Usok, malilikot na ilaw, at dagat ng tao..
Yan ang sumalubong samin pagdating namin sa Devil's Haven..ano pa bang bago?
Inilibot ko kaagad ang paningin sa buong lugar.Where is she??
Aalis na sana ako sa pwesto ko nang biglang may kumapit sa braso ko.
"B-Bakit ba tayo nandito?" lumingon ako at nakita kong para syang batang natatakot.
Bakit ko nga ba sya sinama dito? Hayst.
"Saglit lang toh..wag kang mainip." Naglakad na'ko at nagsimulang hanapin si Kate..oo,sya ang pakay ko ngayong gabi.
Huminto ako, dahil napansin kong nakakapit parin sya sa braso ko. Mabilis ko syang tiningnan...naabutan ko ang paglunok nya habang nakatingin sa paligid.
"Hoy.." tawag ko..pero hindi man lang sya lumingon. Napapikit na lang ako.. Angel maingay kasi, kaya hindi ka nya narinig.. kalma lang... bumuntong hininga ako...
I cupped his face at iniharap ito sakin..nagulat sya sa ginawa ko dahilan para mapabitaw sya braso ko.
"A-Ano bang--" angal nya ngunit hindi ko sya pinatapos.
"Anong pangalan mo?" tanong ko pero hindi sya sumagot, sa halip ay tinitigan nya lang ako..
"Forget it.." sabi ko..inalis ko na yung mga kamay ko sa mukha nya at nagsimula na ulit maghanap.
Tss..parang pangalan lang eh..
Napahinto ako nang masagi ako ng isang babae..tapos hindi man lang humingi ng sorry... sinundan ko yon ng tingin at napakuyom ang mga palad ko....
Kahit kailan talaga...Kate..
Sisikuhin ko na sana yung humawak sa braso ko pero....
"Ayos ka lang?" ..sya pala si Mr. Idk.
"Oo ayos lang ako.." sabi ko sabay hawi sa kamay nya.. "..maglibang ka muna, may gagawin lang ako saglit." Halatang aangal na naman sya kaya inunahan ko na..
"Wag kang mag-alala..di na ulit ako tatakbo. Hintayin mo'ko.." bumaba ang tingin nya sa sahig at dahan-dahang tumango.
Tumalikod na'ko at sinundan si Kate. Nakita ko syang nakaupo sa sofa...mag-isa.
Mukhang lasing na rin toh dahil pipikit-pikit na ang mga mata nya...I smirked..
Pumunta ako sa counter at nagtama ang mata namin ni Ken. Nagulat ito ngunit ngumiti rin naman pagkatapos..
"Long time no see..ano sayo?" tinitigan ko lang sya at hindi nagsalita. Alam na nya ang ibig sabihin non...
"Shit!Angel.." mabilis syang umalis ng counter para puntahan ako. Agad nya akong hinila papasok ng staff room.
"Anong binabalak mo?" inilibot ko muna ang tingin sa staff room bago ko sya sinagot.
"I need your help..may tuturuan ako ng leksyon ngayong gabi." napapikit sya at napatingala.
"Please Ken.." dagdag ko..dumilat na ito at tumingin ng diretso sa'kin.
"Fine.." sagot nya na ikinangiti ko.
"You're the best talaga.." sabi ko sabay yakap sa kanya...
Finally, makakaganti narin ako Kate.
Kumalas na'ko sa pagkakayakap ko kay Ken.
"Panahon na para gamitin yung Everclear." nanlaki ang mga mata nya..