58

179 5 0
                                    

"Hello, worrywart."

I lifted my gaze off my phone at sinalubong ng simangot ang bati ni Jonas. Nakasuot na siya ng casual clothes at mukhang mas nakapagpahinga, pero may benda pa ring nakakabit sa ulo niya. Bigla din siyang humalik sa sentido ko kaya namula ako sa pagkapahiya. Si Cloud, na nasa likod niyang bitbit ang gamit niya, nakangisi lang sa'kin.

"Ang tagal niyo," reklamo ko na lang, dahil panigurado kung may iba pa kong sinabi pang-aasar lang ang aabutin ko sa kanilang dalawa.

"Nag-usap lang kami saglit," kibit-balikat ni Cloud. Nagpalitan pa muna sila ng tingin ni Jonas bago tumango ang huli.

"Tara na, baka maabutan pa tayo ng humahabol sa inyo." Nagpagtiuna na ng lakad si Cloud, pababa ng hagdan.

Nang sumulyap ako kay Jonas, ngumiti lang siya sa'kin at umakbay, tsaka kami sabay na naglakad. "Anong pinag-usapan niyo?"

"Stuff," humalik ulit siya sa sentido ko. Aware kaya siyang nakakarami na siya?

"Yeah what kind of stuff?"

"Stuff," he repeated, at dudukwang ulit ng paniguradong halik, pero naiiwas ko ang ulo ko at pinaningkitan siya ng mata. "Umiyak ka 'no?"

Wala naman talagang bakas ng luha o signs na umiyak siya, but it looked like he didn't want to talk about it. I won't force him to share if he doesn't want to. Kanila na lang 'yon if he wants to keep it.

"Hindi ah," but he cleared his throat.

"Okay lang umiyak, ano ka ba."

"Alam ko naman," kumulit ang ngiti niya. "Iniyakan nga kita."

"Bat mo ko iniyakan, patay na ba ko?"

"Hindi," iling niya. "Muntik ka na mawala sa 'kin eh."

Naiilang akong nag-iwas ng tingin. "Eh di quits lang."

"Ha?" Yumukod siya at mas nagsumiksik sakin kaya lumiit yung hakbang na pwede naming kunin. "Di ko marinig? Ano ulit?"

"Kako eh di quits lang!" Nilakasan ko ang boses ko at pinalis ang braso niya, sabay lakad nang mabilis para mauna na ko sa kanya. Jusko, pakiramdam ko kumukulo na 'yung mukha ko sa sobrang init.

Nahihiya ba ko? Hindi naman ako sanay na nahihiya! Di lang siguro ako sanay... na pwede palang makaramdam ng ganito. Na pwede palang ganito kami. Even if it felt embarrassing and borderline humiliating at times, I don't want to trade this for anything else. Sana.

I heard him laugh freely, and his hands reached out and intertwined with my fingers. Lumingon ako sa kanya nang nakakunot ang noo. Nasa likod ko pa rin siya kaya nasa mas mataas na baitang siya at nasa mas mababa ako. Sa ganitong anggulo, parang halo 'yung ilaw sa likod niya.

"PDA ka," sabi ko na lang.

Maliit siyang ngumisi at humakbang papalapit, hanggang wala nang baitang sa pagitan namin. "Ngayon ka pa nag-alala sa PDA sa dami na ng ginawa natin? Holding hands lang 'to oh?"

"Puro ka harot," irap ko, dahil panigurado pinamumulahan na naman ako ng mukha. Hinatak ko na lang siya pababa pero di na rin ako bumitaw sa kamay niya.

Sa may kotse na namin naabutan si Cloud, na mukhang kakatapos lang ilagay 'yung gamit ni Jonas sa trunk ng sasakyan. Natigilan siya nang makita kami, nakapako ang mata sa kamay namin. Bibitaw sana ako pero mas humigpit lang ang kapit ni Jonas sa'kin at ngumiti nang makulit nung sinamaan ko ng tingin.

"Respeto naman sa single," mapang-asar niyang ngiti. Nakipag-apir sa kanya si Jonas habang hila-hila ako sa isang kamay.

"Kailangan ko na umalis," sumandal si Cloud sa kotse at binato ang susi sa'kin. "May meeting pa ko."

"Hatid ka na namin?"

"Hindi na," iling niya. "Nasa labas lang sundo ko. Bye, ate."

Humalik siya sa pisngi ko at tinanguan si Jonas bago naglakad palayo. Pagharap ko kay Jonas, nakakunot ang noo niya habang nakamasid sa'kin. "That feels weird to watch."

"We're siblings."

"I know," tango niya. "But it's still weird."

"Don't think too hard about it, your brain might fall off," pang-aasar ko, but he just made a face at me and rode in the shotgun seat.

Naiiling na lang akong sumunod sa kanya.

-----------------------------------------------

The drive to his dorm was silent, maliban sa music na tumutugtog. Hindi pa rin siya nakabitaw sa kamay ko kahit nakatulog siya habang nasa biyahe kami.

Unfortunately, when we arrived, hordes of reporters were camped right outside his building. I had no choice but to stop the car meters away. Buti na lang dark tinted ang sasakyan.

"Moo," I squeezed the hand holding on to me to wake him up. "Hey, Jonas."

"Hmm?" Dahan-dahan niyang idinilat ang namumungay pang mata. Wala sa lugar pero pakiramdam ko may humahalukay sa tiyan ko habang pinagmamasdan siyang ganito. Natural. Akin.

"May reporters sa labas ng building niyo," paliwanag ko, kesa paliwanag ko pa kung bakit nangingiti ako habang nakatitig sa kanya. "What are we gonna do?"

Kunot-noo siyang sumilip sa labas ng bintana at bumuntong-hininga. Sasandaling nagkalikot ng phone panigurado para i-message ang mga kaibigan niya. That gave me an idea so I sent messages to the girls too, but like this building there were reporters over at our building too.

"We can't go in," iling niya pagkaraan ng ilang segundo. "Kahit sa back entrance may nakaabang. Sa basement din may nakabantay."

"Is that legal?"

Mapakla ang ngiti niya. "Probably not."

"Ganito din daw sa condo namin," I put down my phone and noticed his lighting up, but he just let the call go to voice mail. "Aren't you gonna answer that?"

"Manager lang namin 'yun," he sighed. "Sasabunin lang naman ako ulit. I know what he's gonna say and I don't want to hear it yet."

"About that," I swallowed, completely turning my attention to him. "I think we--"

He cut off my sentence with a sudden kiss. Literal na dumampi lang ang labi niya sa labi ko with a smack. Nanlalaki ang mata akong umatras. "Hey!"

"I know what you're going to say too," his voice turned more soft. Mas masuyo. His eyes too. Alam kong wala akong laban especially when he held both of my hands in his. "Pero wag muna, please? Wag muna."

"Anong gusto mong gawin natin?" maliit kong tanong, nakatitig sa mga mata niyang sa'kin lang nakatingin.

He glanced at the camp of reporters outside. Tapos madali lang din na ibinalik ang tingin sa'kin. His smile spelled trouble I was too willing to go through.

"Let's run away."

--------------------------------------------------

sofia: HALA NAGTANAN

strange love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon