok sa loob ng studio at ipiniid pasara ang pinto.

"Inyo ba 'to?" Magaan kong tanong, nililibot ang paningin sa paligid. Neutral lang ang colors ng dingding pero may street art style sa bandang taas. Ipinatong ko muna ang sling bag na dala sa gilid.

"Oo," maiksi niyang sagot, nilibot din ang tingin sa paligid bago ipinahinga ang tingin sa'kin. "Magsimula na daw tayo kahit wala siya."

Teka hahahaha no way. Sasayaw, kaming dalawa lang? Dito? Nang walang ibang kasama? "Hindi ba darating si Henri?"

"Bat mo ba siya hinahanap?" Inis niyang tanong. Hala 'to. Bakit siya naiinis?

"Bakit ka galit?" May nagbago ata sa hangin dahil sa tanong ko.

"Gusto mo talaga malaman kung bakit ako galit?"

Parang umatras lahat ng ipuputak ko sa kanya. Seryoso at masyadong nakakapaso ang titig niya para salubungin ko nang walang takot. Duwag, duwag, duwag.

Nakagat ko ang dila ko at umiling na lang. "Paano namin mapapractice yung choreo at blocking kung wala siya dito? Di ba siya ang ka-partner ko?"

Huminga siya ng malalim.

"He's not."

"Ha? Pero sabi niya..." I trailed off with wide eyes nang ma-realize kung anong nangyari. Shit. Shit, shit, shit, fuck. Set-up 'to? Gago? "Puñeta."

"Kaya hindi mo siya kailangan ngayon dito, Selene," the way my name rolled off his tongue sent shivers down my spine. Bakit? Bakit ang lakas ng epekto sakin ng taong 'to? Ano ba siya? "Ako. Ako lang."

Pinaningkitan ko na lang siya ng mata na parang di ako kinakapos ng hininga sa bawat titig niya. "Edi wow."

"Walang hiyang Henri 'yon," I hissed, fumbling to get my phone. "Lakas ng trip ni gago ampota."

"Hindi siya sasagot," irap ng kasama ko. Maka-attitude kala mo kung sinong matangkad. "Kanina ko pa tinatadtad ng messages pero hindi sumasagot."

"Okay lang naman kung magbaback-out ka," kaswal niyang saad, sabay tayo ulit at punas sa noo. "Pasara na lang ng pinto paglabas mo."

I was not gonna lie. His dismissal hurt a little. Pero baka dahil lang 'yon sa na-offend ako. Parang siya naman ata ang may ayaw na nandito ako, hindi naman ako.

Pambihira naman. Pano 'yon kung umalis nga ako? Magso-solo siya? O hahanap pa sila ng ibang ka-partner niya? Pero limang araw na lang!

I took a deep breath and started removing my jacket. I didn't miss the way his eyes trailed over my exposed shoulders and arms. Pinilit niyang iiwas pero nahuli ko na siya. Kunwari na lang di ko napansin.

Yan. Para quits lang. Akala niya siya lang may magandang balat?

"Sino may sabing magbaback-out ako?"

-------------------------------------------

strange love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon