54

187 11 3
                                    

This was one of my most creative schemes yet—and by creative, I mean almost crazy.

Napapaligiran ang entrances ng ospital ng media. Hindi ko pwede ipakita ni anino ko kung hindi ma-cocorner ako. I need to find another way to enter, kaya I devised a plan.

Sinalubong ako nina Henri at August sa basement parking ng ospital, kapwa nakasuot ng scrub suit at may face mask. Pero kahit natatakpan ang mukha niya, halata pa rin ang simangot ni August.

"This is ridiculous," he sighed, while I surreptitiously glanced around before sitting on the stretcher. "How did you even think of this?"

"Talented ako," kindat ko sa kanya, pero lalo lang lumalim ang simangot niya. Di pa ata naniwala ampota. "Wag ka na magreklamo diyan, nag-g ka na eh."

"Oo nga August," gatong pa ni Henri, halatang nang-aasar. "Ang cute mo pa naman sa scrub suit mo, mukha kang nag-straight 72-hour shift."

"Fuck off," singhal niya dito. Ubod ng sungit talaga. Hindi mo aakalaing siya yung nakiusap sakin tungkol kay Jonas. May angking sweetness din na tinatago eh.

Dahan-dahan na lang akong humiga sa stretcher at idiniretso ang katawan. Si Henri ang nagtaklob sakin sa ilalim ng makapal na puting kumot.

"This is the last time I get involved in a ridiculous scheme like this," bulong ni August, at narinig ko na pang na sumara ang pinto ng van na pinanggalingan ko.

I was nervous. How could I not be? Ni hindi ko alam kung nakita na ba ni Jonas yung tweet ko from the only account he hasn't blocked—probably because he forgot. I'm not sure what I'm going to do or how I'm going to react if he decides he doesn't want anything to do with me anymore.

It's all going too fast, but I can't deny what I feel anymore.

I don't want to deny it.

"Excuse me," sinadya ni Henri na palalimin lalo ang boses. Paniguradong nasa entrance na kami kung nasaan ang media.

Mas konti naman na sila compared sa kanina bago ako mag-tweet. Malamang ang iba, pumunta sa EZEM para kunin ang statement ko o ng management. Wala naman silang makukuhang sagot.

Nung huling meeting, I confirmed Jonas and I's relationship, but I told them not to say anything muna, especially since nagpapagaling pa si Jonas. Malay ko bang pagkatapos ng meeting ibablock pa ako ni gago.

Okay, so maybe unfair na tawagin ko siyang gago since may kasalanan din ako.

I kept going over the things to say in my head, how I was going to do it. Madaldal naman akong tao-- oo na, aminado na ko 'don--pero pagdating sa kanya natutuod ako. Nauubusan ng sasabihin. San ba ko magsisimula ng paliwanag?

"Sel, we're almost there," rinig kong bulong ni Henri.

Wala akong ibang magagawa kundi maghintay.

Fortunately, wala namang ibang naging aberya. Rinig ko ang pagpihit ng pinto at ang paglakas ng tunog ng TV. Mas malamig na rin, kaya ang ibig sabihin... nasa loob na kami ng kwarto?

"Nurse paki—what the fuck?" bulalas ng boses ni Jonas. "Ano na namang trip niyong dalawa?"

"Wag ako ang tanungin mo," kahit di ko siya nakikita halata ang simangot ni August. "Puro mga sinto-sinto ang nakapaligid sa'yo."

"Ehem," singit ng boses ni Henri. "Nakapaligid ka rin sa kanya, ibig sabihin sinto-sinto ka rin?"

I could imagine the amused smile on his face nang bumaling siya kay August para sumagot. "May point siya."

"Shut up," August advised, papalayo ang boses. "Nagbukas ka ba ng social media?"

"Pinagbawalan niyo kaya ako," halata ang simangot sa boses niya. "Pano ko magbubukas?"

strange love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon