🍁Chapter 1🍁

20 0 0
                                    

Happy Reading!!

"Angel..mamaya pag-uwi mo, bigyan mo'ko ng pera." narinig kong sabi ni Mama. Napahinto ako sa paghakbang...

"Pero..kabibigay ko lang po diba?" napatigil naman sa pagtitimpla ng kape si Mama..at tumingin sa'kin.

"Binili ko kasi ng bag si Shandrice, eh medyo mahal yung napili nya..kaya naubos agad." sa kalagitnaan nang pagsasalita ni Mama..bumaba ang mga mata ko sa sahig.

Si Shandrice..si Shandrice na naman. Lagi na lang.. Ako, kahit kailan di nya inalala.. I'm providing my own needs..and their needs..pero ako pa yung hindi niya nakikita.

"Angel..Angel nakikinig ka ba??" bumalik ang tingin ko kay Mama..

"Opo..Sige Ma..alis na'ko." masigla kong sabi habang may masiglang ngiti sa labi..

"Sige..yung pera wag mong kakalimutan!" kasabay nang pagtalikod ay ang pagkawala ng emosyon ko. Nakakuyom ang palad na naglakad ako paalis ng bahay..

I'm mad... and this is not good.




Pagdating sa school..bawat makasalubong ko nginingitian ko. Kahit masakit sa panga, ginawa ko pa rin.
Pagpasok ko sa room si Kate agad ang sumalubong sa'kin..

"Angel! Mamaya sama ka sa'min ahh..punta tayo sa Devil's Haven." ngumiti ako sa kanya sabay iling..

"Sorry Kate..may kailangan kasi akong gawin eh.." nag-pout sya..

"Sige na..malapit naman na yung birthday ko eh, ito na lang gift mo sa'kin..please.." pinagsalikop nya pa yung dalawa nyang kamay at nag-puppy eyes..

"Sorry Kate..hindi talaga ako pwede, sa susunod na lang.." pagkasabi ko non ay bumagsak ang balikat nya at umayos sya ng tayo..

"Tss..kj talaga kahit kailan.." sabi nya bago umalis.

Imbes na sumimangot ay napangiti pa ako..

If I know..pagtitripan lang nya lang ako don. Knowing Kate..masyado syang pabida at mataas ang tingin sa sarili. Sabagay, mapera sila..may maipagyayabang, ang kaso...yon lang din yung dahilan kung bakit ang dami nyang kaibigan. Sana..aware sya don.

Mabilis na natapos ang klase at kagaya ng lagi kong ginagawa..pumunta ako sa lugar ng kalungkutan. Dito..tanaw mo yung buong bayan, at mas nakikita mo ng malapitan ang langit.

Umupo ako sa ilalim ng puno at sumandal. Pinagmasdan ko kung paano lumubog ang araw at dinama ko ang pag-ihip ng hangin.
Kung tutuusin maganda ang lugar na ito.. tahimik lang at payapa. Pero..iyon din ang dahilan kung bakit ito nagiging malungkot.

Ako lang ang tumatawag dito sa ganoong pangalan. Kasi sa totoo lang..never pa akong pumunta rito ng masaya. Hindi ko na nga rin matandaan kung kailan ko huling naramdaman ang bagay na yon.

Pero kahit ganon, gusto ko pa rin sa lugar na'toh.. kasi dito, malayo ako sa mga taong dahilan kung bakit malungkot ako..at nahihirapan.

Kinuha ko sa bag yung cellphone ko at isinaksak don yung earphones. Makikinig ako ng music, sa ganoong paraan na lang nababawasan yung bigat sa loob ko.

Nagplay iyon ng kusa..at unang line palang..napapikit na agad ako..

"Now playing: In my Blood by Shawn" Mendes

Bakit ang unfair nila? Bakit yung mga responsibilidad na dapat sa kanila ..ako yung gumagawa?? Bakit kailangang ako ang mag-provide para sa mga pangangailangan nila??

Stone Hearted AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon