🍁Chapter 5🍁

13 0 0
                                    


Happy Reading!!



"What screws us up most in life, is the picture in our head of how it's supposed to be.." tahimik kong binasa ang mga katagang iyon.

Totoo naman diba? Pero anong magagawa ko? Masama bang mangarap? Feeling ko lang naman kasi hindi ko deserve yung buhay na'toh. I know my worth, pero minsan napapaisip na rin ako..ano nga ba ang halaga ko sa mundo? Bakit nga ba ako nandito?

What is my purpose??

Ang daming tanong na umiikot sa isip ko na hanggang ngayon wala paring kasagutan.

Hmmmmmm...

"Okay..class dismissed." agad na nagsitayuan ang mga kaklase ko at halata sa mga mukha nila ang kasabikan.

Uwian na?

Tumingin ako sa wall clock ng room namin..

4:40? Bakit ang aga naman naming pinalabas?



'Hayy sa wakas natapos din, makakauwi na'ko.'

' Yes!!'

'Woyy punta kayo sa bahay namin ah, may party!!!'

'Punta na tayong Mall girls!!'



As usual, lahat excited sa pagtatapos ng klase..maliban sakin. Ako lang ata yung estudyanteng gustong-gustong nasa school hayyysstt. Malalim akong bumuntong-hininga at tumayo na rin.

Hindi pa man ako nakakalabas ng pintuan ay natanaw ko na kaagad si Allison sa labas, mukhang may hinihintay sya..

Luhhh..

masama ang timpla ng mukha nito at nakanguso. Iniirapan din nya lahat ng tumitingin sa kanya.

Malditang cute..

Yumuko ako at napangiti sa naisip. Ano kaya nangyari sa babaeng yon? Parang kaninang tanghali ang saya-saya nya pa, tapos ngayon para syang bata na nagta-tantrums.

Pag-angat ko ng tingin ay nagtama ang mga mata namin. Bigla akong napalunok at hindi ko alam kung bakit. Mabilis itong naglakad papunta sa'kin at huminto sa mismong harapan ko.

Hinintay ko syang magsalita pero..hindi nya ginawa. Tumayo lang sya don at tinitigan ako.

"Anong ginagawa mo??" pambabasag ko sa katahimikan. Imbes na sumagot sya ay nagkibit-balikat lamang ito.

"Wag mo'kong pagtripan HAHAHA" pagkasabi ko non ay ngumiti lang ito ng malungkot.

"Ako dapat magsabi nyan eh..WAG MO'KONG PAGTRIPAN.." bakas ang inis at pagtatampo sa tono ng pagsasalita nya.

Ano bang ginawa ko??

"I waited for you. Sabi mo sabay tayong kakain ng lunch pero ni anino mo..hindi ko nakita kanina." medyo gumaralgal ang boses nya sa dulo kaya naman napatingin ako sa mata nya. Nakita ko syang mangiyak-ngiyak na.

"W-Woy.." tanging nasabi ko. Bigla namang tinakpan ni Allison yung mukha nya..at don na nagsimula ang pagyugyog ng mga balikat nya.

To be honest, hindi ko alam kung anong gagawin ko. Hindi ko rin alam kung anong sasabihin ko sa kanya..

"A-Alam mo..." wika ni Allison habang nagpupunas ng luha... "feeling ko napipilitan ka lang na maging kaibigan ako.." isang munting hikbi ang kumawala sa kanya pagkatapos nyang sabihin yon.

C'mon Angel..say something!

Lumunok ako bago magsalita, pero hindi ko na nagawa dahil nagsalita na naman sya.

"Sabihin mo lang yung totoo, hindi naman ako magagalit sayo eh. In fact matutuwa ako kasi naging h-honest ka..hindi kagaya nung iba na puro kasinungalingan lang ang pinapakita. Hindi ka naman siguro ganon di---"

"I'm sorry.." pagputol ko sa sasabihin nya. Nakita ko kung pa'no lumungkot ang mga mata nya.

I'm sorry kasi ganon ako..

"I'm sorry kasi hindi mo'ko pwedeng maging kaibigan..magkaiba ang mundo natin.." isang malungkot na ngiti ang pinakawalan ko..

"At Allison, hindi ako yung tipo ng taong kinakaibig---" naputol ang sasabihin ko ng bigla nya akong niyakap.. yung yakap ba na mahigpit. Pakiramdam ko, ito yung yakap ng isang kapatid..na hindi ko man lang naranasan.

"Sabihin mo lang kapag pwede na.. I'll wait Angel." unti-unting kumalas sa yakap si Allison at walang lingong-likod na umalis.

I was left dumb-founded. Tumingin ako sa langit at tahimik na nagtanong..

Itong mundo pa ba ang problema? O ako na?

Ilang sandali pa ang tinagal ko sa pwesto na yon..ngunit napagpasyahan ko rin na umuwi na..

At the end of the day..sa bahay parin na'yon ako uuwi.

Hahakbang na sana ako ng biglang nag-ring yung cellphone ko. Agad kong tiningnan kung sino yung tumatawag pero..unregistered yung number. Nagtaka ako ngunit sinagot ko na lang.

"Hello??" ilang segundo ang nakalipas pero walang sumagot pabalik..

"Kung sino ka man tigilan mo na yung pangti-trip mo.." dagdag ko pa. Balak ko na sanang ibaba yung tawag..ngunit nagsalita yung nasa kabilang linya.

"Hi.." biglang nagsitayuan ang mga balahibo ko sa lamig ng boses nito.

"Cheer up my Angel, you'll be happy..soon." nanlaki ang mga mata ko...

P-Pa'no nya nalaman yung number ko??

I gulped..

"Griff..." wala sa sariling nabanggit ko ang pangalan nya. Ilang segundo ng katahimikan ang namayani bago nakapagsalita si Griff.

"Naalala mo.." sagot nya. He sounds very ammused..

"Pa'no mo nalaman number ko?" malamig kong tanong.

"I have my ways.." He answered. I heard him giggled on the other line. May kakaiba akong naramdaman at hindi ko gusto yon.

"Bakit ka tumawag?" mabilis kong tanong.

"Nothing..gusto ko lang marinig ulit yung boses mo." agad nya ring sagot.

"Wag mo na ulit akong tatawagan..delete my number." sabi ko gamit ang malamig na tono.

"Okay.." bigla na lang naging seryoso ang tono ng boses nito.

"Bye." agad kong pinutol ang tawag at naglakad na paalis.




Griff's POV

A wide smile formed on my lips as she starts walking towards the school gate...

Damn..she looks so cool.

"Sir..kailangan na po nating umalis. Naghihintay na po yung lolo nyo." napa-ismid na lang ako sa narinig.

"Okay..tara na." sambit ko na agad namang sinunod nito.

Muli akong sumulyap sa bintana at tinanaw si Angel..


Naalala nya ang pangalan ko haha.. I didn't expect that..


I smiled..


And I really won't call you again Angel...dahil sa susunod..personal mo na ulit akong makakausap.














Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 04, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Stone Hearted AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon