Iiwas na ko dapat agad pagkatapos ng performance namin.
Madaming tao. Madaling umiwas at lumusot kung saan-saan, pero naknampota bantay sarado ako. Di ko alam kung sinasadya niya o ano, pero dahil nakalapat yung kamay niya sa likod ko pagbaba namin ng stage, mahahalata niya pag umalis agad ako. Iginiya niya pa ko sa tent niya sa backstage, kung saan naghihintay yung glam team niya at si Henri, na busy sa cellphone. Umangat lang tingin niya nung pumasok kami ng tent.
"Nice work!" Magiliw niyang bati, na nakipag-apir kay Jonas bago itaas ulit ang kamay para sa'kin, pero inirapan ko lang siya.
Akala niya nakalimutan kong nagsinungaling siya sa'kin? Lol no.
"Galit ka sa'kin?" pout niya, na halatang nangungulit lang, kaya sinimangutan ko lang siya at pabirong sinipa nang aamba siya ng yakap. "Sorry na Sel! Alam mo namang mahal na mahal kita—"
Natigilan siya at napatingin sa likod ko, naging mas pilit ang ngiti. "Pero mas mahal ko si Jonas kaya lalayo na nga ako eh hehe."
"Aw, okay lang yan," I gave him a sarcastic smirk. "Tanggap pa rin kita kahit ano ka pa."
He pressed a hand on his chest na parang sobrang na-touch siya sa sinabi ko, kaya natawa ako.
"Aray!" Bigla siyang napayuko hawak ang likod ng ulo niya kaya hindi ko napigilan ang lalong paglakas ng tawa ko. Binatukan siya ni Jonas gamit ang isang plastic bottle na walang laman. "Oy!"
"Ay, di kita nakita," straight-faced na sagot ni Jonas, sabay abot sa'kin ng boteng may tubig na tinanggalan niya na ng seal. Inabot ko ang tubig at uminom saglit. Bahala sila magharutan diyan.
"Laki-laki ko dito 'di mo ko nakita?" May hinanakit na himutok ni Henri, hawak-hawak pa rin ang batok niya. "Palibahasa kay Selene ka lang nakatingin!"
Puta. Naibuga ko yung iniinom kong tubig at suminghap habang pilit pinapaba ang tubig sa lalamunan ko. Agad nakadalo si Jonas sa'kin at tinapik ang likod ko. Si Henri, the gago, natutuwa lang kaming pinanood.
"Balik na ko 'don, baka namimiss na ko ni August," giliw niyang tawa, at palihim ko pang naisingit yung 'pakyu' ko bago siya makaalis, pero tinawanan lang ako. Ang gago talaga.
"San mo nahanap yung mga kaibigan mo at bakit ang gago nila?" Matalim kong tingin kay Jonas, pero nagkibit-balikat lang siya sa'kin. "I didn't find them, more like they found me."
Kung may mukha lang na pwedeng ipahatid ang "???" yun siguro ang expression ko ngayon. Pero mahina lang siyang natawa. "Great job today. Thank you for cooperating."
Bakit ganyan siya magsalita? Kulang na lang '- the Management' sa dulo.
"You didn't mess up more than twice," dagdag niya pa, kaya mas lalong gusto kong makipag-apir. Sa mukha niya. Gamit upuan.
"I didn't mess up at all," pinandilatan ko siya ng mata. Hayop na 'to. Wala kaya akong mali! Kahit yung mga maliliit na kilos na turo niya nasunod ko lahat!
Nagkibit-balikat lang ulit siya.
HAYOP. LORD GRANT ME PATIENCE.
"Ewan ko sa'yo," singhal ko sabay talikod na.
"San ka pupunta?"
"Aalis na!"
"Saan nga?"
"Wala kang pake!" tuluyan na kong humarap palabas ng tent at halos mabundol ang taong papasok. Pamilyar ang amoy at tangkad. Lumamig ang palad ko sa takot at dahan-dahang nag-angat ng tingin.
Shit. "Cloud."
"Andito ka pala," kaswal niyang sabi, malamig ang tingin sa'kin bago tumingin sa likod ko. Napakagat ako sa labi at tinapunan ng tingin si Jonas, na nanunukat ng tingin sa aming dalawa ni Cloud.
BINABASA MO ANG
strange love
Fanfiction[COMPLETED] Hating you would've made everything easier. - Selene Prieto Watch Selene and Jonas do everything it takes to keep their love a secret in a world where cameras make the rules. Forbidden makes it more exciting, doesn't it? Selene Prieto ×...